Chapter 31 LINCY PAGDATING ni Elliana at Andrew sa mansyon ay isang babae na nasa mid-50's ang edad ang naroon at kausap ni Nanay. Base sa reaksyon ng mukha nito ay galit na galit ito at pinakakalma lamang ni Nanay at Tatay. Lumapit si Andrew at nagbalak nang magtungo si Elliana sa kwarto nila ni Andrea ngunit nakita ito ng ginang at saka mabilis na nilapitan. "Elliana!" sigaw nito dahilan upang matigilan si Elliana at mapatingin sa ginang. Sa pagharap ni Elliana ay isang malakas na sampal ang isinalubong nito. Sa lakas ng sampal ay napangiwi si Elliana. Hindi sumagot si Elliana o gumanti man lang. Naaawa ako ngayon sa lagay niya. Umalis nga siya sa puder nila pero nagawa pa rin nilang sundan siya at saktan nang ganito. "Huminahon ka, Mrs. Dela Cruz. Puwede natin itong pag-usapan n

