EA’s POV Umiiyak akong yumakap kay Wilma. “EA.” Nag-aalalang hinaplos nito ang akinlng likuran kaya lalo tuloy akong napaiyak. “Sinaktan ka ba niya?” “Hindi, Wilma. Ako. Ako ang nanakit sa kanya.” Humagulgol ako ng iyak. Hindi ko makakalimutan ang sakit sa mga mata ni Vince kanina. Ang pag-iyak nito. Ang pagtalikod nito sa akin. I was expecting him to be mad at me. What I wasn't expecting was that he would turn his back on me. Akala ko ay maipapaliwanag ko nang mabuti ang mga nangyari. Pero masyadong nasaktan si Vince kaya hindi na nito maintindihan ang mga rason sa lahat ng nangyari. I know he loves me kaya nag-expect ako na maiintindihan nito ang mga ipapaliwanag ko. Na-decode ko na ang tawag nito sa aking 'laham'. Bukod dito ay dahil sa gabi-gabi nitong pag-sleep talk simula noong b

