VINCE’s POV Muli akong nagsalin ng alak sa baso ko. Alam kong unti-unti na akong natatamaan ng espiritu ng alak pero hindi pa rin napapamanhid nun ang sakit sa puso ko. Nakakainis. Lahat ng nakakaalam sa pinagdadaanan ko ngayon ay iisa lang ang sinasabi. I should understand my wife. I should accept the fact that she is beautiful not ugly, smart and not dumb. Akala nila mag-explain lang siya ay okay na. Akala nila ganun kadaling tanggapin ang lahat. Puro sila akala. Ako ba, naiintindihan nila? Ako ba, isinaalang-alang nila ang nararamdaman? Mali ba ang masaktan? Mali ba ang magtampo after all that I have given? After all that I have to endure? After all my struggles? Wala man lang bang nakaisip na hindi naman ako magkakaganito kung hindi ako nasaktan nang todo? Kung alam lang nila ang l

