RATH’s POV “Lord X naipasok ko na po si Ryle sa kabilang van.” Napatango lang si Dad sa sinabi ng tauhan saka sinenyasan ang driver na umalis na. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababasa ang kilos niya. Biglaan tong pagpapadukot niya kay Ryle. “What’s your plan Dad?” Tanong ko sa kanya. Ang alam ko ay wala siyang balak magpakilala kay Ryle. Gusto niyang hanggang sa matapos ng maayos ang lahat ng plano niya ay hindi siya magpapakilala reto. “Ayokong magkamali si IU at manganib pa siya sa gagawin niya kaya gagawin ko ang alam kong magpapadali sa lahat.” Seryosong niya na kinakunot-noo ko. Naniniwala pa rin ako na mas mapanganib ang shortest and easiest way. “What do you mean?” Naguguluhan kong tanong na kinangisi niya. “Sabay silang mamamatay.” Makahulugang tugon niya na ala

