IU’s POV Nang makarating ako sa mansion galing sa bahay nila Ryle ay dumiretso agad ako sa aking kwarto at doon ko nilabas lahat ng galit ko. Lahat nang mahahawakan ko ay binabato ko sa pader ng aking kwarto habang iniisip ang mukha nina Poseidon. Bakit hindi umaayon lahat sa aking plano? Bakit ang daming hadlang? Gusto ko lang naman makuha ang gusto ko! Ano pa bang kailangan kong gawin? Bakit kailangan nakaaligid sila palagi kay Ryle? Gusto ko na silang maglaho ng tuluyan! Lalo na si Zeni at Ryle. Damn it! Nagkasugat na rin ang mga daliri ko dahil sa mga matutulis na bagay na nahahaakan ko pero binalewala ko iyon dahil mas nangingibabaw ang galit ko ngayon. Sobrang gulo na ng kwarto ko ng kumatok ang aking ama. Ang nag-iisang may-ari ng Black Building at Boss ni Zenith. “IU, tama n

