GOVIN EAST
I kissed him...
Naging natural sa akin ng halikan siya sa labi.
Maybe because I feel safe.
Bumalik sa akin ang dadamin ng una kaming nagkasama.
Noong tinulungan niya ako sa basurahan.
Noong magkahawak kami ng kamay na nanonood ng una kong sine.
Noong gabing kasama ko sa pagtulog ang singsing at pangako na babalikan niya ako.
Muli kong naramdaman ang ganito...ang kasamang tunay kong minahal.
Noon nag-iisa lang ako...at kakikitaan ng pag-asa.
Iba ito sa nararamdaman ko kesa sa may umampon sa akin.
Mas maligaya ako ngayon dahil parang napunan ang puwang sa aking buhay at pagkatao.
Ang muli kong makasama si Thirdy.
Hindi utak ang nagtulak sa akin na halikan siya. Kagustuhan iyon ng aking puso.
Sumugal ako sa pagkakataon na kung sakaling tumanggi siya ay tatanggapin ko.
Kay Thirdy ako nagkaroon ng kalayaang umamin ng tunay kong pagkatao.
Ikinahiya ko ang unti-unti kong pagbabago habang lumalaki.
Natakot ako na baka itakwil ako ng Daddy at Mommy.
Ang galit ko sa mga taong umabuso sa akin ay napunta sa sarili kong pagbabago.
Bakit habang tumatagal ay hindi ko naramdaman ang maging normal?
Napansin ko na sa lalaki nalipat ang atensyon ko kesa sa babae.
Kalituhan sa akin ang magkagusto sa parehong kasarian.
Iyon ang simula kung bakit ako naging ganito.
Sa Australia ay nagkaroon ako ng pagkakataon na ipahayag sa isang tao ang nararamdaman ko.
Isang kaedarin kong Australian na nakilala ko sa mall.
Isinama ko siya sa bahay.
Wala ang mga magulang ko.
Sa kwarto ay solo lang kami.
Masaya ang kwentuhan hanggang sa niyaya niya ako na may mangyari sa aming sekswal.
Pumayag ako.
Ngunit ng halikan niya ako ay naduwag ako at umatras sa nais niya. Natakot ako... Naiyak at pinaalis siya ng bahay. Nagalit ako sa aking sarili.
Naalala ko ang nangyaring pangmomolestiya sa akin. Naramdaman ko muli kung gaano kasakit ang pagpipilit ng lalakeng iyon sa akin.
Ang panununtok at sampal niya.
Ang duraan ako at pasuin ng sigarilyo.
Ang murahin ako habang nagpapasarap siya sa aking katawan. Mula noon ay hindi na ako naghangad na makipagrelasyon.
Gusto ko ng makalimot.
Noong nakita ko ang binatang ito sa kitchen.
Gwapo, mestizo,kaedarin ko kayat nagpakilala ako agad.
Pinakilala ko ang masama kong ugali.
Sinigawan ko siya at pinahiya.
Hindi siya nasindak maging sa daddy ko.
Parang hindi siya kayang tinagin.
Ang lakas ng presensiya niya kaya niinis ako.
Hanggang sa sinabi niya kung sino siya.
Siya ang dating may-ari ng singsing na laging kong kasama.
Sinagot ng langit ang dasal ko na sana'y muli makita ang batang kaisa-isang nagmalasakit ng tunay at nangarap para sa akin ng hindi ko hinihiling.
Pinasan ko na pala siya...
Nakahawakan ng kamay...
Hanggang sa magpakilala siya...
Umiyak ako sa kaligayahan dahil katabi ko na pala ang batang iyon.
Gusto kong makalimutan ang lahat ngunit hindi siya.
Hindi si Thirdy.
Lumapit ako at niyakap siya, dahil kay tagal ko ng gustong gawin iyon sa oras na magkita kami.
Hinalikan ko siya sa pisngi at nakadama ako ng kalayaan sa pagkakatali ko sa nakaraan.
Nawala ang takot na naramdaman ko...
Wala na ang sama ng loob...
Para akong nauupos na kandila ng hindi siya tumanggi sa aking halik...
Naging malikot ang aking mga kamay at nadama ko ang kaniyang pagkalalake sa kaniyang boxer short. Matigas iyon gaya ng sa akin.
Maging ang kamay niya ay sumapo din sa aking kaselanan.
Sa unang pagkakataon ay ngayon lang ito tumigas ng ganoon kalaki. Halos sumakit ang puson ko na sana ay mas maganda pa ang mangyari sa amin bukod sa hipuan at halikan.
Gising na ang ilan naming mga kasama at hininto namin ang aming ginagawa.
Natapos kami sa ngitian at nakaw na halik. Iba na kami ngayon kesa kahapon. Halos hindi na kami maghiwalay lalo pa at kailangang ipagpatuloy ang task ng paghahawakan ng kamay.
Walang nakakahalata na may mas malalim pa kaming pagkakakilanlan ng kabuddy ko.
Kay Thirdy ko lang ito naramdaman. Na bukod sa kaibigan at napurnadang pag-aampon sa akin ay mahal ko siya.
Minahal ko siya sa aking pangarap, sa aking panaginip, sa aking isip at sa aking puso.
Pinangako ko na kung sakaling bibigyan ako ng pagkakataong umibig ay sa batang iyon na lang.
Kay Thirdy lang.
Nagkaunawaan kami dahil naramdaman ko rin ang pagmamahal niya sa akin.
Mahal ako ni Thirdy.
Nawa'y hindi na mabago pa ng pagkakataon na subukin kami at paghiwalayin dahil hindi ko na talaga makakayanan.
Dalangin ko ngayon na wag na kaming paghiwalayin.
Nais ko ng lumigaya.
Natapos ang aming team building program at oras na ng uwian.
Hindi kami sumabay sa aming service dahil dumating na ang sundo ni Thirdy. Isa iyon sa kasunduan nila ng kaniyang tatay na kakaunin siya pagkatapos ng programa namin. Nais niyang sumama ako upang ipaalam sa kanila na nagkita na kaming dalawa kaya't tinawagan ko si Dad na sasama muna ako kay Juancho at uuwi din pagkatapos.
Namangha ako ng dumating kami sa kanila. Sa labas pa lang ng bakuran ay batid mo na agad kung gaano karangya ang kaniyang pamumuhay. Nalula ako ng pagmasdan ko ang tatlong palapag ng kanilang mansion na kala mo ay white house dahil sa naglalakihang pillars nito at kulay.
Sa pagbaba namin ng sasakyan ay agad kaming sinalubong ng napakalaking wolf type Siberian husky na may magkaibang kulay na mga mata. Alinlangan pa akong hipuin ang aso niyang si Gorgon. Malaki ang mukha niya, malaki pa sa mukha ko.
"Go on, he won't bite.Unless na may gagawin ka sa aking masama kakagatin ka niya"
Lakasan ng loob at hinipo ko ang aso. Kumawag ang buntot at nagpahimas sa akin. Tumuloy kami sa loob ng mansion at sinalubong kami ng dalawang matandang babae. Nagmano si Thirdy sa isang babae at nakimano naman ako.
Akala ko ay isa dito ang kaniyang nanay.
Sila pala ang nakalakihang yaya ni Thirdy hanggang ngayon na naglilingkod sa kanila.
Hindi sila mukhang yaya sa ayus nila dahil hindi sila nakauniporme gaya ng mga nakikita kong empleyadong kasambahay. Maayos ang kanilang pananamit na parang mga propesyonal. Maging ang isa sa kumuha ng bag ko ay nakarolex pa. Halatang maging ang nasa paligid ni Thirdy ay naambunan ng pagpapala at kabutihan ng kanilang yaman.
"Wala pa ang tatay at Papa mo pero parating na daw sila. Doon muna kayo sa silid mo anak para makapagpahinga kayong dalawa. Iwan mo na yung bag mo at mga tuban mo yan kahapon. Paniguradong may basa kayongng gamit. Hahatiran ko na lang kayo ng mirienda habang niluluto pa ang hapunan ano?"
Giliw na giliw ang matandang babae na parang anak niya si Thirdy habang hinahatid kami sa napakalaking hagdan.
Sa silid niya kami nagpahinga.
Naging malinaw na sa akin kung bakit dalawa ang kaniyang ama. Ulila din pala siya kagaya ko at inampon din pala siya ng kaniyang tiyuhan at fiancé nito na tinatawag niyang tatay na itinuring niyang tunay na ama dahil sa kabaitan nito. Mayamaya pa ay nakarinig kami ng isang sigaw sa baba ng mansion.
"Were Here!"
Agad kaming bumaba.
Nakita ko ang dalawang lalaki na magkahawak kamay na nakatingin sa amin. Bumaba ng hagdan si Thirdy at humalik sa kanila.
"Tay! Papa! I found him! I found Silang!"
Nakilala ko sila at isa dito ang CEO ng hotel.
Nahiya ako dahil hindi ko alam kung paano ako magsisimlua na magpakilala ng maayos. Tinitigan nila ako. Hindi ko alam ang gagawin ng lumapit sila at ako'y niyakap.
Isang mainit at sinserong yakap gaya ng ginawa sa akin ni Thirdy kagabi.
Masaya sila na muli akong makita. Inilahad ko ang mga nangyari sa akin. Ikinuwento ko kung sino ang mga umampon sa akin at kung paano kami nagkita ni Thirdy.
Masaya kaming nagsalo-salo sa masarap na hapunang hinain sa amin. Masarap silang kausap at hindi na ako nagtaka kung bakit inlove sa isa't isa ang umampon kay Thirdy.
Pansin ko na parang kamukha pa ni Thirdy ang tatay niya.
Nagpaalam ako na uuwi na dahil sa malalaim na rin ang gabi. Gusto sana nilang sa mansion na ako matulog. Gusto ko sana ngunit tumanggi ako dahil kailangan din ni Thirdy ang magpahing para bukas.
Ipinahatid nila ako sa kanilang driver para makauwi. Gusto ko siyang halikan muli habang magkayakap kami ng magpaalam.
"Magkikita naman tayo bukas..."
Iyon na lang ang naibulong ko sa kaniya. Nakauwi ako at ikinuwento kong triple ang success ng teambuilding na nagawa para sa akin. Natuwa siya dahil nalaman niyang nagkita na kami ni Thirdy.
Kilala niya si Thirdy sa aking mga kwento.
Nagulat pa siya ng malaman niyang si Thirdy o Juancho ay anak ng CEO ng hotel. Hindi pala niya binasa ang resume ni Thirdy noong nag-apply sa kaniya.
"Hindi ba sila nagalit ng paghugasin ko ng casserole ang anak nila?"
Natawa ako sa daddy dahil hindi niya sukat akalain na ang bagong junior chocolatier sa kusina ay may ari pala nito na madalas niyang utusan.
Masaya ang adoptive parent ko dahil nagkita na kami ng matagal ko ng hinahanap. Masaya ako dahil nagkita na kami ng pamilyang unang nagmalasakit sa akin.
Para sa mga magulang namin ni Thirdy ay hindi ko na muna ipagtatapat ang tungkol sa aminh dalawa.
Panahon muna ng pag-amin sa tunay kong pagkatao ang kailangan kong unahin upang maiharap ko sa kanila kung ano si Thirdy sa akin.
Iyon na muna ang uunahin ko.
*****
THIRDY
Alas onse na pala ng gabi...
Ayaw pa kong dalawin ng antok mula ng umalis si Silang..si East...
Napakasaya ko ngayon.
Ewan kung bakit hindi ako nakatanggi sa ginawa niya sa akin kanina. Nasabik ako sa halik na ginawa niya sa akin.
Nang maglapat ang aming mga labi ay parang may pagtanggap sa aking sarili na kaya ko siyang mahalin ng higit oa sa isang kapatid.
Hindi ko siya kayang tanggihan at ayaw ko siyang biguin kung ano man ang nararamdaman niya para sa akin. Ang bilis ng pangyayari dahil maging ako ay nadala sa kaniyang paghalik.
He kissed me...and I kissed him back...
Nakangiti ako sa kaniya ng matapos iyon...
Dahil gusto ko...
Dahil mahal ko siya...
Mahal ko si East...
*****
Sa Madilim na library ng ni Don Juancho Ay lihim na pumasok ang kaiyang pamangkin...
si Alexander.
Nagmamadali siyang binuksan ang kaha de yero.
Alam niya ang kombinasyon nito dahil ilang beses na rin niyang nakita si Donya Pura na kaniyang ina na binuksan ito para itago ang ilang mga papeles na pag-aari ni Don Juancho.
Isa-isa niyang binasa ang ilang mga dokumento at papeles.
Nakaagaw ng atensyon niya ang isang kasulatan.
Dalawang beses niya itong binasa upang makasiguro.
"Hindi anak ni Michael Angelo si Thirdy kay Mia Rosa...?
At si Roman ang tunay na ama....? Hindi Monleon si Thirdy?!"
Isang sekreto ang natuklasan n Alexander.
"Strike three ka na Tiyo at malapit ka ng ma-out.. Bakit ngayon ko lang nalaman ito?...stike three..."
Isinauli niya ang lang nailbas na dokumento maliban sa kasulatan tungkol sa kasunduan ng Don at ni Roman patungkol sa tunay na pagkatao ni Thirdy.
Lumabas siya ng library at bumalik sa kaniyag silid. Doon muli niya itong binasa.
"Di ko na pala kailangang pumatay pa uli eh. Kayo na pala Tiyo Juancho at Roman ang magpapatayan para sa akin..."
Bulong ni Alexander sa sarili na may balak ng masama laban sa pamilya ni Don Juancho at Roman.
*****
Sa kabila ng masayang pangyaayri sa buhay ni Thirdy ay may nakaamabng panibagong kapahamakan na naming magaganap sa kanilang buhay. Ano ang tunay na layunin ni alexander? Sino ba talaga siya sa buhay ng mga Monleon?
ABANGAN!!!!