THIRDY
Walang pag-aalinlangang si Silang nga si Govin.
Si Silang at si Govin ay iisa!
Nakita ko na si Silang!
Ang mga mata, ang kilay, ang ilong at labi niya ay siya.
Ngunit bakit hindi niya ako natatandaan?
Marahil ay nakalimutan na niya ako. Kung sabagay ay matagal na panahon din kaming nagkahiwalay.
Kung tutuusin ay dalawang beses lang kaming nagkita.
Ngunit hindi ako.
Hindi ko makakalimutan ang mukha ng batang minsan kong hinangad na maging kapatid ko.
Ang mukha ng kaisa-isang naging malapit kong kaibigan.
Ang mukha ng nasaksihan ko noong... Kahit masakit ay nais kong maalalaa ng mukha niyang walang malay sa tabi ko matapos siyang pahirapan ng mga lalaking kumuha sa amin.
Tanda ko pa ang mukhang iyon.
Ngayon lang ako nakalapit sa kaniya ng ganito lalo pa ng pasanin niya ako kanina sa pool.
Ang kibuin na niya ako kanina sa pagluluto.
Ang mga silent rants niya sa mga activity na binubulong lang niya sa sarili.
Natuwa ako ng mag-akbayan kami at magkapit-bisig kanina. Alam ko ikaw yan Silang dahil nararamdaman ko.
Parang gusto ko ng umiyak ng bumalik kami sa session na nakapantulog.
Siya nga si Silang!
Nakakabit sa kwintas niya ang singsing na ibinigay sa kaniya noong bata pa kami.
Hindi ako maaring magkamali dahil ganito rin ang singsing na suot ng aking mga tatay at papa hanggang ngayon.
Ito ang katibayan na siya nga si Silang.
Halos manlambot ako sa aking panginginig ng maghawakan kami ng kamay.
Pinaghalong takot,kasiyahan at kalungkutan.
Takot, dahil hindi ko alam ang mangayayari pagkatapos nito.
Kasiyahan, ang malamang nasa maayos na buhay na kaibigan ko
Kalungkutan, dahil hindi niya ako nakilala....
Magkahawak kami ng kamay ng maghanap kami ng pwesto para sa aming activity haggang sa makarating kami dito sa bubong.
Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Bumigay na ako at umiyak.
"Hindi mo ba ako natatandaan?Hindi mo na ako nakikilala?"
Para na akong bulkang sasabog...
"Ako ito si Thirdy!
Naalala mo pa ba ako?
Ako yung bata sa ampunan nakalaro mo?
Ako yung Bestfriend mo!"
Hindi ko na alam ang sasabihin ko para magpakilala dahil iyon lang naman ang alam konh para matandaan niya kung sino ako.
Umiyak na ako ng umiyak dahil naalala ko na naman ang nangyari sa kaniya. Nadamay siya dahil sa isa akong Monleon. Inabuso siya dahil sa siya ay isang ulila na walang magtatangol sa kaniyang mga magulang noon.
Biktima siya ng mga taong naghangad nga masama sa aking pamilya. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nadamay...
Napaluhod ako sa harapan niya sa hiya at takot na ako ay kaniyang sumbatan.
Naramdaman ko na siya ay kumilos.
Lalo akong naiyak ng yakapin niya ako.
Narinig ko ang kaniyang paiyak. Yumakap ako sa kaniya. Halos sa magkabilaang balikat kami nag-iiyakan at mahigpit na nagyakapan.
"Sorry Silang! Soryy! Hu Hu Hu!
Ako ang may kasalan ng lahat ng nangyari sa iyo!Im so Sorry!!!!"
Ang sakit sa dibdib dahil ilang taon koi tong dinala sa aking kunsensya. Ilang taon akong naghintay upang masabi ko sa kaniya na nagdalamhati ako ng kami ay nagkahiwalay ng walang paalam sa isat-isa.
"ikaw nga si Thirdy...natatandaan ko na..ang tagal na noon...
hu hu hu...Hinintay kita sa ospital pero sabi ni Father ay hindi na pwedeng dumalaw sa kan dahil sa ayaw ng umapon sa kain. Ikaw nga si Thirdy. Hu Hu Hu! Akala ko ay hindi na tao magkikita pa. Ikaw nga si Thirdy... "
Hikbing bulong niya sa akin.
"Ang tagal kong gustong makita ka... Ang makausap...sorry-sorry hu hu hu!
"Wala kang kasalan...okay na ako...masaya na ako dahil nagkakilala tayo muli."
Ang tagal naming sa ganoong posisyon. Parang binawi namin ang aming kabataang pinaghiwalay ng pagkakataon.
Bumalik sa aking alaala ng makita ko siyang itinulak sa basurahan,ang umakyat kami ng puno ng manga at bayabas.Noong birthday ko.
Maging siya ay patuloy sa pagyakap sa akin.
Walang naghihinatay na sumuko. Magkayakap lang kami kahit hupa na ang aming pag-iyak.
"Namiss kita Silang..."
" Namiss din kita Thirdy... "
"Akala ko ay hindi na tayo magkikita..."
"Hindi kita nakilala noong unang tayong nagkita sa kitchen ng hotel dahil sinigawan mo ako, tapos inaway mo ako agad ng masugatan ka kahapon. Kanina ko lang nasiguro na ikaw nga ang kaibigan ko dahil sa singsing na binigay ko sa iyo noon."
Kumalas siya ng yakap at ipinakita ang singsing na nakasabit sa kaniyang kwintas.
"Iningatan ko ito dahil inasahan ko ang pangako mo Thirdy na magkikita tayo. Hindi mo ako binigo... Salamat."
Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.
Yumakap din ako nga mahigpit at hinalikan din siya sa kaniyang pisngi.
Napakasaya ko dahil muli kaming nagkasama ng kaibigan ko.
Umupo kami ng magkatabi na magkahawak ang aming mga kamay. Hindi ito task ng facilitator kundi sinunod lang namin ang tinatakbo ng aming puso.
Halos pigain ko ang kamay niya sa sobrang kasiyahan. Naniniguradong hindi siya isang ilusyon.
Maging siya ay ganoon din.
Madami siyang kwento sa mga nagyari sa kaniyang buhay ng magkahiwalay kami.
Sa Tangalooma Australia siya tumira kasama ng umapon sa kaniya na si Chef Franz at ang asawa nito. Marami siyang pinagdanan habang lumalaki.
Dahil sa ugat ng depression niya ay ang masamang nangyari noong nakidnap kami at nagkahiwalay. Naging malayo siya sa mga tao at naging magagalitin sa lahat ng bagay.
Ilang taon siyang dumaan sa anger management. Maging hypnotism ay ginawa sa kaniya maituwid lang ang kaniyang ugali at nararamdaman.
Gawin man niyang normal ang lahat ay hindi niya magawa. Sa pagluluto at paggawa ng tsokolate siya nagkaroon ng kapayapaan sa sarili.
Nagkataong pareho pa kami ng propesyon na pinili.
Nakakatuwa dahil kahit nagkahiwalay kami ay pinag-isa kami na aming pangarap.
Ang tagal na aming kwentuhan.
Ang tagal ng aming paghahawak kamay. Madami pa akong gustong malaman sa kaniya.
Maging siya ay ganoon din.
Ayaw ko ng matapos ang gabing ito.
Narinig namin ang tunog silbato.
Hudyat na tapos na aming activity. Ngunit parang nagsisismula pa lang kami...
Bumalik kami sa aming pagtitipon. Kahit tapos na ang aming task ay hindi pa rin kami nagbibitaw sa pagkakahawak sa isat-isa.
Ayaw ko siyang bitawan.
Ayaw niya akong bitawan.
Ayaw ko na siyang mawala pa...
Mayat-maya ang aming tinginan at ngitian.
Bumalik na siya sa aki at ako ay bumalik na sa kaniya.
Patunay ang singsing ng pangakong ibinigay ko sa kaniya noon na hindi siya magbabago para hintayain ako.
Oras ng pagtulog.
Hindi ako sa sala nahiga kundi sa pwesto niya sa cottage malapit sa pool.
Nahiga kaming magkatabi na parang mga bata sa aming kwentuhan...
Magkawak pa rin ng kamay.
Pitong taon.
Kay tagal ng panahong hindi kami nagkasama.
Muling nabuhay ang aming pagkakaibigan.
Nawala na ang takot ang pag-aalala. Hindi na ako nalulungkot kahit maalala ko pa kahapon namin dahil heto kami ngayon at muling magkasama.
Kasama ko na siya.
Katabi ko na siya.
Hawak namin ang aming mga kamay.
Nagawa ko na ang pangako ko sa kaibigan ko at wala akong planong bawiin ito sa kaniya.
"Hindi na tayo magkakahiwalay Silang. Ikalawang pangako ko ito sa iyo."
"East na ako ngayon! Wala na si Silang Ha ha ha!"
"Sige! East, I promise you. Hindi na tayo magkakahiwalay."
Itinatapat ko sa aking dibdib ang magkahawak naming kamay.
Hindi ako nakatiis at hinalikan ko ang kamay niya.
"Pangako na hindi rin ako lalayo sa iyo Juancho!"
Itinapat din niya ang kanyang dibdib aming magkahawak na kamay, gaya ko ay hinalikan din niya ang kamay ko.
Masaya ako...
Payapa na ang aking kalooban...
Dahil kasama ko na nga si East.
Nakatulog kaming walang bumubitiw sa aming pagkakahawak.
Alas sinco ng umaga.
Nagising ako dahil sa pagbukas ng ilaw sa kusina at dinig na ang kalansingan ng isang kapeng hinahalo sa isang puswelo kasabay pa ang bagong gising na boses ng dawalang babaengg nag-uusap.
Sa paggising ko ay iba na pala ang aming posisyon ni East.
Higit pa sa magkahawak ang aming mga kamay ng natulog, nagising ako ng kayakap siya.
Himbing siya at ayaw ko siyang magising.
Sa liwanag ng ilaw na nagmula sa kusina ay naanigan ko ang kaniyang mukha.
Malaki na ang kaniyang pinagbago.
Hindi na siya musmos kagaya noon.
Hindi na siya mukhang lampa at iyakin.
May katapangan ang kaniyang dating na hindi na pwede takutin.
Kaya na niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili.
Kumilos siya at lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin at nagkalapit ang aming mga ilong.
Dama ng mga labi ko ang init ng kaniyang paghinga.
Muli akong naiyak dahil hindi talaga ako makapaniwala na kasama ko na siya.
"Umiiyak ka naman?'
Nakapikit lang siya ng sabihan niya ako.Umayos pa siya ng pagkakayakap at lalong nagdikit pa ang aming mukha. Naramdaman niya ang luhang tumutulo sa aking mga mata.
"Huwag ka na kasing umiyak. Ang aga-aga istorbo ka."
Napangiti ako sa kaniyang sinabi.
Nanahimik ako dahil alam kong gising na talaga siya. Nararamdaman ko ang kaniyang mga pilikmatang gumagalaw sa aking pisngi.
Hinalikan niya ako sa pisngi...
Umayos ako upang lalong magtapat ang aming mga mukha...
Nagkatitigan...
...at naglapat ang aming mga labi.
Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman ngayon para kay East. Nagising akong higit pa sa kaibigan o kapatid ang nais kong ipadama sa kaniya. Hindi ko kayang tanggihan ang nararamadaman ko ngayon...
Nagising akong mahal ko siya ng higit pa sa aking inaasahan.
*****
Simula na nga love story nga dalawa.
ABANGAN!!!