GOVIN EAST
Nakakairita ang ingay ng mgakasama naming mga babae sa mini bus na sinasakyan namin.
Parang hindi mauubusan ng pagkukuwentuhan. Palitan lang sila ng daldalan. Makakatulog ang isa at susunod namang dumaldal ang bagong gising.
Napapailing na lang ako sa kadaldalan ng mga babaeng ito.
Hindi ko sila kilala at kung ano ang position nila sa hotel dahil sa restaurant at kitchen lang naman ako naglalagi.
Liban lang sa isang pakialamerong nakaupo sa hulihan na tahimik at nakatanaw lang bintana, si Junacho.
Paanong hindi ko siya mapapansin, katabi niya ang isang babae na kanina pa daldal ng daldal.
Sumama ako sa team building na ito para maiba naman.
Pitong buwan pa lang ako sa restaurant pagkatapos ko ng short course sa culinary sa Australia.
Si daddy naman ang halos nagturo sa akin ng lahat kong nalalaman.
Nais kong maging mahusay kagaya niya.
Hinangaan ko si Dad dahil sila ng mommy ang talagang nagbuhos sa akin ng pagmamahal.
Hindi nila ako sinukuan sa naging kalagayan ko. Ilang beses na ba akong naadmit sa ospital dahil sa tangka kong pagsusuicide.
Ilang beses bang pinatawag ang mga magulang ko sa school dahil sa mga batang nasaktan ko kapagtinutikso akong weirdo.
Sila ang dahilan kung ano ang malaking pagbabago ko ngayon kesa sa dati.
Sa pagluluto ko nakita ang mundo ko. Si Daddy ang inspirasyon ko.
Ang totoo, sa kusina ako nakakapag-isip ng matino.
Doon ko nakikita ang kapayapaan na hinanahanap ko.
Doon walang nakikialam sa gusto ko maliban sa mabait kong daddy.
Dahil sa imbitasyon ng Monleon Tower kaya kami narito sa pilipinas. Si Dad ang kaunaunahang Pilipino na naging head chef sa hotel.
Ibig sabihin, ganoon siya nirerespeto sa kaniyang kagalingan sa pagluluto. Gusto ko ng ganoon...
Ang irespeto at igalang...
Dahil sa pagluluto nawala ang aburido ko sa buhay.
Noon madali akong magalit at magwala at halos kagatin ko na ang aking dila mawala lang ang inis ko sa aking sarili.
Buwisit kasi ang mga babaeng kasama namin.
Hindi na ako nakatulog sa biyahe.
Nakarating kami sa isang private vacation house na pag-aari ng isang manager ng hotel dito sa Bulacan.
Nasa 16 kami lahat na sasailalim sa team bilding na ito.
Orientation ang panimula.
-Schedule of activities
Pagtatalaga sa mga silid na para sa mga lalake at para sa mga babae.
Ito na nga ba ang sinasabi ko...
pagpaparepareha ng makakasama...
- Buddy/buddy system
Sino nga ba ang kabuddy ko?
Sino pa nga ba, e di si bingi!
" There are certain task na ipapagawa sa inyo. You have to do this task before, during and after ng mga activities. This is a buddy/buddy system kaya bawal ang mag-isa, mang-iwan o mag-away. This is a performance, character and unity test kaya kailangan ko ang niyong cooperation..."
Hindi ko na matandaan ang sinabi ng facilitator dahil lumipad na naman ang utak ko sa mga babaeng maiingay kanina.
Dalawa lang ang kwarto ng bahay. Ang isang silid na pang-animan ay naokupahan na ng walong babae at ang isa ay okupado na ng anim na mga kasama naming lalake.
Hindi ko sila kilala at wala akong tiyagang makipagsiksikan sa kanila. Dalawa kaming nahuli ng kasama ko at kanya-kanya na lang kami kung saan pupuwesto mamaya.
Simula na pala ng activity at ang mga babae ang nakatoka sa paghahanda ng pananghalian.
Kaming mga kalalakihan naman ang nakatoka sa paghuhugas mamamaya.
Matapos kumain at maghugas ay ang unang activity ang pinagawa sa amin.
Nakahilera kaming katabi ang aming mga kabuddy.
TASK NO.1 PIGGY BACK
Maligo sa pool na pasan ang kabuddy.
Puchang task yan!
Ayaw kong maging pasaway dahil nangako ako sa Daddy.
Sige na!
Sinenyasan ko na lang si bingi na ako na lang ang magpapasan sa kaniya sa paliligo at tumango lang siya sa akin.
Ganun lang, maliligo lang ng may pasan?
Sa iba okay ang activity na ito dahil magkakalila sila, ang sa amin ng pasan ko ay awkwardness.
Wala kaming ginawang kibuaan.
Pero ng may kasama palang habulan ang swimming ay nawala ito ng bahagya.
Dalawang oras na ang nakalipas at umahon na kami.
Ngunit may task na kasama kung aahon.
TASK NO.2 AKBAYAN TILL 7PM ONCE NA UMAHON NG POOL.
(Excuse lang kung gagamit ng banyo.)
Para na kaming tanga dahil lalake naman ang nakatoka sa pagluluto ng magkaakbay.
Dalawa kaming may alam sa kusina kaya sa kalan kami nakapwesto para magluto at ang iba para sa paghahanda.
Natapos ang task bandang alas siete kayat nakakain na kami ng maayos.
TASK NO.3 ARM LINKING
Effective after dinner
Pang mag-asawa ata ang activity na ito eh?
Kung kanina mag-kaakbay ngayon naman kapit-bisig?
Aaminin ko...
Kahit papaano ay effective naman ang pinapagawa sa amin.
Kahit papaano ay nababawasan ang tension sa pagitan namin ni Juancho.
Kahit papaano...
Ngunit bago ay matulog ay may isang task pa pala kaming gagawin.
TASK NO.3 INTERLOCKING FINGERS
Know your buddy. Due time: Till lights off
HOOOOOO!!!!
Ano ba kulto itong napasok ko.
Pinagpaayos muna kami ng aming hihigaan.
Doon ako sa may cottage sa pool area pupuwesto.
Paniguradong magigising ako kung sa sala ako matutulog dahil alam kong may mga babaeng mahilig magbawas sa banyo kahit dis-oras ng gabi.
Isa sa kahinaan ko ang madaling magising kaya ayaw kong maistorbo.
Naayos ko na ang aking hihigaan, nagpahid ng insect repellant,nagpalit ng pantulog.
Dahil mainit ang panahon, sando at shorst lang aking isinuot at saka bumalik sa bahay para gawin ang huling task.
Muli kaming pinahilera ng facilitator.
Parang mass wedding na nakapantulog kaming ikakasal magkakahawak kamay ng mga kabuddy namin.
Last task na ito ngayong gabi at kaya ko pa.
Sapilitan lang talaga ng maghawakan kami ng kamay ni Juancho. Ewan ko kung bakit malamig ang kaniyang palad at nanginginig ng maghawakan kami.
Tensyonado ang kaniyang ikinikilos na parang may masama siyang nararamdaman.
Magkakasakit pa yata ang loko...
Di ko na lang pinansin at gusto ko ng matapos ang gabing ito.
Akala ko ay sama-sama kami na parang isang open forum style.
Hindi pala.
"Look for a place na pwede kayong mag-usap in private. Tell your buddy kung ano ang saloobin mo,nararamdaman, your dreams, goals,problems,love life, anything na gusto mo sabihin. Personal matters po at hindi po tsismis okay. Mabisang paraan to know your buddy is mag-usap kayo."
Kani-kaniya na kami ng pwesto.
Meron sa sala, sa gilid ng pool,sa garahae. Wala na kaming mapwestuhan dahil okupado na yata nila ang lahat ng lugar.
Ang ending sa bubong kami napunta.
Umakyat kami sa tangke ng tubig malapit sa bubong at humanap ng pwesto. Dito kahit hindi kami maghawakan ng kamay ay pwede dahil hindi kami makikita ng facilitator.
Kahit hindi nakami mag-usap at ubusin na lang namin ang oras basta matapos lang ito at ng makatulog na.
Tahimik lang ako at malayo sa kaniya ng naupo.
Hanggang sa marinig ko siyang umiiyak.
"Natatandaan mo pa ba ako?
Hindi mo ba ako nakikilala?"
Sa liwanag ng buwan nakita ko ang luhang pumapatak sa kaniyang mga mata....
*****
Kapit lang at maliliwanagan na ang lahat sa katauhan ni Govin.
ABANGAN!!!!