CHAPTER 13 BANGGAAN

1340 Words
THIRDY May bumalik na alaala noong kabataan ng makauwi kami ng Tatay. Wala pa ang Papa ng mga ganitong oras kayat dali-dali muna akong nagtungo sa aking silid. "Govin East Suarez!" Iyon ang pakilala niya sa akin. Hindi ako makapagconcentrate sa trabaho ng kakaisip sa misteryosong si Govin. Posibleng siya kaya ang kaibigan ko? Napakatagal na iyong ngunit buo pa rin sa aking isipan ang lahat ng mga nangyari. Nalagpasan ko na ang takot at masamang nakita noong bata pa ako. Ngunit muli iyong bumalik ng magpakilala siya sa akin. Agad kong hinanap ang mga larawan ng mga selebrasyon ng kaarawan ko na ginanap noon sa ampunan. Alam ko ay iningatan iyon ng tatay at inilagay sa inipon niyang family album namin. Nalaman ko agad kung anong album iyon dahil sa mga taon ng pabalat nito. Kinabahan akong muling pasadahan isa-isa ang mga larawan ng aking kamusmusan. Kahit matagal ng hindi nakikita ang hinahanap ko ay malalaman ko ang batang si Silang. Sa dami ng kuha noon alam ko na nakasama siya sa isang larawan. Kasabay ng paghahanap ko ay unti-unting bumabalik sa akin kung paano kami nagkakilala. Bumalik ang lahat na parang kahapon lang nangyari. Hindi ko makontrol ang aking damdamin at unti-unting nanikip ang aking dibdib,nanakit ang aking ilong at tuluyang tumulo ang aking mga luha. Nakita ko ang masaya at inosenteng si Silang. Napahiyaw ako sa awa ng makita ko ang stolen shot namin dahil maging ang naranasan naming hirap sa mga kumidnap sa amin ay bumalik din. Nakaupo kami sa tabi ng poso na nagsasalo sa iisang plato ng cake. May lobo pang nakatali sa kaniyang kamay. Ito ang unang araw ng siya ay aking nakilala... Napakainosente niyang tingnan sa kaniyang mga ngiti…halatang hindi kaniya ang suot niyang sando dahil sa laki at luwang nito sa payat ng kaniyang katawan. Isang larawan ng walang muwang na bata ang katabi ko noong hindi pa binaboy ng mga taong kumidnap. Napakalayo ng isang batang ang ninais lang ay magkaroon ng magulang sa imahe na  batang minulestiya. May hawig si Govin kay Silang at maaring si Silang ay si Govin nga! Hindi ako tanga para hindi maipaghambing ang pangalang East sa Silang... "Diyos ko...Nakita ko na ang kaibigan ko..." Inilihim ko ang natuklasan ko ngayon. Wala pa akong pruweba na si Govin at si Silang ay iisa. Hanggang sa pagtulog ay dala ko ang alaala ng na pinagsamahan naming dalawa. Kinabukasan ay maaga muli akong pumasok at nakita ko siya sa ganoon pa ring gawain. Kabado ko siyang binati ngunit ganoon pa rin ang matabang niyang pakikitungo sa akin kahit patalikod siyang nagpakilala kahapon. Malaking bagay na sa akin na makilala siya at nabatid ko na hindi siya ganoon kadaling abutin bilang katrabaho o kaibigan...o bilang dating kaibigan...dati? Ngayon, para na naman akong nagsisimula. Naging estranghero ako sa mismong kusina na pag-aari naming hotel. Ang paghihinala ko na si Govin ay si Silang ang nagpapahirap sa akin na kumilos ng natural. Para akong nagangapa kung sino ako sa kaniya. Wala pa akong proof na siya nga si Silang. Kung Siya nga... Gusto ko siyang yakapin.. Kamustahin... Gusto kong malaman niya na hindi ako tumalikod sa aming pangako... na ako ang bestfriend niya... na ako si Thirdy. Natakot ako.. Nahiya ako... Paano kung hindi na niya ako kilala? Paano kung ayaw na naniyang balikan ang nakaraan? Hindi na namin kilala ang isat-isa. Normal ang kaniyang kilos at wala siyang alam sa aking natuklasan. Hindi na ako makagawa ng maayos sa trabaho kakatingin sa kaniya. May pagkakataong nagkatabi kami para magbalat ng kiwi fruit dahil indemand ang ginawa kong tsokolate. Doon pa lang ay gusto ko na talagang magpakilala subalit natatakot. Hanggang mahiwa ang kaniyang daliri ng gamit niyang kutsilyo. Nakita kong gumuhit ang mapula niyang dugo. Hindi ko alam, marahil sa lagi kong kakaisip na siya si Silang ay agad kong hinawakan ang sugatan niyang parte at itinapat sa gripo upang daan ng tubig at maimpit ang pagdurugo. Pilit niyang bibanawi ang kaniyang kamay ngunit naging matigas ang aking pagkakahawak. Hindi ko pinakinggan ang kaniyang sinasabi at malakas niya akong itiulak palayo. : "Sinabi ng bitiwan mo ako!" Napaigtad ako at napaupo sa sahig dahil sa lakas ng kaniyang pagkakatulak sa akin. Nakakatakot ang kaniyang mga matang galit na galit. Nakakuyom ang mga kamay kahit ang isa ay patuloy sa pagdurugo. Malalim ang kaniyang paghinga. Natulala ako sa kaniyang asal. Hindi ganito si Silang na nakilala ko, at si Govin na nakatayo sa harapan ko ay parang papatay ng tao. Agad siyang inawat ni Chef Franz at unti-unting kumalma si Govin. Inakbayan ito at dinala palabas patungo sa infirmary ng hotel. Tahimik akong tumayong nagtataka kung ano ang nangyari at ganoon siya kumilos. Napatingin ako sa mga kasamahan ko na nakasaksi sa mga pangayayari. "Sabi na sa iyo wag mong pinagpapansin yun. Masyadong tigasin yun dito." Paalala ni Chef Ben. Pinagpatuloy ko ang trabaho ngunit lalo yatang napasama ang kundisyon ko sa mga nangyari. "Ibang-iba silang dalawa.Napakalayo ng distansiya sa kilala kong Silang sa Govin na iyon. Hindi siya si Silang! Hinding-Hindi!" Ilang minuto at bumalik na rin si Chef Franz kasama si Govin at bumalik sa kaniyang pwesto. Kakatapos ko lang sa pagbabalat ng kiwi at sa mixing na ako ng kaniyang abutan kaya't siya na ang naghanda ng mga tray na aming gagamitin. Parang walang nangyari sa kaniya kanina. Maging ang sugat niya ay hindi niya ininda. Nasa kalahating pulgada ang sugat na iyon. Nalapatan na ito ng lunas, alam kong nararamdaman pa rin niya ang kirot ng kaniyang sugat. Lumiit ang mundo ko at tuluyan akong umiwas sa kaniya. Wala namang pagbabago sa kaniya at talagang iwas siya sa mga kasamahan namin lalo na sa akin na bagong kasama sa kusina. Maya-maya ay pinulong kami ni Chef Franz para sa isang announcement. Magkakaroon daw ng isang food festival ikalawang linggo mula ngayon at ang event ay gaganapin dito sa Monleon Tower Hotel. Labanan ito ng mga batikan at baguhan sa pagluluto, mga bihasa sa pastries,beverages at tsokolate ang maglalaban-laban. Dahil dito sa hotel gaganapin ang event,pihadong magiging abala kami sa pagdating ng mga delegasyong sasali at manonood. Inalok kaming sumali subalit umayaw nila. Gusto kong sumali... Nais kong malaman kung hanggang saan na ba ang kakayanan ko kaya nagtaas ako ng kamay. "Chef, sasali po ako." Inilista ni Chef Franz ang aking pangalan sa ilalaim ng chocolatier slot. "Wala ng sasali? By partners ang contest hindi pwede isa lang." Tanong ni Chef Franz. Tiningnan ko ang mga kasama ko ngunit wala sa kanila ang may intetres ng sumali. "Sasali ako Dad." Lumaki ang mata ko ng marinig ko si Govin at lingunin sa aming likuran. Patuloy lang siya sa paghahalo ng hindi kami pinapansin. Sa harapan naman namin si Chef Franz na nakangiti habang inililista ang pangalan ng kaniyang anak. "After your work, go to my office at may uusapan tayo about this contest." Bilin sa amin ng master chef. Kinamayan ako at binati ng aking mga kasama dahil may representative ang kusina ng hotel bilang chocolatier, liban lang kay Govin na pawang tapik lang sa balikat ang ginawad na pagbati. Maging sila ay iwas makisalamuha kay Govin. Alas sinco ng hapon. Natapos na ang aming shift at uwian na. Bago umakyat sa tatay ko ay nagtungo ako sa opisina ni Chef Franz. Naroon na pala si Govin na tahimik sa isang sulok na nagbabasa ng isang magazine. Pinaupo niya ako upang kausapin. "I know na malaking adjustment para sa inyo ang sitwasyon. Di pa kayo gaanong magkakilala. Ang gusto ko ay bago kayo isalang sa contest ay magkaroon kayo ng team work sa isat-isa. Bukas ay may team building ang night shift staff ng hotel. Two days activity iyon nais kong sumama kayo. Govin huwag kang umangal at kailangan mo iyon okay. Be cooperative sa mga makakasama niyo bukas. Juancho, you need patience with my son. May tiwala ako sa inyo na mananalo kayo sa festival as a team." Ito pala ang dahilan kung bakit nais kaming kausapin ni Chef Franz. Medyo alanganin ako sa request ni Chef para sa makakasama ko bukas. Be cooperative...si Govin? Bahala na kung ano mangyayari bukas sa team building. ***** Magkakaalaman tayo next chapter!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD