Unang araw ni Thirdy bilang isang chocolatier ng restaurant sa hotel.
Maaga ng 30 minutos sa alas sinco ang pagdating niya.
Inihatid siya ng bodyguard/driver at nagbiling hindi na siya magpapasundo sa pag-uwi.
Nais niya makaiwas sakaling makita siyang inihahatid ng isang magarang kotse ng mga kasamahan sa trabaho.
Sasabay na lang siya sa kaniyang tatay pagkatapos ng gawain nito.
Sa loob ng dalawang taon ay ilan lang ang nakakailala na anak siya ng CEO ng Monleon Tower Hotel.
Naging pribado ang buhay nila dahil sa pag-iingat ng pamilya.
Wala siyang f*******: o kahit ano pa mang social network account bilang pag-iingat at pag-iwas sa media.
Sa ganitong paraan ay hindi matutukoy ng sino man kung nasaan o ano man ang kaniyang ginagawa.
Kahit simpleng manamit ay mukha siyang modelo sa suot niyang itim na long sleeve polo na tupi ang mga manggas, itim na pantalon at leather shoes.
Angat ang kaniyang kakisisgan at hindi siya nababagay sa kusina kundi sa showbiz.
Wala pa siyang uniporme na magagamit dahil wala pang go-signal kung kailan kailangan.
Ang tanging dala niya ay brown apron na gamit na niya noon sa Paris.
Sa employess entrance siya pumasok patungo sa kusina. Dahil baguhan pa lamang ay wala pa siyang biometric ID na magagamit kaya't pinapirma lang siya sa isang logbook ng time keeper.
Matapos nooy pumasok na siya sa kusina. Akala niya ay nauna siya sa mga kasama.
Nagkamali siya dahil naabutan niya sa loob ang mayabang na si Govin.
Hindi niya ito kinibo dahil hindi rin naman siya pinagtuunan ng pansin ng pumasok.
Abala ito sa paghahanda ng mga gagamitin sa pagluluto.
Tanging mga kalansingan lang ang maririnig at kahit isang salita o batian ay walang namagitan sa dalawa. Inuna ni Thirdy ang maglista ng mga kailangan at gagawing paghahanda sa tsokolate.
Manaka-naka rin niyang sinusulyapan ang kasamang parang lagare sa paglipat-lipat sa kabilang bahagi ng kusina.
Mabilis at alam lahat ng gagawin. Nalibang siya sa kapapanood kay
Govin matapos ang kaniyang paglilista. Maaga pa ay pawisan na ang isa kaya't nakadama si Thirdy ng awa sa kasama.
Natural na kumilos ang kanyang katawan upang tumulong.
Boluntaryo na siyang pumasok ng stock room upang maglabas ng mga kakailanganin sa pagluluto.
Naglabas ng mga carrots, patatas,bawang,sibuyas, at luya,herbs,isinalasan ang mga prutas na kakailanganin. Si Govin nama'y naglinis ng mga karne at manok, turkey, king crab at lobster at saka inilagay sa kanikanyang mga lalagyanan.
Kaya maaga si Govin ay sa kaniya nakatoka ang pagtanggap ng mga dinedeliver na mga iluluto. Ipinasok ni Govin isa-isa ang mga nalinis na mga karne sa frezzer.
Sa dami ay tumulong si Thirdy sa paghahakot ng upang ilagay sa walk in freezer.
Nakakadalawang balik pa lang siya ng malaman niyang siya na lang pala ang gumagawa ng pag-iimbak sa palamigan.
Wala na si Govin.
Lumabas siya at iba na pala ang ginagawa nito.
Lalong nairita si Thirdy sa ugali ni Govin sa hindi pamamansin dahil siya na mismo ang gumagawa ng paraan upang magkakilala sila ng maayos ngunit wala atang saysay ang kanyang ginagawa.
"Bahala ka!"
Sa isip ni Thirdy kayat pinagpatuloy na lang niya ang paghahanda sa gagawing mga tsokolate.
Wala silang kibuan habang inilalabas ni Thirdy ang mga sangkap sa gagawing dessert.
Unti-unti na ring nagdatingan ang mga kasama nila sa kusina.
Maging si Chef Franz ay dumating na rin.
Bago magsimula ay may short meeting muna ang mga taong magluluto.
May mga nakareserve silang order na iluluto para sa mga guest ng hotel kaya't isa-isa iyong itinalaga sa mga kasamang chef. Ipinakita naman ni Thirdy ang ginawa niyang listahan na ihahanda.
Binasa ito ni Chef Franz.
Nagtaka siya at pinabasa din ito kay Govin.
"Gumawa ka rin ng pinatikim mo sa akin. Some one will like."
Natuwa naman si Thirdy dahil nagustuhan ng master chef ang kaniyang ginawa.
Bumalik siya sa nakalaang preparation table para sa kaniya subalit naroon din pala si Govin na naghahanda rin.
Ngayon niya nabatid na isang chocolatier din pala si Govin.
"Hindi kaya isa sa amin ang pagpipilaan na gagawing house chocolatier?"
Sapantaha ni Thirdy habang gumagawa ng mga chocolate candies.
Si Govin nama'y wala pa ring kibo mula pa kanina at hindi pa rin pianapansin ang kaharap na bagong kasama sa kabilang panig ng lamesa.
Dahil sa dalawa silang naghahanda, nagmistulang contest ng pagandahan ng mga tsokolate ang lamesa nila.
Hindi rin nagpapahuli ang mga gawa ni Govin.
Kakaiba ang ganda at style nito sa paggawa. Medyo nabahala si Thirdy. Posible pa lang isa sa kanila ang pinagpipiliang maging resident chocolatier ng restaurant...
Sa panlasa na lang siguro sila magkakatalo kung paghahambingin dahil maging gawa ni Thirdy ay nakalalamang din.
Kumpiyansa si Thirdy na pang world class ang kaniyang ginagawa laban sa mayabang na kaharap. Sa tsokolate siya tumitingin upang umiwas sa kaharap.
Ngunit hindi niya matiis na sulyapan lagi si Govin. Misteryoso ang presensiya ng anak ni Chef Franz.
Tahimik...
hindi pala imik..
concentraded sa paghahanda lang tsokolate.
Nagtama ang kanilang mga mata, si Thirdy na ang umiwas dahil nakadama siya ng pagkayamot.
Kahit abalahin nila ang isa't isa ay nagkakataong nagkakatamaan sila ng tingin.
Sa buong umaga ay ilang beses din ba silang nagkakahulihan sa isa't isa.
Oras ng pananghalian at nakatoka rin sa kanila ang kanilang kasabay sa pagkain. Hindi sila maaring lahat kakain ng sabay-sabay dahil hindi pwedeng walang tao sa kusina.
Tatlo silang nauna.
Si Chef Ben, si Thirdy at Govin ang unang kakain.
May lugar na kainan para sa mga staff. Isang canteen kung saan libreng makakain ang mga nagtatrabaho sa hotel. Isa itong prebilehiyong binigay ni Roman bilang tulong sa kaniyang mga empleyado.
Minsan na rin nakakain dito si Thirdy noong bata pa siya na kasama ang ama kaya't hindi lihim sa kaniya ang lugar.
Humingi siya ng pagkaing alam niya at gusto. Sa isang lamesa malapit sa salamin siya pumuwesto kasama si Chef Ben. Hinanap niya si Govin ngunit wala ito sa loob kundi nakapwesto mag-isang kumakain sa mga nakalabas na lamesa sa ilalim ng sikat ng araw.
Curious si Thirdy kung bakit ganito ang attitude ni Govin.
Aloof sa mga tao, suplado at may sariling mundo. Bukod sa magaling din sa paggawa ng
tskoloate ay may karisma din ang tsinitong looks nito na tila hawig sa taong kilala niya noon pa.
"Hoy sino painapanood mo diyan?"
Pukaw sa kaniya ni Chef Ben na kaharap niyang nakain. "Bakit doon nakain yun?"
"Sino si Govin? Ganyan talaga yan. Mahilig magsolo, pero mabait yan...kung di mo papansinin-Ha ha ha ha!Wag mo lang pansinin. Bilin kasi ni Chef Franz na nag-a-under go siya ng anger management.ewan ko...mukha namang normal e. tahimik nga lang sobra."
"May sakit ba yun? O baka autistic?"
"Ha ha ha! Loko baka marinig ka ng daddy nun. Ganyan talaga yan, loner."
Tinapos na ni Thirdy ang kaniyang pananghalian at ibinalik ang mga pinagkainan sa kung saan ito iniipon ng mga busboy upang hugasan.
Nagkataong sinusundan din pala niya si Govin sa pila. Nauna si Govin at madali din si Thirdy upang habulin ang nauna.
Tinapik niya ito sa balikat ng maabutan.
"Can we make things formal para hindi ak nahihirapan sa kung saan ako lulugar?Hi, I'm Juancho. A Junior Chocolatier."
Nakalahad ang kamay ni Thirdy bilang pormal napagpapakilala. Kahit paano ay nakipagkamay si Govin na tila pinilit lang ang sarili at tumalikod pagkatapos.
Naiwan si Thirdy na parang may kulang sa nangyari.
"Ano, ganun lang?"
Pagtatakang tanong ni Thirdy habang naglakad papalayo ang kausap.
Sumagot ang binata ng hindi nalingon kay Thirdy.
"Govin!
Govin East Suarez!
Junior Chocolatier!"
*****
May mamumuong away sa dalawang Chocolatier ng Monleon Tower Hotel.
ABANGAN!