JUANCHO ESCOBAR MONLEON III
It has been two years ng lisanin ko ang Pilipinas para magtrain ng pagluluto.
Ito ang naiisip ng aking mga magulang upang mahanap ko ang aking nais na karera sa buhay.
Sa ilalaim ng pangangalaga ni Chef Battali ay marami akong natutunan hindi lang sa kusina kundi sa kasimplehan ng buhay.
Malapit nakaibigan ng Itay si Chef Battali kayat walang dalawang pag-iisip na ako ay kaniyang bantayan at turuan.
Maganda sa Paris ngunit wala doon ang aking mahal na pamilya.
Ilang taon din ba kaming namuhay sa takot?
Tanda ko pa noon ang mga pangyayari sa akin mula ng ako ay makidnap.
Sa takot ng Tatay at Papa ay naging mahigpit sila sa aking seguridad.
Akala ko noon makakapag-aral na ako ng normal gaya ng iba na napasok sa mga eskwelahan.
Sa bahay na ako nakapagtapos ng highschool.
Ayaw ko ng magkolehiyo.
Nakita ko na ang gusto ko sa buhay.
Sa kusina ko nakita ang aking passion. Nagsimula ang lahat noong 15 anyos lang ako ng maimbitahan si Chef Battali sa mansyon at ipagluto kami. Pinanood ko at inusisa sa kaniyang ginagawa.
Sa inis niya sa kakatanong ko ay pinaggayat niya ako para sa mga lulutuin.
Sa pagluluto ay nakakalimutan ko ang mga masamang naranasan ko noon.
Mula ng magustuhan ng aking pamilya ang mga naihanda namin ni Chef Battali, naisip kong nakita ko na ang bagay na pwedeng magpasaya sa akin.
Ang pasayahin ang aking mga mahal sa buhay ng aking mga ihahain sa lamesa.
Nanirahan ako sa Paris ng dalawang taon.
Mahaba na iyon para mapaghusay ko ang aking napiling profession at mula sa mainit na kalan ay nahilig naman ako sa tsokolate.
Nagustuhan ng mga parokyano namin sa Paris ang mga gawa ko kaya't nakasama sa menu ni Chef Battali ang mga likha kong chocolate sweets.
Naging junior chocolatier ako sa kaniyang restaurant. Ako lang ang pinakabatang chocolatier na tinanggap niya. Nalaman ng mga magulang ko ang balitang ito.
Natuwa sila dahil karangalan ang mapasama ka sa menu ng Battali Restaurante.
Umuwi ako ng Pilipinas upang ditto ako lalong magsanay pa at magbahagi ng aking nalalaman.
Nais kong sa Monleon Tower ipagpatuloy ang aking abilidad sa pagagawa ng tsokolate.
Sikat ang reastaurant ng hotel sa chocolate sweets at nais kong kahit sa simpleng paraan ay madagdagan pa ang selections of sweets na io-offer nito.
Tuwang tuwa ang tatay ng makita niya ako sa exit na paliparan kasabay ng mag balikbayan.
Namiss ko ang Tatay Roman at ang Papa.
"Thirdy! Thirdy!"
Sigaw niya ng makita ko.
Agad ko siyang tinakbo at niyakap.
Light traveller ako at back pack lang ang aking dala sa aking pagbabalik dahil nakakapagod ang maghintay ng matagal sa conveyor ng mga bagahe.
Sumakay kami ng kotse at nilisan ang paliparan. Gaya ng dati ay may kabuntot pa kaming isang sasakyan.
Iyon ang security personnel ng Tatay na laging nakabatay sa kaniya.
Kinalakihan ko na ang ganitong sistema ng aking pamilya. Ang may nakabantay para sa aming seguridad.
Nagtuloy muna kami sa hotel sandali dahil kailangan ang Itay doon para sa ilang mga papeles na pipirmahan. Nagpaiwan ako.
Subalit sa pagkainip ay pumasok din ako ng hotel. Sasamahan sana ako ng isang body guard. Itinuro ko ang kasama niya na nasa harapan ng lobby na naghatid sa Tatay kanina kayat hindi na siya nagtuloy na ako ay samahan pa na pumasok.
Nagtungo ako sa restaurant.
Gaya ng dati ay marami ang nakain dahil sa sarap at international cuisine ang mga hinahain dito.
Dito na ako sa hotel lumaki kaya't walang pagkakaiba sa bahay ang pakiramdam ko .
Derederecho na ako sa kitchen upang silipin ang dati ko ng tambayan noon sa tuwing bibisitahin ko si Chef Battali.
Sa loob ay parang giyera.
Abala ang lahat ng mga tagapagluto sa mga order na natatanggap. Nakakamiss ang mga kalansingan ng mga nagtatamang sandok at naglalakihang wok, ang mga tunog ng mga pagtatadtad sa sangkalan, ang singaw ng mantika sa mainit na kawali, ang usok ng kalan, ang amoy ng herb at spices na dumadaan sa aking ilong.
Namiss ko ang lugar a ito.
" Sorry, But guest are not allowed here!"
Nilingon ko ang nanita sa akin. Isang binata na kaedarin ko marahil na abala sa paghahalo ng tsokolate sa isang baterol.
"Excuse me?"
Para akong nainsulto sa kaniyang sigaw.
Ang nakakainis ay di man lang niya ako nakuhang tingnan.
"Bingi.."
Nakita at narinig ko pa ang bulong niya na sadyang nakakapag-init ng ulo.
"Are you talking to me?"
Tanong ko. Naniniguradong baka hindi ako ang tinutukoy niya.
"Hindi mo ba nakita yung sign sa may pinto? Guest are not allowed in this area?...Bingi na bulag pa..."
Nakakapikon ang asal ng taong ito sa totoo lang. Hindi ba niya alam kung sino ako?
Kung sino ang kaharap niya?
Isang tawag ko lang sa management baka lumuhod sa harap ko ang mayabang na ito.
"Sino nagpapasok sa iyo dito? Cook ka ba? Palabasin nga ito sa kusina ko!"
Isang sigaw pa ang narinig ko at kilala ko ang boses na iyon ng aking lingunin.
Si Chef Franz.
Sikat na chef dito sa pilipinas. Bukod sa magaling magluto ay mahigpit pa sa pamamalakad sa kusina.
Bakit ko siya kilala?
Nafeature lang naman siya sa isang cooking show sa Australia na Iron Chef at ilang international Chef na ang pinataob niya sa pagluluto.
At siya ang kauna-unahang Pilipino na naging in house Chef ng Monleon Tower. Di ko na nakuhang sumagot dahil tinulak na ako palabas ng lalaking unang nanita sa akin.
"And stay out!"
Mukha akong tanga na pinalabas sa kusina na pag-aari ng pamilya namin. Napahiya na ako kaya't di ko n makuha pang bumalik.
Sa inis ko ay binuksan ko ng bahagya ang pinto at sinilip ang lalaking mayabang.
Parang wala lang sa kaniya ang ginawang pamamahiya sa akin. Patuloy lang siya sa kanang ginagawa. Nakuha pa niyang ngumiti at ako pa yata ang pinag-uusapan.
Umalis ako ng restaurant at muling bualik sa aming sasakyan upang doon nalang magpalipas ng sama ng loob habang hinihintay ang Tatay ko.
Hindi maalis sa isip ko ang nangyari haggang sa muling sumakay ang itay at tumabi sa akin.
"Oh, Bakit nakasimangot ka? Naiinis ka ba anak at ang tagal ko dumating?"
Usisa ng tatay.
Nahalata niyang bad trip ako sa nangyari kanina sa kitchen ng hotel.
"Medyo masakit lang po ulo Tay, jetlag..."
Hindi ako nagsinungaling, may jetlag talaga ako. Masakit ang ulo ko dahil sa napahiya ako kanina.
"Tatay, Kailan ako pwedeng magsimula sa resto ng hotel?"
"Namiss mo talaga ang tambayan mo nung maliit ka pa ano? Well kung gusto mo ng magsimula, You have to submit your credentials first. Sa HR anak dun ka magpasa. I heard, the kithchen is in need of another hand to assist them."
Naalala ko tuloy ang master chef na nakakatakot kanina. Para siyang napapalibutan ng black mist ng pagalitan ako ha ha ha!
Pero okay lang dahil sadya naman siyang magaling pagdating sa disiplina at pagluluto.
"Sige po Tay, magpapasa po ako."
Yung isa lang naman ang nakakainis sa kitchen.Yung nagtulak sa akin palabas. Tingnan ko lang kung hindi siya mabigla sa pagbabalik ko.
Hindi pa niya nakikita ang credentials ko lalo pa kung malalaman niya kung sino talaga ako.
Ayaw ko ng mainis kaya nakipagkwentuhan na lang ako sa Tatay sa mga nangyari noong wala ako.
Nakarating kami sa Mansion ng lolo. Kahit dalawang taon akong nawala ay kilala pa rin ako ng aking si Gorgon!
Masaya ako at nasa mayos na kalagyan ang lolo at lola Pura.
Si Uncle Alexander.
Ang Papa ko!
Muli kaming nakumpleto ng aking mga magulang.
Gaya ng dati naming ginagawa .
Magkakatabi kaming nakahiga sa kanilang kama.
Para akong bata na nakasiksik sa tagiliran ng Tatay habang nagyayabang ako sa mga accomplishment ko sa Paris.
Sila ang masasabi kong kayaman ko at higit pa sila sa karangyaan nakalakihan ko.
Parang hindi ako nawala ng ilang taon. Ganoon pa rin ang aking mga magulang.
Laging magkahawak ang mga kamay kung magkatabi.
Sanay na ako na makita sila kahit sa hitsura ay hindi mo mapagakakamalang mag-asawa pala sila.
Noon sumagi sa isip ko kung bakit sila nagkatuluyan. Kung hindi ko siguro nakilala si Tatay Roman, baka si Papa Arch Angelo lang ang kasama ko ngayon.
Hindi siguro masaya kagaya ngayong kapiling ko silang dalawa.
Kahit hindi* nila ako tunay na anak ay trinato nila akong parang nanggaling din sa kanila.
Nagpahinga muna ako ng dalawang araw upang makabawi sa pananabik kong makasama ang lolo.
Kahit nakapako na siya sa wheel chair ay maayos naman ang kaniyang kalusugan.
Kahit may dalawang private nurse ay naroon pa rin si Lola Pura para samahan ang lolo.
Si Uncle Alexander nama'y dito na rin nakatira dahil sa siya ang nagsusupply ng coffee beans sa restaurant ng hotel.
Sa ikatlong araw ay sumama ako sa tatay upang mag-apply.
Bilang panimula ay nagtungo ako sa Human Resources ng hotel upang magpasa ng aking resume at credentials. Kahit nakilala ako ng nag-interview sa akin ay sinabihan ko siyang wag ipagkakalat na isa akong Monleon.
Naunawaan naman niya ang nais ko. Dalawang taon akong nawala kayat hangga't maari ay maging normal ang kalagayan ko bilang empleyado ng hotel ng pamilya.
Nais ng tatay na pumasok ako gaya ng karamihan na nag-aapply at dadaan sa interview.
Nakapasa ako sa ilang written exam at interview, maging ang health record na aking ay nakapasa din ayo sa kanilang requirements.
Kahit sanay ako sa kusina at teritoryo ko ang hotel ay kabado pa rin ako dahil iba pa talaga ang nag-aaply.
First time ko ito at hindi gaya sa Paris na verbal lang ang nangyari sa pagitan namin ni Chef Battali.
May huling interview pa pala.
Sinamamahan ako ng staff ng opisina ng restaurant.
Dalawa pala kaming dadaan sa final interview. Pinapasok ang babaeng nauna sa akin. Ilang minuto pa ay lumabas ito na maluhaluha.
Halatang di yata nakapasa loob ko. Ako naman ang sumunod na pinapasok.
Hindi ko akalain na kay Chef Franz pala dadaan ang final interview.
Nawala ang tapang ko at napalitan ng takot dahil sadya nga talagang may dark mist na nakapaligid sa taong ito. Ganun ang dating niya sa akin.
Nakakatakot.
Matapang ang kaniyang personalidad dahil sa edad siguro. Ganito pala ang pakiramdam ng nag-aapply.
Para kang namamalimos ng kabuhay.
Binasa niya ang files at credentials ko. Ilang lipat ng pahina at parang wala lang sa kaniya na hinagis ito sa ilang mga papeles na nagpatong patong sa kaniyang likuran.
Tumayo siya at nagtungo sa pinto.
"Follow me."
Nagataka ako dahil wala man lang interview na nangyari sa aming dalawa. Tahimik akong sumunod sa kaniya patungo sa loob ng restaurant hangang makapsok kami sa kitchen.
"This is your final interview. You're a chocolatier right? Then prepare me a chocolate dessert. Wala akong pakialam sa background mo. Kailangan ko dito sa kusina ko ay yung marunong."
Para rin pala siyang si Chef Battali na hindi natingin sa kung sino ka kundi sa kung ano ka pagdating sa paghahanda ng pagkaing magagawa.
Ito na ang final test ko.
Pinagtinginan ako ng mga cook sa loob ng kusina.
Alam nila na ito ay isang pagsubok para sa akin.
Wala silang panahon na mag-usisa dahil mga abala din sila sa kanilang ginagawa.
Dahil sa pag-aaral ko bilang chocolatier ay nasanay na ang katawan ko sa paghahanda at pagkilos kung ano ang uunahin sa paghahanda.
Diet sized chocolate bars mixed with kiwi and macademian nuts ang plano kong gawin. Signitured chocolates ko ito sa reataurant ni Chef Battali at doon lang ito natitikman.
Ito ang gusto kong ihanda.
Nakatapos ako sa paghahanda at hinihintay ko nalang na tumigas ang porma nito sa freezer.
Ilang sandali pa ay may pumasok sa loob ng kitchen.
"Nandito ka na naman?"
Ang lalaking nagtulak sa akin papalabas noong isang araw.
Maangas pa rin kung magsalita na akala mo'y siya nag may ari ng kusina ng hotel.
Di ko siya pinansin.
Tinalikuran ko siya upang ilabas ang mga ginawa kong tsokolate.
"Bingi ka talaga ano?"
Tama nga ang narinig ko na sinabihan niya ako ng bingi.
Mayabang talaga!
"Are you blind? Di mo ba nakikita na exam ko ngayon?"
Pasensiya siya.
Galit ako sa mayayabang kaya bastos na rin akong sumagot.
"Pinag-eexam siya ng Daddy mo Govin. Nag-aaplly yata noong isang araw ng pinalabas mo - Ha ha ha ha!"
Kantiyaw ng isang cook sa kusina.
Govin pala ang pangalan nito at anak pa pala ni Chef Franz.
No wonder kaya ganito ang ugali niya, mana sa ama.
"Bakit nakatayo lang kayo? Ano to, mannequin challenge?!Pictorial?!Magtrabaho nga kayo! Yung pinahanda ko sa iyo?"
Nataranta naman ako sa sigaw ni Chef at kani-kaniya na kaming nagpatuloy ng aming Gawain.
Maging ang Govin na iyon ay tahimik na ring lumayo sa akin.
Inilapag ko ang tray ng mga pinatigas kong chocolate bars.
"Chef tapos na po!"
Pagmamalaki kong iniharap sa kaniya ag nagawa ko.
Tiningnan niya ito.
Kumuha ng isang praso.
Inamoy at saka kinain ng buo. Kinakabahan ako ng kainin niya ito dahil wala man lang siyang reaction sa aking ginawa.
"O, Tikman ninyo ito!"
Sigaw ni Chef Franz at naglapitan naman ang walong cook na nagluluto kanina at kumuha ng ginawa kong tsokolate.
Maging yung Govin na iyon ay kumuha din at nakitikim.
Mana talaga sa ama.
Pagkasalpak pa lang sa bibig ay sasabayan ng talikod. Ni hindi man lang nakuhang magpasalamat.
"Good!!"
"Uy Bago to ah!"
"This is Good!"
"Wow!"
"Kakaiba to!"
Mga comments ng mga nakatikim ng aking ginawa.
Natuwa ako dahil nagustuhan nila ang resulta ng aking exam.
Tumingin ako kay Chef Franz na abala na ngayon sa pagluluto.
"Am I done with my exam Chef?"
Tanong ko kay Chef Franz.
"Ano nga ba nag pangalan mo?"
"Juancho Escobar-"
Muntik na akong madulas sa king tunay na pangalan.
"Whatever...You can start tomorrow at 5 in the morning. Bumalik ka ng HR and tell them that you are hired."
Sumakit yata ang tiyan ko sa excitement ng malaman kong nakapasa ako sa exam ni Chef Franz. Matutuwa ang Tatay at Papa dahil sa Hotel Monleon din pala ako maglilingkod.
Nagpaalam ako sa master chef at kumumpas na lang siya ng kamay na pwede na akong umalis.
Habang papalapit ako sa pinto upang lumabas, sinulyapan ko ang Govin na iyon na abala na rin sa pagbabalat ng mga patatas.
Gusto ko siyang tumingin sa akin upang asarin ngunit bigo ako.
Iba ang rehistro ng kaniyang mukha na hindi gaya kanina na maangas at mayabang. Kalkulado ang mga kamay sa pagbabalat ngunit tulala ang mga mata sa kawalan.
Para siyang inosente na akala mo ay napakabait.
"May split personality yata ang cook na ito..."
Bulong ko sa aking sarili.
Nakalabas na ako ng kitchen at sinadya ang HR upang ireport na tinanggap ako ni Chef Franz.
Matapos noo'y nagtungo ako sa office ng Tatay upang ibalita sa kaniya na natanggap ako bilang chocolatier ng restaurant.
Bukas!
Muli akong papasok ng hotel bilang isang empleyado!
*****
Next chapter...
Kilalanin si Govin!
ABANGAN!!!