ARCH ANGELO
Nakatanggap ako ng isang tawag mula kay tiya Pura na ang papa ay isinugod sa hospital dahil sa nawalan ito ng malay.
Agad ko namang tinawagan din si Roman na sumunod sa akin upang samahan ako sa kalagayan ng papa.
Abot-abot ang kaba ko dahil kung kalian pa kami nagkaayos na ng papa ay ganito pa ang mangyayari sa kaniya.
Minsan ko ng naransan ang ganito sa mama at ayaw ko ng maulit ito. Nagbago na ang papa at nais ko pang humaba ang kaniyang buhay upang makabawi sa mgakakalungan ko sa kaniya. Dalangin ko na huwag lumala ang kaniyang kalagayan.
Sa isang private room ako nagtungo ayon sa ibinigay na impormasyon sa akin ni Tiya.
Nakita ko siya ng nagbabantay sa tabi ng papa.
Naroon din an gaming personal at family doctor na minomonitor ang kaniyang kalagayan.
Hinila ako ng tiya palabas at nag-usap kami.
"It's a stroke sabi ng doctor..Iho, ayaw ko mawala ang kapatid ko, hu hu hu!"
Nilakasan ko ang aking kalooban kahit masama ang narinig kong balita. Ayaw kong magpakita ng kahinaan dahil kailangan kong maging matatag dahil ang tiyahin ko man ay may dipirensiya di sa puso.
"Just be strong Tiya Pura. Makakayanan ng Papa na lumaban sa sakit na yan. Tiya, be strong para sa papa."
Niyakap ko siya dahil kagaya ko ay bago lang din silang nagkapatawaran ng papa. Ilang dekada rin silang hindi nagpansinan dahil sa nakaraang samaan ng loob.
Kailan lang din sila nagkaayos.
Tahimik kong hinayaang umiyak ang tiyahin ko. Dumating si Roman at ibinalita ko sa kaniya ang kalagayan ng papa.
Maging siya ay nalungkot din sa pangyayari.
Tatlo kaming magkakasamang nagdarasal para sa taong nagpakumbaba at tumanggap ng kamalian noon.
Ngayon ko lang naeenjoy ang pagiging ama niya at huwag naming tulutan na langit na bawiin agad siya sa amin. Gusto ko pa siyang makasama...
Mahal ko ang papa...
Kinausap kami ng doctor na nag-aasikaso sa papa. Kahit paano ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib na malayo na sa kritikal na kundisyon ang kalagayan ng papa ko.
"I cannot say if this is good news..Na stroke si Don Juancho. Stable na ang kundisyon niya. Naapektuhan ang left hemisphere ng kaniyang utak kayat makakadama ng paralysis ang right side ng matanda. I will give him some prescriptions para mapainom and maging intake ng kaniyang kakainin for his diet. Kung makakabawi siya ng lakas he will under go for physical and speech theraphy."
Ilang paala-ala pa at muli siyang bumalik sa silid ng papa upang obserbahan pa ng mainam. Nalagpasan na ng papa ang bingit ng kamatayan. Kung magkagayong paralitiko man ang aking ama ay ikasisisya ko na kahit paano basta buhay siya.
May chance pa manumbalik ang dati niyang lakas at maging normal muli ang lahat. Alam ko na kaya niya dahil malakas at palaban ang papa sa lahat ng bagay.
Inusisa ko si Tiya Pura kung bakit inatake ang papa. Ikinuwento niya na maayos naman silang nagkukuwentuhan kanina ng papa, ng makatangap ito ng fax message.
Inabot niya ang mensahe sa akin.
Kung ako man ay may sakit sa puso paniguradong aatakihin din ako sa aking nalaman. Napayakap ako kay Roman ng malaman ko ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kakambal ko.
Maging siya ay nabigla din ng mabasa ang mensahe. Dalawang taong inabot ang pagpapaimbestiga ng papa sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan ng kakambal ko.
News black out ang insidente dahil sa imbestigasyon at ngayon ay malalaman namin na pinatay pala sila.
Bakit kung kailan nagbago ang Papa ay susubukin na nama siya ng ganitong pagpapahirap.
Ang kaawa-awa kong kapatid...
Pinatay siyang walang kalabanlaban sa di namin kilalang kaaway...
Maging si Roman ay apektado ng balitang ito. Dalawang dagok ang pagpapahirap sa akin. Si papa na narito ngayon sa hospital sa dahilan ng balitang pinatay ng sadya ang kakamabal ko.
Mabait ang aking kapatid.
Ang tangi lang niyag kasalanan ay ang sumunod sa mga kagustuhan ng papa. Yun lang ang alam ko.
Sa aking pag-iisip ay napagtagnitagni ko ang lahat ng mga pangyayari.
"Hindi kaya may koneksyon ang pagpapasabog sa eroplano at ang pagkakakidnap kay Thirdy?"
Kinabahan ako at agad ko itong sinabi kay Roman. Kalituhan na ang aking nararamdaman sa takot na baka nga may koneksyon ang dalawang krimen na iyon sa aking pamilya.
Naging paranoid si Roman sa nasabi ko at agad niyang tinawagan ang security ng aming anak. Sinigurado niyang walang kakaibang kumikilos na nakapalaigid sa aming mansion. Maging sa pagbabantay sa papa ay nagpalagay siya ng security personnel.
Matapang si Roman at nakahanda siyang ipagtanggol ang aming pamilya.
Ilang buwan na ang nakalipas at naging maayos na ang lahat.
Nanumbalik na ang lakas ng papa subalit hindi ang kaniyang pananalita. Naapektuhan ang kaniyang mukha dahil sa stroke. Hindi pa rin siya nakakailos ng maayos dahil sa bahaging naparalyze kayat nakaupo lang isya sa wheelchair.
Hindi natakot si Thirdy sa kalagayan ng kaniyang lolo. Kahit may dalwang private nurse ang papa ay kasama pa rin kami sa pag-aalaga sa kaniya.
Hindi na rin umalis si tiya Pura sa aming tabi upang maalagaan din ang kaniyang kuya. Lubos kong ipinagpasalamat dahil kasama siyang katuwang sa pag-aalaga sa papa ko.
Dahil sa kondisyon ng papa, sa Monleon mansion ay pansamantala kaming maninirahan upang siya ay samahan. Payo ng doctor na kailangan niya ng healthy social life. Ang laging may kasamang mahal sa buhay na kakausap at magtutulak sa kaniyang tuluyang pagpapagaling.
Ang dating tahimik na masion ay muling nagkabuhay ng manirahan kami kasama si Tiya Pura at ang aking pinsang si Alexander. Marami kaming nagmamahal sa Papa kaya't dalangin ko ang tuluyan niyang paggaling.
Kahit may agam-agam ako sa banta para sa aming buhay ay kailangan naming matatag ng sama-sama.
Mabilis pang dumaan ang mga araw at pitong taon na ang nakalipas.
Balik normal na ang lahat.
Kahit nanatili ang papa sa wheelchair ay hindi siya nagbago ng pakikitungo sa amin. Bumalik ang dati niyang pananalita. Nakakausap na naman siya ng maayos, salamat na lang sa mainam na pangangalaga ni Tiya Pura at hindi niya pinabayaan ang Papa.
Masaya at matibay ang pagsasama namin ni Roman na kahit sinusubok ng ilang pagkaktaon ay naroon ang wagas naming pagmamahalan sa isa't-isa.
Maging sa negosyo ay hindi kami nagpabaya. Inalagaan namin ito at pinagyaman pa lalo.
Si Thirdy nama'y labing pitong taon na ngayon.
Binata na ang anak namin.
Dalawang taon siyang namalagi sa Paris upang doon mag-aral ng culinary sa ilalaim ni Chef Mario Battali na aming kaibigan at dating resident chef ng Monleon Tower.
Lihim ang kaniyang pag-aaral doon para sa kaniyang kaligtasan. Nariyan pa rin ang banta kaya't ingat kami.
Nasa paliparan si Roman ngayon upang kaunin si Thirdy dahil ngayon na ang kaniyang pagbabalik sa amin.
Nanabik na ako na muling makasama ang anak namin ni Roman.
*****
Tuluyan na nga kayang maging tahimik ang pamilya Monleon?
ABANGAN!!!!