
With s****l contents!
Masasabi ni Selena na kumpleto na ang buhay niya mula nang ikasal sila ni Errin, her childhood bestfriend and long-term boyfriend.
They chose to live their lives and build their own family sa isang liblib na isla malayo sa syudad at mga tao.
But on the night of their honeymoon, bigla na lang may grupo ng mga kalalakihang sumugod sa kanilang tirahan at sa kasamaang palad ay napaslang ang kaniyang asawa.
Halos gumuho ang mundo niya. Binalak niya ring kitilin sana ang sariling buhay but a man suddenly came to rescue her --- na kahawig na kahawig ni Errin!
Sa pag-aakalang ito ang kaniyang asawa ay sumama siya without knowing that it was Errol, Errin's twin brother kung saan siya nito ibinilin sakaling dumating ang oras na matunton ng mga kalaban ang kanilang pinagtataguan.
Noon niya lang din natuklasan ang tunay na pagkakakilanlan ng kaniyang asawa. Na anak pala ito ng isang makapangyarihang Mafia Lord!
Dahil sa nangyari, sinisisi siya ng lahat kung bakit napaslang si Errin. Pinlano siyang ipapatay ng ama nito. But Errol was there again to protect her.
Hanggang saan sila tatakbo? Hanggang saan ang gagawin ni Errol upang protektahan siya?
Would he also be there sa mga pagkakataong kailangan niya ng pagmamahal ng kakambal nito?
