Chapter (1) Responsibility
CHAPTER 1
THIRD PERSON POV
"Tilapia, bangus, galunggong! Presyong kaibigan, presyong tindera!" sigaw ni Aling Naida habang hawak ang isang bilao ng sariwang isda.
"Talaga bang presyong kaibigan, Tita Naida?" nakangising tanong ni Enna habang kinukuskos ang sahig ng pwesto ng gulayan. "Eh parang mas mahal pa sa palengke sa kabilang kanto!"
"Hoy Enna, kung hindi lang kita inaanak, nasabuyan na kita ng tubig ng isdang 'to!" sagot ni Aling Naida sabay turo ng bangus sa bilao. "Saka mas malinis ang paninda natin, amoy pa lang, alam mo nang bagong huli!"
"Oo nga, Tita. Mas presko 'to kaysa sa ex ni Aiza!" sabat ni Jhona, habang inaayos ang mga talong sa mesa.
"Hoy! Huwag niyo ngang isali ang ex ko! Baka mamaya 'yan, biglang lumitaw dito na parang multo!" napahiyaw si Aiza sabay taklob sa mukha gamit ang plastic bag.
Umalingawngaw ang tawanan sa buong pwesto. Katabi ng isdaan, may isang mesa ng gulay na punô ng sitaw, kamatis, okra, at ampalaya. Malinis at maayos ang pagkaka-display nito, salamat sa masinop na pagkakaayos ni Jhona.
"Ma, ayusin natin 'tong display. Dapat nakaangat 'yung mga gulay para kita agad ni suki." sabi ni Jhona habang inaangat ang basket ng kalabasa.
"Aba'y ayan na ang future nurse ko!" tuwang-tuwang sagot ni Aling Naida habang nililigpit ang supot ng yelo. "Dahan-dahan lang anak ha, baka mapwersa ka. Kahapon pa kita napapansing parang pagod."
"Okay lang Ma. Minsan lang 'to, diba? Pang-Monday to Friday lang ang pasok ko. Gusto ko kasi makatulong talaga." sagot ni Jhona sabay punas ng pawis sa noo.
"Basta 'wag mong pabayaan ang pag-aaral mo ha. Sabi mo nga, magiging nurse ka."
"Promise 'yon Ma. Kahit anong mangyari, tatapusin ko ang Nursing. Para 'pag nagkatrabaho ako, ikaw naman ang uupo habang ako ang nagtatrabaho."
"Awww!" sabay-sabay na reaksyon nina Enna at Aiza.
"Ano 'to, teleserye? May pa-emotional speech pa talaga," biro ni Enna sabay yakap kay Jhona mula sa likod.
Biglang dumating si Mang Hermie, pawisan, may dalang karton ng gamot sa bisikletang de-kalawang.
"Aba'y mga dalaga ng palengke! Kumusta ang benta?" sigaw ni Mang Hermie habang karga-karga sa balikat nito ang mga gamot na ihahatid sa mga pharmacy doon sa harapan ng palengke.
"Uy Tay!" sigaw ni Jhona sabay takbo at yakap sa ama. "Kamusta biyahe?"
"Hay nako anak, puro singil lang kanina. Ang daming humihirit ng utang, akala mo ako may-ari ng botika!" natatawang sagot ni Mang Hermie habang niyayakap si Aling Naida.
"Nagharutan pa talaga," bulong ni Aiza kay Enna sabay turo sa mag-asawa.
"Parang hindi halatang dalawampung taon nang kasal," tugon ni Enna sabay irap.
"Ano kayo d'yan, mga chismosang nurse!" sigaw ni Mang Hermie sabay kindat sa mga dalaga.
"Tay, halika, inom ka muna tubig." sabay abot ni Jhona ng malamig na tubig mula sa cooler.
"Nak, ito na ba ang isda natin? Dapat 'yung galunggong mauna sa harap, mas mabili 'yan lalo na kapag ganito kainit." bilin ni Mang Hermie.
"Oo Tay, inayos na ni Aiza at Enna 'yan. Saka tingnan n'yo naman, parang SM supermarket na ang pwesto natin!" pagmamalaki ni Jhona.
"Pag ako'y nakatapos, ipapagawa ko kayo ng stall na may aircon!" sabay bitaw ni Jhona ng pangarap.
"Ang taas naman ng pangarap mo!" sabat ni Enna. "Pero okay lang, susuportahan ka namin d'yan!"
"Oo nga, basta huwag mong kalimutan ang mga classmate mo kapag naging RN ka na." biro ni Aiza sabay tawanan.
"Promise, 'pag nurse na ako, libre check-up sa inyo!" sabay taas ni Jhona ng kamay na parang nanunumpa.
Dumagsa ang mga suki sa pwesto nila, karamihan ay kilala na ni Aling Naida.
"Aling Naida! May isda pa ba kayo?" tanong ni Mang Boy, ang suking karpintero.
"Ay oo naman, Mang Boy! Para sa 'yo, bagong huli!" sabay abot ng tilapia.
"Magkano ho ang kilo?" tanong ng isang ale.
"One-fifty lang ho, sariwa pa. Tingnan n'yo po, buhay pa halos!" sabay turo ni Jhona sa nangingisay na bangus.
"Ay siya! Dalawang kilo nga, iha. Para sa asawa kong masungit!" sagot ng ale sabay tawa.
"Sabihin n’yo po, 'wag lang pakuluan baka lalo siyang sumungit!" biro ni Aiza sabay hagikhik.
"Hahaha! Aba'y ang saya n'yo rito. Parang variety show!" sigaw ng ale habang kumukuha ng gulay.
Matapos ang isang oras, halos maubos na ang paninda nila. Pawisan ngunit masaya ang magkakaibigan at mag-anak.
"Ang saya ng benta natin ngayon ah," ani Enna habang sinisilip ang kaha.
"Oo nga, first time yata natin halos maubos lahat ng isda at gulay!" dagdag ni Aiza.
"Salamat sa tulong n'yo. Sana araw-araw ganito." sabi ni Jhona habang inaayos ang natirang paninda.
"Sana araw-araw, kasama ka rin namin dito, kahit magiging nurse ka na." bulong ni Aling Naida habang pinupunasan ang likod ng anak.
"Ma, kahit anong mangyari, hindi ko kayo iiwan. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nangangarap."
At sa gitna ng mainit na araw at amoy ng isda, gulay, at pag-asa, ngumiti si Jhona. Sa simpleng pwesto ng palengke, unti-unti niyang binubuo ang pangarap niyang makapagtapos, para balang araw, siya naman ang bubuhay sa mga taong minsang nagsakripisyo para sa kanya.
Sa kabilang dako naman makausap Ang pamilyang Crowley para sa pamana.
"Ryker, this is not a joke," matigas ang boses ni Don Gregorio Crowley, ang 80-anyos na Lolo ni Ryker, habang sinisimsim ang mainit na tsaa sa ilalim ng malaking chandelier ng kanilang villa sa Lucerne, Switzerland.
"You’re already 26. You are the CEO of Asian Crowley Medical Center, but you still act like you have no sense of family duty."
"Exactly," sabat ni Madam Leticia Crowley, ang eleganteng Lola nito na naka-perlas pa kahit nasa loob lang ng bahay. "We’ve given you everything power, prestige, education. All we’re asking now is one simple thing: get married."
Ryker leaned back on the leather armchair, one leg crossed over the other, suot ang mamahaling Italian suit habang nakatitig sa malaking glass window. Sa labas ay may view ng Lake Lucerne, ngunit ang utak niya’y nalilito pa rin.
"I don’t believe in forced marriage," malamig niyang sambit. "You want me to marry just to secure a name? A legacy? I didn’t work this hard just to become a puppet."
"Ryker, don’t raise your voice at your grandparents," singit ng ama niyang si Raymond Crowley, CEO emeritus ng hospital chain, na kasalukuyang naka-retire na at namumuhay sa Italy. "Hindi lang ito tungkol sa pangalan. Ito ay tungkol sa kinabukasan ng ospital."
"Tama ang Papa mo," dagdag ni Olivia Crowley, ang kanyang ina, habang inaayos ang scarf niya. "Anak, kung wala kang maipapakitang asawa sa board meeting next quarter, we risk losing our family’s control over the main hospital branch in Manila."
"That’s absurd!" Ryker snapped, tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Hindi pa nga ako tapos mag-expand ng bagong facility sa Osaka, ito na naman kayo! Is marriage your only metric for responsibility?"
"Yes!" sabay-sabay halos na tugon ng buong pamilya.
Ryker rolled his eyes, "You want a wedding, I’ll find someone. Gusto n'yo ng bride? I’ll hire one kung kailangan. Basta tapusin na natin ang usapang ‘to."
"Don’t you dare!" mariing sigaw ni Madam Leticia. "Kung totoo kang Crowley, pipiliin mo 'yung may class, hindi 'yung nababayaran!"
"Then what do you want me to do, huh?" inis na inis na tanong ni Ryker. "Maghanap ng babae sa kalye at sabihing, 'Hi, gusto mo bang mapunta sa empire ko?'"
Tumayo si Don Gregorio at tinapik ang mesa. "Bibigyan ka namin ng three months. Either you find someone genuine, or we will pass the CEO title to your cousin, Xavier."
Napamura si Ryker sa isip.
"Seriously? That manipulative bastard? He doesn’t even know how to manage a health center, tapos siya ang magiging CEO?"
"Watch your language, Ryker," babala ni Raymond. "Xavier may be arrogant, but he’s willing to marry and settle down."
"Bakit, kailangan ba talagang mag-asawa para maging qualified? I’m running fifteen branches across Asia Taipei, Seoul, Jakarta, Bangkok, Manila, even Sydney! I'm not some spoiled brat wasting money!"
"Then prove us wrong." malamig na utos ni Don Gregorio. "Find a woman. A real one. And bring her to the gala event in Manila two months from now."
"That's insane!" gulat ni Ryker. "Two months?"
"Yes, and dapat Filipina siya," dagdag ni Olivia. "Para sa Manila branch, para mas makuha natin ang loob ng board."
"Oh wow, so now it’s a cultural PR stunt?" Ryker scoffed. "Next thing I know, gusto n'yo ng baby by next year!"
"As a matter of fact" singit ni Madam Leticia.
Ryker threw his hands up in frustration. "Forget it! I’ll figure this out. Pero kung gusto n'yong gawan ko ‘to ng paraan, don’t expect her to be some perfect heiress, okay?"
"She doesn’t have to be perfect," wika ni Raymond. "She just has to be real."
Real? What even is real anymore?
Tumalikod si Ryker at dumiretso sa glass door papunta sa terrace. Malamig ang simoy ng hangin. Tulala siyang napatingin sa kalangitan habang iniisip ang mga posibilidad. Marami siyang kilalang babae mga elite, models, CEOs but none of them ever felt... real.
Gusto niya sanang ipikit ang mata at kalimutan ang lahat. Pero hindi niya puwedeng takasan ang responsibilidad.
Ang Asian Crowley Medical Center ay hindi lang basta ospital. Isa itong imperyo. May mahigit thirty branches ito sa Asia, at siya ang taong pinaka-qualified para magpatakbo nito. Hindi niya puwedeng hayaang mapunta ito sa kamay ni Xavier, na kilala sa loob ng pamilya bilang gahaman sa posisyon.
Pero asawa?
He doesn’t do commitments. Hindi siya naniniwala sa fairytales. Pero kung 'yun lang ang paraan para manatili sa trono, gagawa siya ng paraan.
"Fine," bulong ni Ryker sa sarili. "Time to hunt... for a fake fiancee or wife."