CHAPTER 8 Third Person POV Ang umaga sa Asian Crowley Medical Center ay tila ordinaryo mainit ang kape sa pantry, may amoy antiseptic sa hangin, at may mga nurse na nagpa-practice pa rin ng t****k dance sa hallway. Pero sa HR Department, may kasalukuyang kaguluhan. Tatlong aplikante ang sabay-sabay na dumating para sa posisyon bilang janitress. Jhona Marie Lopez medyo morena, chinita, matangkad, at may confident walk na parang nagra-rampa sa kalsada ng Divisoria na may clearance sale. Aiza Fuentebella mestiza, petite, may innocent smile pero may mata na parang sinasabi, “Oo, mabait ako… pero kaya kitang balatan ng buhay.” At syempre, si Enna Alesna maputi, long-legged, at naka-bodycon na dress na formal naman pero halos sumabog sa laki ng kanyang dibdib. Sa bawat hakbang niya, paran

