CHAPTER 20 Third Person POV Dahan-dahang bumukas ang malaking pinto ng simbahan, at agad na pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Ang liwanag ng araw ay tumatama sa stained glass windows, nagbubunga ng makukulay na repleksyon sa marmol na sahig. Ang mga bulaklak sa gilid ng aisle puti at rosas parang sumasayaw sa bawat hakbang ng mga abay. Nakahanda na ang lahat. Ang pari, nakatayo sa harap, seryosong nag-aayos ng libro. Si Ryker, sa unahan, nakasuot ng maayos na black suit na bagay na bagay sa kanya, nakatingin sa pintuan na para bang wala nang ibang tao sa paligid. Hindi man nakadalo ang mga magulang at lolo’t lola niya dahil nasa Finland pa sa business trip, pero halatang masaya siya siguro kasi, mas mabilis ang kasal na ito, walang masyadong sagabal. Unang lumakad sa aisle ang mg

