AMAYA'S POV "Nasaan ako?" Mahinang tanong ko sa aking sarili nang magising sa isang 'di pamilyar na kuwarto. Sinanay ko muna sa liwanag ang aking mata bago iginala ang tingin sa kabuuan ng kuwartong kinaroroonan ko. "Anong ginagawa ko rito?" Muli kong tanong nang ma-realize na hospital room itong kinaroroonan ko. "Bakit nandito ako?" Akma akong babangon nang mapansin ko ang swerong nakatusok sa kaliwang kamay ko. "Bakit naka-dextrose ako?" Dahil wala naman akong kasama rito sa kuwarto, wala akong mapagtanungan kung anong nangyari sa akin. Kaya pinilit kong alalahanin ang nangyari kung bakit ako nandito. "Oo nga pala nahilo ako kanina," sabi ko nang maalala ang nangyari. Hindi ko alam kung sa sobrang init ba 'yon o sa gutom ko na. Naalala kong kahapon pa ng tanghali ako huling k

