AMAYA'S POV "P-PUWEDE BANG LUMAYO KA NA?" Pinilit kong hindi mautal nang sabihin 'yon. Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko at naiilang ako dahil doon. Kulang na lang ay dumikit ang mukha niya sa akin. Hindi ako kumportable. Napansin ko ang pagtaas ng isang sulok ng mga labi niya bago nagtanong. "Why? Are you scared of me?" "Hindi." "Hindi? Bakit pinalalayo mo ako?" "Dahil hindi ako kumportable na may ibang lalaking lumalapit sa akin nang ganiyan kalapit maliban kay Anthony." Pagsasabi ko nang totoo. Natigilan siya. Pagkuwa'y tila napapasong inilayo ang sarili sa akin. "Lucky bastard." Dinig kong sabi niya. "Magpahinga ka na. Tawagin mo lang si Angie kapag may kailangan ka." Pagkasabi niya niyon, walang lingon-likod na siyang umalis ng kuwartong pinagdalhan niya s

