BEKS 3: EVO ACE

1210 Words
Evo's POV Bago lang kami sa Quezon City dahil kakalipat lang family namin. Galing kaming Manila, actually kami lang ng kuya ko ang magkasama dito sa bahay at naiwan sa Manila ang parents namin. Sa Wuthering Heights Academy nagaaral si Kuya Yuno , 4th year college Civil Engineer na siya at ako naman ay 1st year senior highschool na or Grade 11 na tinatawag. Bago niyo malaman ang buong istorya ng buhay ko magpapakilala muna ako. I'm Evo Ace Ybarra, 17 years of age, Single ako. Maraming nagsasabing gwapo pero totoo naman at hindi ko na kailangang ipagyabang pa. First day of class pa naman ngayon at handang-handa na ako pero hindi pa ako makaalis dahil na kay Kuya pa ang sasakyan at tinatamad akong magcommute, ano pang silbi ng sasakyan kung sasakay ka lang din naman sa iba. Nakakainis itong si Kuya Yuno dahil bibili lang ng almusal kailangan pang gamitin yung sasakyan eh alam naman niyang maaga pasok ko pero ok lang kasi siya naman ang nagpapa-gas nito. Medyo dumadami na ang mga estudyanteng nakikita ko sa kalsada, ganito talaga kapag first day pero kapag tumagal paunti ng paunti na ito. Shit! 6:15 na! Malalate na ako! Hindi puwede ito. Agad akong nagmadali papuntang room, anlayo pa naman nito dahil nasa 4th floor pa ito. Kung minamalas ka nga naman eh noh? Nakakalaglag baga ito. Kung minamalas ako sa layo ng room ko ngunit sinuwerte naman ako dahil saktong papasok palang ang teacher sa room namin kaya nakahabol ako. Yes! Agad na nakatawag pansin sa akin ang lalaking nakaupo katabi ng isang bakanteng upuan. Sakto! Para hindi ako mapansin na late ako. "Hi pwedeng makiupo?" Ani ko at ningitian ito. "Sure tsaka wala namang nakaupo dito" aniya at ningitian din ako. Bakit ganun? Mukha siyang babae? O sadyang mali lang ako ng akala? Medyo nacurious ako sa kaniya. May kung anong bagay ang pumipilit sa sarili ko na alamin ang mga bagay tungkol sa kaniya. Gusto ko na sana siyang kausapin pero nainterrupt kami ng magaling na adviser namin na si Mam De Vega. Ganito naman talaga kapag first day of class puro pagpapakilala sa sarili. Dahil nasa unahan ako, ako ang nagsimulang magpakilala at sumunod siya. Nakakagulat ang mga bagay na nalaman ko sa kaniya. Akala ko straight siya pero BAKLA siya. Hindi naman ako against sa mga Gay , medyo nakakailang lang kasi kung may baklang masyadong dikit ng dikit sa lalaki, nakakaasiwa kumbaga. Hindi naman ako judgemental dahil alam kong may mga bakla pamg hindi hayok sa lalaki. Diba? Ngayon alam ko na ang pangalan niya. He's Kailee at may kakambal siya na si Kaicee. Naastigan ako sa magkambal na ito dahil close sila sa isa't isa lalo na't ang isa'y straight at isa'y gay. Dahil siya naman ang una kong nakausap dito, siya na ang una kong kakaibiganin lalo na't magkatabi kami. Sigurado akong magugustuhan siya ng mga tropa ko kaso nasa likod sila ngayon. "Psstt... Kailee?" Ani ko kaniya ng patago para hindi ako makitang nakikipagdaldalan. Mahirap ng mapagalitan lalo na't unang araw ito ng klase. "Bakit?" Maikli niyang tanong sa akin. "Ahhmm, pwede ba kitang maging kaibigan?" Ani ko at inilahad ang aking kamay. Nakikita ko ang gulat sa kaniyang mga mata at pagaalinlangan base sa pagikot ng kaniyang mga mata. "Sorry pero hindi ko basta-basta nakikipagkaibigan, Acquaintance muna okay?" Aniya at tinanggap niya ang aking kamay. Anlambot ng kamay niya, grabe gumagawa ba ng gawaing bahay itong si Kailee? Natuwa man ako sa kamay niya'y nalungkot naman ako dahil hindi ako agad tinanggap. Sayang naman ang kagwapuhan ko. "Okay, basta lagi tayong magkasama ah" ani ko at akmang kukurutin siya, ewan ko ba pero ang cute niya parang aso. Joke! Hindi ako alam kung bakit pero ansarap pisilin ng pisngi niya kaso sinalag niya ako. "Hep hep, hindi pa natin gaanong kilala ang isa't isa kaya hands off ka muna okay?" Aniya habang nakataas ang kilay. "Okay, ansungit mo naman pero okay lang ^_^" ani ko at ningitian siya. Akala niya siguro maiinis ako sa kaniya ha? Mahaba kaya ang pisi ko, tsaka hindi ako susuko hangga't hindi ko siya nagiging kaibigan. Ngiti lang ang natanggap ko sa kaniya at itinuon na niya ang pansin sa sinasabi ng adviser namin. Kung hindi ko pa siya maging tropa yung kakambal niya nalang muna. Sigurado naman akong makakasabay ko si Kaicee dahil parehas kaming straight. ***** Pagkatapos ng klase ay sabay na lumabas ang kambal kaya oras ko na ito para kausapin si Kaicee. "Dude! Pwede makisabay sa'yo" ani ko ng makalapit sa kaniya. Haha! Masyado ba akong taghirap sa kaibigan? XD "Oo naman, may problema ba tayo?" Aniya at ningitian ako. Sabi na eh mabait itong lalaking ito pero kabaligtaran naman ni Kailee. Boset!!! "Wala naman dude! Makikipagkaibigan lang sana ako sa'yo kung pwede lang, hehe" ani ko at napakamot ako sa batok ko, nakakahiya ito. "Oo naman dude! Apir nga diyan" aniya at nakipag-apir sakin. Wooh! No sweat naman pala. "Magkaibigan na ba kayo ni Kailee" dagdag pa niya. Napatigil si Kailee ng mabanggit ang pangalan niya at pinalakihan niya ng mata ito. Nakakatawa ang reaksyon niya. "Ewan ko ba diyan, masyadong pabebe" ani ko at ngumisi, alam kong maiirita siya sa sinabi ko. "Duh? Hindi pa nga tayo friends diba? Acquaintance palang, atat ka ba?" Aniya at umiikot ang kaniyang mga mata. Haha! "Hindi ko naman sinabing minamadali kita eh, iniiba mo yung sinabi ko eh" ani ko at nagkibit-balikat. Haha! Boom Barado... Hindi na siya sumagot pa at nagmadaling lumabas, wala na sigurong maisagot sakin kaya nagmamadali. Haha! Nung nawala na sila sa paningin ko'y agad na akong pumunta sa parking lot. Uuwi nako dahil gagamitin pa ito ng kuya kong tamad magcommute. ***** Pagkauwi ko naabutan kong natutulog si Kuya sa sofa at hindi pa nagpapalit ng damit. Ang tamad talaga ng taong ito. "Kuya baka gusto mong bumangon? Meron na ba tayong lunch? Huwag mong sabihing wala yari ka sakin" ani ko habang naghuhubad ng polo. Ang init kaya! "Nakaluto na ako, tsaka kaksiglip ko lang umepal ka naman kaagad, tsss..." aniya at bumangon na ssbay puntang kusina, ganiyan ang kuya ko napakadaming angal pero ginagawa din naman. "Kamusta first day? Marami bang chicks?" Aniya at tumawa ng mahina. Loko to ah! "Ok lang, may kaibigan na pero walang chicks sa school puro tao lang nakita ko eh" sarkastikong sabi ko sa kaniya at naupo na para kumain. Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako at nag-open ng f*******:. Nakakaboring wala akong magawa. *scroll up and scroll down* Mas lalo akong naboring, puro wala namang katuturan ang mga post ng mga tao ngayon. Minsan kung hindi puro mura ang post puro paninira sa ibang tao ang posts. Hindi na yata masabi ng harap-harapan kaya idinadaan sa f*******:. Kainis yung mga ganun! Ang sarap pakainin ng bubog. Habang nagbabasa-basa ako ng mga post sa sss ay may naisip akong puntahan. Ang wall ng Kailee. Haha! Hindi ako stalker okay? Makikisilip lang ako. Hehe!! ??? Nakakagulat yung profile picture niya. Mahaba ang buhok niya dito at babaeng-babae ang mukha niya dahil narin sa make-up. s**t! Kung hindi mo siya kilala'y mapagkakamalan mo siyang babae pero may lawit. Haha! *TING* Friend Request sent... ------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD