Kailee's POV
Maagang nag-alarm ang aking mahiwagang orasan kaya agad akong bumangon mula sa aking mahimbing na pagkakatulog.
"Waaahh!!! First day of class is real" sigaw ko pagkabangon ko. Ang OA diba? Nakakaexcite naman talaga eh. Aminin!
It is exactly 4:32 am, masyado bang maaga? Para sakin tama lang ito lalo nasa mababagal kumilos. Mas okay namang maaga kaysa late.
Agad na akong bumangon, morning rituals is real. Niligpit ko muna yung higaan, mabait ako at ayokong nagiiwan ng kalat sa paligid lalo na sa kwarto ko pa. Nako kapag nagkataon magkakaroon ng World War 3xxx
Pagkatapos kong magtoothbrush at maligo bababa na ako para kumain. Feeling ko ako palang yata ang gising sa mga oras na ito 4:50 palang eh.
Pagkababa ko medyo kinakabahan ako baka kasi may multo or worse magnanakaw, mahirap na noh? Baka marape ang lola niyo. Virgin pa akes ???
Napatakip ako agad ng bibig ng may nakita ako. Gumilid ako para hindi ako makita. Mamamatay tao yung nasa kusina. Nakikita ko mula sa malayo ang ulo ng kapatid kong si Kayla at may hawak na kutsilyo yung lalaki, alam kong ipapalo niya iyon sa ulo niya, hindi pwede kahit na impakta ang kapatid ko mahal ko siya.
Gagamitin ko na ang brilyante ni Alena. "AAAAAAAHHHHHHHHH!!!" tumili ako ng pagkalakas-lakas na siguradong madidinig hanggang kabilang street, yan ang kapangyarihan ko.
Pagkadilat ko ng aking mga mata, sobrang nagulantang ako sa mga nakita ko. s**t! Yari ako nito. Mali nanaman ang inaakala ko.
Buhay ang kapatid kong si Kyla at si Kaicee yung lalaking may hawak ng kutsilyo. Nako patay talaga, beri-berirong. ???
"Anak! Ano bang nangyari, punyeta ka anlakas ng tili mo nakakabasag ng eardrum mas malala pa sa megaphone" sigaw ni papa habang bumababa . Yari talaga ako, sermon nanaman ito umagang-umaga.
"Napasigaw ako sa kabaliwan ng dalawang panget na yan" ani ko sabay turo sa kanila. Nakita kong kinakabahan din sila haha! Nangdamay pa eh noh?!
"Ano bang ginawa ninyo? Hindi ako magagalit dahil hindi naman nagising si Kyhrone kundi wala kayong allowance for one week" aniya habang nagtitimpla ng kape. Iba rin itong tatay namin eh bagay ang kapalit kapag nakagawa ka ng kasalanan mas ok naman ito kaysa naman sa nananakit.
"Hindi kami kasama diyan pa, siya naman yung nagtititili eh akala mo nirarape" depensa naman ni Kyla. Ang sarap sabunutan ng bruhang ito, gusto laging nakakalusot sa mga nakakapahindig balahibong sitwasyon.
"Huwag ako, kung hindi ganun ang posisyon ninyong dalawa na akala may kinakatay na tao'y hindi ako titili, like duh?" Sagot ko naman sila. Nagloloading sila, antagal sumagot eh.
"Dapat kasi lumapit ka muna para nalaman mo kung ano talaga yung nangyayari, palibhasa napakajudgemental mo eh" ani naman ni Kaicee. Maling-mali ang kaniyang paliwanag, tanga-tanga lang eh noh?
"Sa tingin mo, kapag may sinasaksak ng tao malayo sayo, pupuntahan mo pa para makasiguro lang na totoo yun, diba hindi? Inuna ko parin ang kaligtasan ko" ani ko na ikinatahimik ng dalawa. Okay, barado na sila panalo na is me!
"Pero hindi mo kailangan magreact ng ganiyan dahil kaysa maligtas ka eh mapahamak ka lang" pambabara naman ni dad bago humigop ng kape. Wala na, talo na ako.
"Kumain nalang tayo, okay? Move on guys! May pasok pa tayo" ani ko at nagayos na ng almusal. Humagikgik lang si Kayla at Kaicee, yari kayo mamaya pagbubuhulin ko kayo!! Haha
Pagkatapos naming magalmusal ay nagayos na kami ng gamit at susuoting uniform. Maganda ang uniform ng school na ito, may necktie, yung polo na may nakapatong na sandong black ang style na lalong nagpapaastig dito.
"Psstt...Lee ikaw nga magsuot ng neck tie ko, please hindi ko kaya eh" ani ni Kaicee. Nagpapacute pa ang loko, kahit gwapo ka at kakambal kita hindi kita pagbibigyan kaya manigas ka.
"Hindi ka naman disabled person para tulungan kita sa pagneneck tie kaya gawin mo yan" ani ko at muling binaling tingin ko sa pagcecellphone.
"Oo nga pero hindi ko alam kung paano magayos ng neck tie, sige na tulungan mo ako" aniya at nagpuppy eyes muli. Nako! Hindi ako naapektuhan ng ganiyan kaya wa-epek yan!
"No, may utak ka para gamitin mo para alamin kung paano yan o kaya search ka sa youtube ng tutorial" ani ko na ikinabanas niya. Haha! Tama yan mainis kang hayup ka.
"Please, baby kambal ko ???" aniya sabay halik sa pisngi ko. Ganiyan siya maglambing sakin, answeet diba? Suwerte talaga ni Lauraine sa kaniya.
Nga pala. Si Lauraine ang current girlfriend niya ngayon. Why do I say "current"? Alam kong sa mga susunod na araw ay iba nanaman ang babaeng ipapakilala niya dito sa bahay. Masyado kasing babaero!
Wala na akong nagawa kung hindi tulungan siyang magneck tie pero sa bandang huli ako nalang ang nagayos dahil tamad siya hindi niya pagaaksayahan ng oras ang ganitong bagay.
Maya-maya ay umalis na kami kasabay si papa. Ihahatid niya kami ngayon dahil hindi pa naman namin kabisado ang lugar na ito baka daw kasi maligaw kami.
Kung mawawala ka sa isang lugar basta may dala kang pera at gadgets ay hindi ka mamomroblema pero kung taghirap ka sigurado sa kangkungan ka pupulutin.
*****
Naunang nahiwalay samin si Kyla dahil sa kabilang building pa ang room niya. Agad na kaming nagtungo ni Kaicee sa room namin na hindi naman gaanong mahirap hanapin. SOBRA!!!
Nakakamatay itong room namin dahil nasa 4th floor kami at sa dulo pa nakapwesto partida. Umagang-umaga pahirap nanaman ito.
Pagkapasok naming dalawa agad napako ang kanilang mga tingin saming magkambal. Kitang-kita mo sa mga mata nila ang mga tanong na gusto nilang itanong na hindi masabi-sabi. Aba'y dapat kung kalokohan lang naman yung tanong baka makalimutan kong babae ang kausap ko at masapak ko ng wala sa oras.
Umupo kaming dalawa sa may gilid sa unahan pero pinanatili kong bakante ang isang upuan sa may tabi ng pinto, ayoko ng nasa bungad laging napapagutusan ng kung sino-sino.
Saktong-sakto na pagdating ng teacher namin ay may kasunod siyang estudyante na parang hingal na hingal. Nanggaling yata sa fun run?
Napanganga nalang ako ng makita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. s**t! Ang gwapo niya! Kamukha niya si Ruru lalo na sa mata at panga. Oh my god! Kill me now.
"Hi, pwedeng makiupo?" Nagulat ako ng magtanong siya sakin. Natutunaw ako help me gays! "Sure, wala namang ibang nakaupo diyan eh" ani ko at ningitian siya. Hormones explosion 101 Grabe siya, ang lakas makahatak.
"Good Morning class, I'm Annaliza De Vega, your teacher in Math and also your adviser" aniya at ngumiti samin. Grineet namin siya at muling naupo.
"Dahil First day of school palang naman, wala taying gagawin ngayon to get known of each other kaya sisimulan natin ito for an introduction of your life outside school, okay? Lets start with you Mr...?" Ani ni mam Devega at tumayo na ang poging katabi ko.
"GoodMorning Everyone! I'm Evo Ace Ybarra, 16 yrs. of age I'm a current student here with my friends Michaela, Angelo and Miko. I hope that I can have many more friends here. Lastly, I love basketball and cooking, thats all" aniya at muling naupo. Ybarra? Crisostomo is that you? Haha!
Ako naman ang lalaban! "Hi! I'm Kailee Lastimosa, 16 yrs. of age I'm a transferee here and I'm Gay, I'm proud of saying it because it is me. I hope I can gain friends here but not back stabbers. I also love cooking and dancing, thats all" ani ko at bumalik sa kinauupuan ko. Nakakatawa ang mga reaksyon ng mga babae lalo na nung marinig nilang bakla ako, hindi ko maipinta ang mukha nila. Nakakapanghinayang ba?
Sumunod naman ang kakambal ko na masyadong pacool. First day palang marami ng nahakot na babae, babaero amputa!
"Psstt... Kailee?" Dinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako. Si Evo lang pala. "Bakit?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Ahhmm, pwede ba kitang maging kaibigan?" Aniya at naglahad ng kamay. Sorry pero hindi ako basta-basta nakikipagkaibigan.
"Sorry pero hindi ko basta-basta nakikipagkaibigan, Acquaintance muna okay?" Ani ko at tinanggap ko ang kamay niya. Nakita kong medyo nabahiran ng lungkot ang mata niya pero I don't mind it, mahalaga sa akin ang Friendship lalo na ang Relationship.
"Okay, basta lagi tayong magkasama ah" aniya at kukurutin na sana ang pisngi ko pero sinalag ko. "Hep hep, hindi pa natin gaanong kilala ang isa't isa kaya hands off ka muna okay?" Ani ko at nagayos ng upo. Mataray ba ako? Hindi naman ah
"Okay, ansungit mo naman pero okay lang ^_^" aniya at ngumiti muli. Yan ganiyan sabayan mo ang mga trip ko magkakasundo tayo.
Yan ang mga tipo kong lalaki, mabait kahit na inis na inis na ang kausap niya hindi katulad ng iba na galit na nga yung isa sinasabayan pa kaya walang usapang matino at ang resulta BREAK UP
*****
Hindi naman natapos ng boring ang klase. Nagmukha pa kaming bata dahil sa mga palaro na pinangungunahan ni Mam Devega, ambait niya ah! Magaling-magaling!! ???
Sa pintuan ay nakabungad agad si mama karga si baby Khyrone. Ang cute talaga ng bunso kong kapatid mang-mana sakin xD
"Kamusta ang first day of school mga anak?" Tanong ni mom habang isa-isa kaming hinahalikan sa noo.
"Masaya at exciting! Maraming new friends" ani ni Kyla na akala mo kukuhain na ni lord sa kumikinang niyang mukha.
Pagkatapos naming maglunch ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Inaantok ako nakakapagod naman kasing magaral.
Nakatulog ako at hindi ko namalayang gabi na pala. Buti nalang wala kaming assignment kaya walang dapat ipagalala.