Leslie Alegria Pov.
Hindi ko alam ang gagawin ngayon habang nakatingin sa akin si inang na may madilim na awra. Lumapit siya sakin, salubong ang kilay niya kasabay ng paghila nito sa braso ko upang itago sa mga kahon na nasa gilid.
"Anong ginagawa mo ditong bata ka!" napalunok ako, masakit din ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil nararamdaman ko doon ang pagbaon ng mahahaba niyang kuko.
"M-may bibilhin lang po ako, m-may i-iniutos lamang ang senyora." dahil sa narinig ni inang, marahas nitong binitawan ang braso ko ngunit hindi pa rin nagbabago ang kanyang eksrepsyon.
"Siguraduhin mo lang na totoo ang sinasabi mo, leslie! Sa oras na malaman kung gumagala ka lang at nag-aaksaya ng oras, palalayasin kita!"
Napayuko ako sa malakas na sigaw ni inang, hindi ko rin alam ang gagawin dahil sa sobrang dami ng nakakarinig. Wala akong magawa kundi ang tumango at kagatin na lamang ang aking labi.
"H-hindi ko po gagawin iyon, inang. K-kilala niyo ako."
"Hindi kita kilala, leslie! Malay ko ba kung katulad ka lang din ng nanay mo!"
Dahil sa sinabing iyon ni inang, nag-angat ako ng tingin habang nanginginig ang bilog ng mata dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Ano bang klaseng babae si mama? Ang pagkaka-alam ko, mabait siya at marangal. Wala siyang tinatapakang tao at hindi niya gagawin itong ginagawa niya sakin.
"Ano? Lalaban ka! Sige lang, ipakita mo talaga kung sino ka!" diniin ni inang ang hintuturo nito sa sintido ko ngunit nanatili akong walang imik. Inayos ko lamang ang nagulo kong buhok bago siyang harapin muli.
"Hindi po ako tulad ng inaakala ninyo, hindi ko rin po kayo lalaban dahil nirerespeto ko pa rin kayo bilang inang ko. Mauuna na po ako."
"Abat ang batang 'to!" iyon pa ang narinig kong sigaw ni inang ngunit hindi na ako lumingon pa. Masama ang loob ko, mabigat ang aking dibdib habang nararamdaman ko ang paghapdi ng sulok nang dalawang mata ko.
Para akong maiiyak kaya't nagtungo muna ako sa isang sulok at doon sumandal. Hindi ko na nga napigilan ang mga luhang umagos sa pisngi ko dala ng bigat sa aking dibdib. Nasasaktan ako, wala naman akong ginagawang muli ngunit bakit niya ako kailangang itrato ng ganon.
Buong akala ko nakahanap na ako ng pangalawang ina. Iyon pala, nagkakamali lamang ako dahil hindi ko kailanman naranasang tratuhin niya akong anak.
Natawa ako bago punasan ang luhang patuloy na bumabagsak. Bakit ka ba umiiyak leslie? Alam mo namang wala ka ng magagawa kundi ang mag-tiis na lang, pamilya mo na sila. Asawa na siya ng tatay mo kaya't nararapat lamang na tiisin mo lahat ng ginagawa niya sayo. Darating din ang araw na magbabago siya, makikita rin niya ang lahat ng pagsasakripisyo mo.
"What are you doing here?" natigilan ako dahil bigla ay narinig ko ang boses ni akhiro. "Are you crying?"
Mabilis na umiling ako bago piliting ngumiti sa harapan niya. "Hindi, napuling lang ako kanina. Bakit nandito ka?"
"Sinundan kita, sino ang babaeng iyon? Bakit ka niya sinisigawan?"
Hindi muli ako nakasagot sa tanong niyang iyon, nag-iwas na lamang ako ng tingin bago ko marinig ang pagbubuntong hininga niya.
"Let's go, tumawag na sakin si mommy. Sa susunod na lang tayo pupunta ng burol." tumalikod na siya matapos sabihin iyon. Inayos ko rin ang sarili bago sumunod sa kanya dahil baka uminit na naman ang ulo nito kung hindi ako susunod sa utos niya.
Hindi ko na nakita pa si inang matapos kong dumaan kanina sa pwesto ng mga prutas kung saan niya ako pinag-sisigawan. Naisip ko na baka bumalik na siya sa pwesto nito kaya't hindi ko na siya nakita pa doon.
Gayun man, pinilit kong maging maayos habang tinatahak na namin ang daan pabalik ng mansyon. Kapwa lamang kami tahimik at walang nagtangka pang nagsalita. Hangga sa marating namin ang mansyon ay sinalubong si akhiro ng ilang tagapag-sunod ni senyora kung saan sila na mismo ang nagtabi sa kabayong sinasakyan namin.
"Where have you been, aki?" may lalakeng sumalubong kay akhiro na sa tingin ko'y pinsan niya. Pamilyar kasi ito sa akin dahil nakasabay ko itong kumain kahapon.
"Sa hacienda." natawa ang pinsan niya dahil sa narinig na sinabi nito.
"Ang pagkaka-alam ko, hindi mo nais magpunta doon? May himala bang nangyari?"
"Tsk, leave me alone." nauna ng pumasok si akhiro kung saan nilagpasan na niya ako. Nakatayo lamang ako malapit sa malaking pintuan bago ako lapitan ng lalakeng kumausap kay akhiro kanina.
"Sa haciende nga ba kayo nagpunta?" tumango ako, hindi nagsalita kundi iyon lamang ang aking ginawa.
"Why are you with him, then?"
"Inutusan ako ni senyora na samahan siya."
"Sakay ng kabayo?" tumango akong muli kahit na napakarami masyado ng katanungan niya.
"Ows? I really can't believe this. Ito ang unang beses na may sinakay si akhiro sa kabayo niya. Alam mo bang walang nakakahawak non kung hindi ang taga-pag alaga lang niya?"
"Hindi ko alam." natawa siya sa sinabi ko.
"Ofcourse you didn't know, pero ngayon alam mo na." tinapak nito ang balikat ko bago tuluyang maglakad upang pumasok na sa loob. Hindi ko talaga maipagkakaila na isa rin iyong del Vega. Ngunit maski narito na ako, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa pagitan namin ni inang kanina.
Habang nasa labas ako, bigla kong naaalala ang perang ibinigay sa akin ni akhiro kanina. Nakalimutan ko palang ibalik iyon kaya't ngayon ay halos magmadali akong pumasok sa pag-aakalang maaabutan ko pa siya sa sala. Ngunit si senyora flora na lamang ang nakita ko doon, kung saan nakaupo siya sa sofa habang katabi ang kanyang asawa.
"Leslie? Narito ka pa pala?" ngumiti ako ng pilit bago tuluyang lumapit sa kanila.
"Kasama ko pong bumalik si akhiro."
Nagtaka ang dalawa bago sila magtinginan. "Ang utos ko sa aking anak ay ihatid ka na pauwi, para makapag-handa ka na sa lunes."
Hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ng senyora ngunit bigla ay may sumabat na tinig na nagmumula sa likuran ko.
"Hindi pa kumakain si leslie." boses iyon ni akhiro na ngayo'y naglalakad patungo sa kusina. Mabilis siyang nawala sa paningin ko at para bang pina-alam lang niya sa mga magulang niya na hindi pa kami kumakain.
"Hindi pa ba kayo kumain doon sa silong?"
Umiling ako. "Nagmamadali na po kasing umuwi si akhiro, atsaka pa. Busog pa naman ako. Uuwi na rin po ako." tumayo si senyora habang naiiling na lumapit sakin.
"Sabayan mo na ang anak ko sa pagkain, alam mo. Ngayon lang yan naging mabait na bata." nais ko sanang matawa sa sinabi ng senyora ngunit pinigilan ko na lamang iyon. Ngunit totoo naman, kahit masungit si akhiro. Mukha naman siyang mabait kaya't hindi ko tatanggihan ang pag-uutos ni senyora sa akin.
Pumasok na nga ako sa kusina habang hawak ang perang dala ko. Inilapag ko iyon sa gilid ng mesa kung saan nakapwesto si akhiro dahil ibabalik ko na iyon sa kanya.
"Nakalimutan kong ibalik sayo kanina."
"Sayo na 'yan." hindi siya nakatingin sakin habang hinihiwa nito ang karne na nasa plato niya. Ngunit hindi rin naman ako umimik dahil sa sinabi niyang iyon.
"Pamasahe muna iyan pauwi, but you need to eat first before you leave."
"Sobra naman iyan, akhiro. May pera naman ako."
"Iyon ang utos ko, bakit hindi mo na lang sundin?" napanguso ako ngunit wala akong planong tanggapin iyon.
Nakakahiya.
"If you won't accept this, i will report you today that your belong to those gangster who bullied me."
Namilog ang mata ko dahil sa pagbabanta niyang iyon. "Pinagsasabi mo?"
"Tanggapin mo na ang pera, babalik ka dito bukas. Sa lunes pa ang pasok mo hindi ba?"
"Wala naman sinabi si senyora na bumalik ako, ang sabi niya. Maghanda lamang ako para sa lunes."
Napabuntong hininga siya sabay lapag ng kubyertos nito sa kanyang plato. Sinamaan rin niya ako ng tingin dahil halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.
"Inuutusan kitang bumalik dito bukas, bilhin mo ang mga pagkain na pwede nating dalhin sa burol. Sasabihin ko ito kay mommy mamaya."
Hindi na ako kumibo pa sa sinabi niyang iyon. Kung ganon pala, paano ako makakapag-handa bukas sa lunes kung tutungo ako dito?
Ano bang gagawin ng lalakeng ito sa burol at atat siyang magtungo doon.
"Do you refuse my request again, ms alegria?"
Napalunok ako sabay iling sa pagbanggit nito sa pangalan ko.
"Masusunod lahat ng utos mo."
********
to be continued...
Please do support the part of Chasing dreams Collaboration. Thankyou
1. Unwritten Serenade Of Love - perieaus
2. Fragile Ties Of Passion - AteSamuha21
3. Admiring Dreams With you - Labxzaza
4. Loving you from Afar - Bb_blossomHearts
5. Love Can Wait - Missssania
6. So It's love - SyneaMoonWrites
7. Eleutheromania LadyLonelySadness