Chapter 11

1498 Words
Leslie Alegria Pov. Hindi ako hinayaang maka-uwi ni senyora ng walang masasakyan. Ipinahatid niya ako sa kanyang driver upang hindi na ako maabala pang mamasahe. Nasa akin pa rin ang pera ni akhiro dahil nga inutusan niya akong bumili ng mga pagkain namin na dadalhin bukas sa burol. Napag-isip ko rin habang nasa biyahe ako, bakit kailangan pang bumili ng pagkain kung napakarami namang prutas at pagkain sa kanila? Iniisip ko rin kung anong gagawin niya sa lugar na iyon gayong hindi naman gaanong dinadayo ang burol. "Dito na lang po, kuya." huminto ang kotse sa hindi kalayuan ng aming bahay. Ayoko kasing doon mismo huminto ang kotse dahil tiyak na pag-uusapan lamang ako ng mga taong makakakita sakin. "Salamat po sa paghatid." tumango lang ang lalake bago tuluyang lumisan sa lugar namin. Natitiyak kong nasa alas dos pa lang ngayon dahil matindi pa rin ang sikat ng araw. Mamaya pa ang uwi nila inang dahil alas singko sila nagsasara, si amang naman ay alas sais na umuuwi mula sa pamamasada ng Jeep. Kaya halos ako lang din ang mag-isa sa bahay kung naroon ako, pero ngayon. Baka wala ng maiiwan doon dahil mula sa lunes ay mag-aaral na ako. "Leslie." nahinto ako sa paglalakad dahil narinig ko ang pagtawag sa akin ng kaibigan kong si glenda. "Saan ka nanggaling?" Hinintay ko siya makalapit sa akin bago ko ito tuluyang sagutin. "Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, glenda." nangunot ang noo niya, natatawa ngunit mas pinili niyang mag-usisa. "Bakit naman hindi ako maniniwala, aber? May nangyari bang himala?" Tumango ako. "Himala nga iyon, glenda. Biruin mo ba, ang dati kong pangarap na makapasok sa hacienda ng mga Del Vega ay natupad na." nangunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. "Paano naman nangyari 'yon? Nag-apply ka ba? Ang daya mo ha, hindi mo man lang ako isinama." umiling ako. "Hindi, nagkrus kasi ang landas namin ni senyora flora. Sa palengke noong isang araw, may nangyari kasing hindi maganda. Nagawa ko siyang tulungan kaya't binigyan niya ako ng hindi matanggihan na pabuya." namilog ang mata nito dahil sa sinabi kong iyon. "Sinasabi mo bang binigyan ka ng isang milyon ng senyora?" nagsalubong ang kilay ko. "Hindi, glenda. Hindi ko naman tatanggapin ang ganoong kalaking halaga, may ibang inalok sa akin ang senyora. At iyon ay ang libreng edukasyon at pag pagtatrabaho sa malaking hacienda." Napamaang siya na tila nagulat sa sinabi kong iyon. "Talaga ba? Kung ganon, makapag-aaral ka na?" Tumango ako, nakangiti. "Hindi ko nga lubos maisip na magkaka-totoo iyon eh. Siguro nga tinupad na ni lord ang isang pangarap ko sa buhay." Ngumiti sa akin si glenda, siya kasi ay may nagpapag-aral sa kanya. Ngunit nagtatrabaho pa rin ito para matustusan ang ilang gastusin niya sa pag-aaral. Samantalang ako ay wala namang ibang malalapitan dahil wala din namang ibang kamag-anak si ina at ama dito. May mga kapatid si amang ngunit nasa manila ang mga iyon, ngunit hindi kasi niya nais humihingi ng tulong sa mga kapatid niya. Hindi na kasi naging maganda ang pagsasama nila dahil nga muli itong nag-asawa ng ibat at hinayaan niyang maghiwalay sila ni ina. Gayun man, alam ko namang mabuting tao si amang. Hindi ko lang malaman kung bakit kailangan niyang pakisamahan si inang helda gayong halata namang sunod salayaw siya sa nais nito. "Alam mo, leslie. Ganyan lang naman talaga ang buhay, darating din ang araw na makaka-alis ka sa puder ng madrasta mo. Matutupad mo rin ang pangarap mo, huwag kang mawalan ng pag-asa." Ngumiti ako kay glenda. "Ayos lang naman manatili sa kanila, glenda. Hanggat kaya kong magtiiis, mananatili ako.." "Sus, paano kung mapagod ka? Paano kung tuluyan ka ng maubos dahil sa kanila?" Nagkibit balikat ako. "Hindi naman na siguro mangyayari iyon, atsaka pa. Pamilya na rin ang turing ko sa kanila." "Hays, naku. Ikaw ba? Pamilya ba ang turing nila sayo?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni glenda dahil hindi ko rin naman alam ang katotohanan. Ngunit hindi na iyon importante pa, alam kong darating din ang panahon na magiging maayos kami. Basta ako, tutulungan ko pa rin sila hanggat sa makakaya ko. "Mauuna na ako, glenda. Sa susunod na lamang tayo mag-usap, marami pa kasi akong gagawin sa bahay." Bumuntong hininga siya, wala din itong nagawa kundi ang tumango na lamang. "Balitaan mo ako, ah. Magkita tayo sa paradahan sa lunes." Tumango ako, nakangiti. Tuluyan na rin akong nagpa-alam sa kanya upang makapag-linis sa bahay. Kailangan ko rin magluto upang pag naka-uwi na sila inang at kassandra, kakain na lamang sila at magpapahinga. PAGKAUWI, hinanda ko ang basahan at malinis na tubig upang maglampaso saglit sa sahig. Nakahain na rin ang kanin upang pag naluto iyon ay ang ihahanda ko naman ang siyang ihahain ko. Habang naglilinis ako, may isang tinig akong narinig na tumatawag sa labas ng pinto. Tumayo ako habang hawak ang basahan hanggang sa makita ko ang lalakeng naroon. "Dito po ba nakatira si leslie Alegria?" tumango ako sa tanong ng ginoo. "Opo, ako po si leslie." "May pinadalang liham sa inyo ang mga Del Vega, pakipirmahan na lamang ito para sa katunayang natanggap niyo ang sulat." Lumapit nga ako ng tuluyan upang tanggapin ang nasabing sulat. Nag-iwan din ako ng pirma bago tuluyang magpa-alam ang lalake. Pumasok pa muna ako sa loob at naupo sa upuan bago buksan ang sobre. Nakita ko nga doon ang nakasaad sa sulat ukol sa libreng scholarship. Nabasa ko rin ang mga kailangang ipasa na nagawa ko namang ibigay sa sekretarya ni senyora, may exam ding gagawin upang tuluyang makapasok sa unibersidad. Nasabi din doon na maaari pang magbihis ng sibilyan kung wala pang uniform, ngunit halos isang linggo lang ang ibibigay nilang palugit upang makakuha ka ng uniform. Wala din ibang babayaran ang studyanteng may scholar kung hindi ang ibang proyekto lamang sa kukunin niyang kurso. Dahil dito sa liham na nabasa, natutuwa ako ng lubusan at ngayon pa lang halos mag-sink in sa akin ang lahat. Makapag-aaral na nga ako. Makapag-aaral na ako sa nais kong unibersidad at makukuha ang kursong gusto ko. Dahil sa pagkakataong ito, mas pagbubutihan ko pa at mas lalong magiging matatag. Hindi ko sasayangin ang opurtinidad na ibinigay sa akin, dahil alam kong makakamit ko rin ang lahat ng pangarap ko sa buhay. ALAS SAIS ng nang gabi habang tinutupi ko ang ilang damit ni amang. Dumating na sila inang helen at kassandra na agad dumiretso sa kusina, si kassandra ay inilapag lamang ang kanyang bag sa upuan na hindi man lang inaayos. Lumabas din naman agad si inang na may dalang baso ng tubig sabay upo sa kahoy naming upuan. "Leslie." tumayo ako agad pagkatapos kong marinig ang aking pangalan. "Ano po iyon inang?" "Halika dito." sinenyasan niya akong lumapit habang hawak ko ang isang tshirt ni amang. "May nabalitaan ako kanina sa mga kasama ko, sino iyong sinasabi nilang lalakeng kasama mo?" Bahagya kong kinagat ang pang-ibabang labi habang unti-unting hinihigpitan ang hawak ko sa damit. "Baka nobyo iyon ni leslie, inang.." natatawa si kassandra habang sinasabi niya iyon. Samantalang ako ay halos magulat sa sinabi niya. "Hindi po totoo iyon, inang. Wala pa po akong nobyo." "Nagsasabi ka ba ng totoo? Kung ganon, sino iyon?" "Si Akhiro Del Vega po, ang anak ni senyora." muli ay natawa si kassandra dahil sa sinabi kong iyon. "Nahihibang ka na yata, leslie. Paano mo makakasama ang anak ng senyora? Alam mo bang suntok sa buwan ang makausap ang mga Del Vega! Nagsisinungaling ka!" Umiling ako ilang beses upang iparating na nagsasabi ako ng katotohanan. "Totoo ang sinasabi ko, inang. Siya nga iyong kasama ko kaninan, maniwala kayo." Masama ang tingin sa akin ni inang habang sinasabi iyon. "Malaman ko lang talaga na nobyo mo iyong kasama mo at nagsisinungaling ka sakin, humanda ka leslie. Hindi ako nagbibiro." Tumayo na si inang sabay pasok sa kanyang silid. Samantalang si kassandra ay naiwang nakatayo sa harapan ko. "Alam kong nakapasok ka na sa mansyon ng mga del Vega. Pero huwag mo naman sanang pagpantasyahan si akhiro, ayokong naririnig na binabanggit mo siya, leslie!" "Totoo naman ang sinabi ko, kassandra. Hindi ako kailanman gagawa ng kwento para umangat, huwag mo rin akong pagsalitaan na akala mo kung sino ka, alam ko ang ginawa mo. Ikaw ang kumuha sa pera ni inang kagabi." ngumisi siya sakin, tila ba hindi man lang nasindak kundi mas lalo pa nitong tinaasan ang kanyang kilay... "Huwag mo rin akong pinaparatangan, leslie. Wala kang ebidensya, baka bumaligtad sayo lahat ng sinasabi mo at tuluyan ka ng mapalayas dito." bukod tanging titig lamang ang ginawa ko kay kassandra dahil ayoko ng humaba pa ang pagtatalo namin. Kahit ganyan naman kami, ako pa rin ang mas nakakatanda kaya't pagpapasensyahan ko na lamang siya hanggat kaya ko. "Huwag masyadong lumipad ng mataas, leslie. Huwag ka rin masyadong ambisyosa dahil wala ka rin namang mararating." Matapos niyang sabihib iyon, binangga niya ako sa balikat at tuluyan akong nilagpasan na halos tumatak lahat sa isip ko ang sinabi niya. ******** to be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD