Leslie Alegria Pov.
Sa hapag kainan ay tahimik lamang akong kumakain. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni kassandra tungkol sa leksyon nito kanina. Ibinibida niya kay inang at amang ang nasagutan nitong recitation, nagawa rin daw ni kassandra na makakuha ng perfect score sa long quiz nila kanina.
Samantalang ako ay iniisip ko rin ang nagawa kanina. Nasagutan ko rin naman ang tanong ng professor ko, nakakuha rin ako ng mataas ng score sa quiz namin ngunit hindi ko iyon maibahagi.
Ayoko kasing sumabat kay kassandra baka dahil iba lamang ang isipin nito. Mas makakabuti na lang siguro na sarilihin ko na lamang ang magandang nangyaring iyon.
"Ikaw ba anak?" natigilan ako ng tanungin ako ni amang. Pansin kong umismid si kassandra dahil natuon na sa akin ang atensyon ni amang. Si inang naman ay umiinom ng tubig ngunit makikita mo pa rin sa kanyang mata ang hindi kanaisang awra.
"Ayos lang naman po ang unang klase." iyon na lamang ang isinagot ko kay amang. Nagkaroon din ako ng lakas nang loob sabihin ang libro na pinabibili sa amin.
"May pinabibiling libro sa amin, amang. Hindi ko nga lang alam ang presyo dahil magtatanong pa ako bukas." tumango si amang sa sinabi ko ngunit si inang ay pabagsak ng inilapag ang basong hawak niya.
"Totoo bang libro ang bibilhin mo, leslie!" tumango ako, nais kong depensahan ang sarili sa pamamagitan ng salita ngunit ayokong sumagot.
"Baka nais mo lang makakuha ng malaking pera kay, amang leslie. Para magpasikat." nangunot ang noo ko sa sinabing iyon ni kassandra.
"Hindi ako ganon, kassandra. Totoong may bibilhin kaming libro at kailangan iyon sa kurso ko."
"Tsk, talaga? Wala ka namang ginawang maganda ngayon eh. Alam niyo po ba, nakipag-away kanina si leslie sa anak ni konsyal fajardo." namilog ang mata ko dahil sa sinabing iyon ni kassandra. Wala akong ideya na may nalalaman siya kaya't hindi ako halos makapag-salita. Wala na sana akong balak pang ipaalam sa kanila ang nangyari ngunit huli na.
"Hindi po ako nakipag-away, may hindi lang inaasahan na nangyari. Hindi ko gagawin 'yon, amang." seryoso na ang awra ni amang dahil sa nalaman. Ngunit si inang na ang siyang sumabat na hindi halos matanggap ng sistema ko.
"Kung wala ka rin namang gagawing matino sa paaralang iyon, mas mabuting huminto ka na lang habang maaga pa! Tulungan mo na lang ako sa pagtitinda! Sinasayang mo lang ang oras mo eh wala ka namang mapapala diyan sa kurso mo!" masakit sa dibdib ang sinabing iyon ni inang sa akin. Hindi lang nila ako inapakan, tinanggal na nila ng tuluyan ang suporta sa akin ngunit nanatili lamang akong walang imik.
"Saka na tayo mag-usap tungkol sa project ninyo, kumain muna tayo ng tahimik." iyon ang siyang sinabat ni amang na siyang nginisian ni inang helen.
"Pagsabihan mo iyang anak mo, rigor! Siya lang naman ang may matigas na ulo dito!"
Hindi nagsalita si amang dahil tumayo na si inang para lumabas na ng kusina. Sumunod na rin si kassandra kung saan iniwan na nila kaming dalawa ni amang sa kusina.
Nais ko sanang umiyak ngunit pinipigilan ko iyon. Lahat na yata ng pagtitimpi ay nagawa ko na hangga sa magsalita si amang.
"Pagbutihin mo ang pag-aaral, leslie. Kung maaari lang sana, ikaw na mismo ang umiwas sa gulo para hindi ka na nadadamay pa." maayos naman ang pagkakasabi ni amang ngunit para na rin niyang sinasabi ng kasalanan ko. Tumango na lamang ako kahit masakit ang loob ko, tumayo na rin si amang matapos niyang haplusin ang ulo ko. Tuluyan na akong naiwan sa kusina at muling naramdaman ang pag-iisa.
Sa pagkakataong iyon, unti-unti ng nagsi-unahang tumulo ang aking luha dahil sa sobrang bigat na talaga. Alam ko'ng magiging maayos din ang lahat matapos kong mailabas lahat ng luhang ito, alam ko'ng lilipas din ang sakit at muli ko na namang kakaharapin ang panibagong bukas.
Habang naglilinis ako ng gabing iyon, wala akong ibang ginawa kundi ang hayaang tumulo ang luha sa aking mata. Hinayaan ko na lamang sila dahil ayoko rin namang maipon lahat ng sakit sa dibdib ko.
Kinabukasan rin ay halos mugto lang ang aking mata ng magising ako. Gaya ng nakagawian, nagluto ako at naghanda para sa almusal nila. Hindi na rin ako nakisabay sa kanila dahil nagpa-alam na ako kay amang na aalis na.
"Ang aga mo naman yatang papasok?" tinig iyon ni inang habang inaayos ko ang sintas ng aking sapatos. Balak ko sanang magtungo sa mansyon ngayon upang itanong kung kailan ba ako mag-uumpisa. Kailangan ko na kasing magtrabaho para matustusan ko na ang sarili kong pangangailangan sa skwela. Napag-isip ko na hindi ko kailangan umasa kay amang, siguro naman ay kaya kong pag-arali ang aking sarili sa sikap na makakayanan ko.
"Pupuntahan ko po ang senyora ngayong umaga." iyon ang sagot ko matapos kong maitali ang sintas. Naroon na rin si kassandra sa sala kung saan inilapag niya ang bag sa tabi ko.
"Bakit? Maglilimos ka ng pera doon dahil hindi ka binigyan ni rigor! Wala ka na talagang kahihiyan!" dinuro pa ni inang ang noo ko dahilan upang magulo ang aking buhok. Ngunit ayos lang, sanay na ako.
"Aalamin ko lang po kung kailan ako mag-uumpisa sa trabaho. Iyon lang po, hindi po ako maglilimos dahil hindi ko naman po gawaing humingi ng pera."
"Tsk, sana nga leslie. Sana may patutunguhan iyang ginagawa mo!" tinalikuran na ako ni inang matapos sabihin iyon. Hindi na rin naman ako nagbigay ng imik pa dahil sanay na nga ako.
"Pwede mo bang ipa-xerox ito mamaya, maaga ka din naman aalis eh. Ibigay mo na lang iyan sakin mamaya." may ibinigay na long pag sa akin si kassandra na umaabot yata sa mahigit sampong page. Hindi rin naman ako nakatanggi dahil binigay na niya iyon sa akin kasama ng pera.
"Siguraduhin mo lang na aabot iyan ng alas otso sakin, leslie. Hihintayin kita."
Nag-iwas na lang ako ng tingin sabay paloob ng longpad sa loob ng bag ko. Napansin din iyon ni leslie kung kaya't tumaas ang kilay niya.
"Saan mo nakuha iyang bag mo?"
Sinuot ko iyon bago ko siya tingnan, blanko ang emosyon ko dahil masama pa rin ang aking loob.
"Sa mga Del Vega." natawa siya sa isinagot kong iyon.
"Talaga? Ang pagkaka-alam ko, libreng edukasyon lang ang ibinibigay nila, leslie. Siguradong nagsisinungaling ka, ninakaw mo 'yan no? Sabihin mo!"
"Hindi ako magnanakaw, kassandra. Kung hindi ka rin naman naniniwala sa sinasabi ko. Mas mabuting huwag ka ng magtanong." kita ko kung paano mag-igting ang panga niya sa sinabi ko. Ngunit wala akong panahon para patulan siya, ang isang tulad niya ay dapat pinagpa-pasensyahan na lamang.
______________
Sa paradahan ng tricycle, naabutan ko na doon si glenda na may dalang paperbag. Mag-a-alas sais pa lamang ng umaga ngunit heto siya at naghihintay na sakin.
"Salamat dito, glenda. Nag-abala ka pa." nangiti siya sa sinabi ko.
"Sus, leslie. Para namang iba ka sakin eh, kapatid na kaya ang turing ko sayo." natutuwa ako sa sinabing iyon ni glenda. Sa kabila ng nangyayari sa akin sa bahay, may mga tao pa rin talaga na nagpapasaya sa akin pagdating sa labas.
"May daraanan pa kasi ako ngayon, baka mauna ka na muna.." nangunot ang noo niya.
"Saan ka pa pupunta?"
"Pupuntahan ko lang ang senyora, gusto ko na kasing magtrabaho sa kanila kahit ilang oras lang. Sayang naman."
"Bakit doon pa? Sumama ka na lang kaya sakin doon sa bar." mabilis na umiling ako sa sinabing iyon ni glenda. Marami din kasi siyang part time job tuwing gabi, ngunit regular na waitress siya sa isang bar doon sa bayan.
"Magagalit sakin si inang kung doon ako pupunta. Hindi rin ako papayagan ni amang."
"Bakit hindi? Waitress ka lang naman eh, hindi ka naman magpapa-table."
Muli ay umiling ako. "Hindi talaga, glenda. Saka na siguro pag kailangan ko na talaga ng pera." napabuntong hininga siya kasabay ng pagtango.
"Sige ikaw ang bahala, kung saan ka masaya." natawa na lang ako sa sinabi niyang iyon. Nagpa-alam na rin siyang mauuna na kaya sumakay na ako sa isang tricycle.
Medyo nakikita na ang sinag ng araw matapos kong marating ang mansyon. Nag-abot ako ng bayad sa tricycle driver bago ako tuluyang papasukin ng ilang guwardya.
Kilala na nila ako at sinabi kong sadya ko ang senyora. Pinapasok nila ako kung saan nakita ko na si manang rosa na pasalubong sa akin.
"Naku leslie, hija. Bakit ngayon ka lang pumunta dito?" nangiti ako sa mayordoma habang iginagaya ako ni paupo sa mahabang sofa.
"Naging abala po kasi ako, manang rosa. Atsak pa, nag-umpisa na ang klase kahapon. Narito lamang ako para itanong kay senyora flora kung kailan ako mag-uumpisa."
Ngumiti si manang rosa sa sinabi ko. "Bumalik ka na lang dito mamaya, may i-aabot ang senyora sayo. Wala kasi siya dito, may inasikaso lang."
"Ano po iyong ibibigay niya? Baka hindi ko po iyon matanggap."
"Matatanggap mo iyon, alam naman ng senyora na hindi mo kukunin ang pera, kaya mga gamit lamang ang i-aabot niya sa'yo."
Tumango ako habang nakangiti kami sa isa't-isa. Kung hindi pa ako mag-uumpisa sa trabaho. Wala akong kukunin na pera mula sa senyora, nakakahiya naman iyon.
"Narito pa pala si señorito akhiro, tatawagin ko lamang siya at sasabihing narito ka." nais ko pa sanang pigilan si manang rosa ngunit tumayo na ito at mabilis ng umalis.
Hindi ko tuloy malaman sa sarili kung bakit hindi na ako mapakali sa aking kina-uupuan.
**********
to be continued.....