Chapter 17

1600 Words
Leslie Alegria Pov. Tulad na lamang ng sinabi ni alyana, ang pinsan ni akhiro. Sabay nga kaming kumain ng lunch na iyon, hindi ko rin naman nakita si glenda dahil baka may ginawa ito ng mga oras ng tanghalian. Seperadong lamesa ang kinaroroonan namin dahil nasabi ni alyana na baka hindi ako sanay kasabay ang mga pinsan nila. Hindi ako nagbigay imik sa sinabi niyang iyon dahil ang totoo, hindi rin naman ako sanay na kasabay siya ngayon. Ngunit hindi naman din ako ganoon kasama para tanggihan ang tulong niya, dahil din sa kanya ay may naisuot ako ngayon kaya't muli na akong magpapatuloy sa klase. "Sa susunod na apihin ka pa ng babaeng 'yon. Sabihin mo lang sakin, uh? Ako ang bahala sayo." ngumiti ako ng pilit habang nahihiya. Paano ba naman kasi, ang ganda niya at ang kinis. Maayos na maayos ang buhok niya maging ang uniform nito. Nahihiya nga akong makipag-usap sa kanya dahil pakiramdam ko ay hindi ko deserve ang treatment nito sakin. "By the way, i need to go. Mauuna na ako sa'yo." tumango ako, nakangiti pa rin dahil hindi ko nais mabura ang ngiti ko sa harapan niya. Hangga sa maglakad siya palayo sakin ay tinatanaw ko ito, lahat ng kanyang nasasalubong ay nginingitian siya. Sino nga naman ba ang hindi papansinin ang tulad niya. Nang mawala si alyana sa paningin ko, pumihit na rin ako patalikod upang tahakin na ang aming gusali. Tama si glenda, hindi masyadong malayo ang canteen dito sa gusaling ito dahil ang nalalayo lang sa mga architect building ay iyong exit at entrance. Habang naglalakad ako sa pasilyong tahimik, bigla akong natigilan dahil sa hagdan na aakayatin ko ay naroon si akhiro. Nakasandal siya sa ikawalang baitang habang nakataas ang paa nito patalikod. Hindi ko sana nais siyang kausapin kaya't yumuko ako na para bang hindi siya nakita. Muli din akong lumihis ng daan kung saan tutungo ako sa kabilang hagdan upang doon dumaan. Ngunit nakakalimang hakbang pa lamang ako ng biglang matigilan ako. Nahinto kasi ako dahil may humawak sa bag ko, hindi ako makalakad dahil pinipigilan iyon ng taong nasa likuran ko. "Where are you going?" unti-unti ko itong nilingon kahit na sa boses pa lang ay alam ko ng galit siya. Ngunit nagawa ko pa rin ngumiti ng pilit dahil doon yata ako magaling, ang ngumiti kahit hindi makatotohanan. "Nariyan ka pala, akhiro." tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Tuluyan na rin nitong pinakawalan ang aking bag bago nito ipagkrus ang kamay sa kanyang dibdib. "You already saw me, leslie. Huwag ka ng magpanggap pa." nag-iwas ako ng tingin, mapapatikom na lang talaga ang bibig mo dahil wala kang kakayahang magsalita sa harapan niya. "H-hindi nga kita nakita, bat alam mo pa sakin?" natatawa ako kunwari, ngunit wala lang iyon sa kanya dahil mas lalo lang nangunot ang noo nito. "Why did you let that woman hurt you? Hindi ka ba marunong lumaban?" hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Kung sa labanan lang, kaya ko ang babaeng 'yon. Kung hindi ko lamang iniisip na masususpendi ako pag sinapak ko siya, baka kanina pa iyon natutulog. "Ayoko na lang ng gulo, akhiro. Masyado na tayong matanda para sa away.." natawa siya sa sinabi ko, isang ngising nainsulto sa sinabi ko dahil para bang nagkamali ako ng sinagot. "Kung hahayaan mo lang na saktan ka nila, aabusuhin ka nila lagi. You need to defend yourself, leslie." "Gaya ng sabi ko, ayoko ng gulo. Ang mga ganoong pag-uugali ay hindi pinapatulan. Atsaka, pag-aaral ang ipinunta ko dito. Hindi gulo, ayokong biguin ang mga magulang ko dahil lamang sa pakikipag-away." nakatingin lamang siya sakin ngayon habang sinasabi ko iyon. Alam ko'ng wala din akong laban sa ibang bagay kay hazel. Mayaman iyon, maaari niyang gamitin ang kanyang pera para lamang madiin ako sa huli. "Mauuna na ako, kailangan ko ng pumunta sa susunod kong klase." maging ng magpa-alam ako ay hindi na ito nagbigay imik pa. Wala na din namang gaanong studyante dahil tiyak na nasa kanya-kanya na silang silid. Nang makapasok ako sa kwarto, halos kasabay ko lamang ang panibagong professor na magtuturo sa amin. Alam ko ang mga kahulugan ng titig nila sa akin ng maupo ako, sigurado lang na nasaksihan nila kanina ang nangyari sa ginawang pagtatanggol sa akin ni akhiro. Habang nakaupo ako sa pwesto ko, bigla akong kinalabit ng aking katabi na hindi ko naman pansin kanina. Ngumiti siya sa akin ng malingon ko ito at doon ko nakitang pamilyar pala siya sakin. "Hindi mo ako pinapansin kanina." naalala ko na ang kanyang pamilyar na mukha at naalala ko na rin kung saan siya nakita. "Nahuli ako sa klase kanina, hindi na rin kita nakausap dahil masyado kang seryoso." ang binatang kumakausap sakin ngayon at si Diego Bollivar, iyong binata na nakilala ko sa farm ng Calamansi at ang nagbigay ng sumbrero sakin 'non. "Natatandaan mo pa ba ako?" tumango ako, tipid ang ngiti dahil nagtatawag na ng pangalan ang aming professor. Nang tawagin nito ang pangalan ko, naitanong niya sa akin kung bago ba ako o matagal ng enroll. "Bago pa lang po." ani ko sa saktong tinig lamang. Tumango ito bago igaya muli ang paningin sa kabuuan ng silid. Hindi na rin naman nag-usisa pa ang katabi ko dahil matapos ang attendance. Nag-discuss na ang aming professor dahilan upang doon na matuon ang atensyon ko. HALOS buong klase ay nagkaroon kami ng maiiksing quiz. May lecture rin kami at kailangan naming maghanap ng libro ukol sa modern architectures in history. Iniisip ko nga kung may kamahalan iyon o sakto lang, kailangan ko pang magresearch para malaman ang presyon nito. ALAS SINGKO ng hapon ang labas namin. Nakita ko na si glenda na naghihintay sa akin kung kaya't nilapitan ko na ito. Nagtataka pa siya sa aking damit dahil iba na ang suot ko ngayon. "Saan mo nakuha iyang suot mo?" nginitian ko siya bago senyasahang magpatuloy na sa paglalakad. "Pinahiram ako ni alyana, nadumihan kasi ang uniform ko kaninang lunch break." nangunot ang noo nito sa sinabi ko. Hindi ko na rin naman nais pang sabihin ang nangyari dahil ayoko ng isipin pa iyon ni glenda. "Alyana? Del Vega? Iyong pinsan ni akhiro?" tumango ako. "Tinulungan niya ako, siya rin ang nagbigay sa damit na 'to." Tumango tango si glenda habang nakatingin sa akin. "May nangyari bang dapat ko'ng malaman?" umiling ako, pilit pinapakita ang magandang ngiti kahit na sa loob ko ay nais ko ng i-kwento ang pag-aapi ng hazel na iyon sakin mula umaga. "Wala, glenda. Ano ka ba, sasabihin ko naman lahat sayo, atsaka. Walang problemang nangyari, nadapa lang ako at natapon ang baon ko." Napabuntong hininga siya sa inihayag kong iyon. "Mabuti na lang pala at malapit ka sa mga Del Vega. Malaki ang share nila dito, sila na yata halos ang may hawak ng unibersidad eh, kaya ang swerte mo talaga." tipid na lamang akong ngumiti muli. Siguro nga ay masasabi kong swerte ako simula ng makilala ko ang mga Del Vega. Hindi lang sila basta tinitingalaan, mabubuting tao rin pala sila na siyang hahangaan mo. TULAD kaninang umaga, sumakay lamang kami ng tricycle ni hazel kasama ang dalawa pang studyante, di bale. Apat kami sa tricycle na iyon at ang dalawang lalake ay nasa likuran ng driver. Pasado alas singko na ng maka-uwi ako, wala pa sila inang at kassandra dahil mamayang alas sais pa iyon uuwi. Si kassandra kasi ay dumidiretso pa minsan sa pwesto doon sa pamilihan. Minsan naman ay nahuhuli na rin ito ng uwi at ang sinasabi niya kay inang ay may ginagawa lang silang school stuffs about sa course niya. Habang nagbibihis ng pamalit, inilapag ko na muna sa kama ang damit na pinahiram sa akin ni alyana dahil balak ko iyong labhan pagkatapos kong magluto. Sana ay matuyo na lamang iyon agad para maibalik ko sa kanya bukas, kahit naman sinabi niyang sa akin na iyon ay ibabalik ko pa rin ang damit na 'yon sa kanya bukas. Nakakahiya. ALAS SAIS nga ng dumating sila inang, dumiretso na sila sa sala at doon nagpahinga. Kakasalang lang din naman ng baboy dahil iyon ang lulutuin ko, dahil nagtitinda sila sa palengke. May ref na nakalaan sa kusina para sa ilang stocks sa bahay, hindi ko na rin kailangan magtanong pa kung anong ulam dahil sa akin na iyon hinabilin ni inang. Basta sila ay kakain na lamang matapos 'non ay magpapahinga. Makalipas ng kalahating oras, dumating na rin si amang na ngayo'y medyo pagod mula sa pamamasada. Pinapalambot ko na lamang ang aking niluluto habang nakababad ang damit ni alyana sa banyo. Nakita ko'ng naupo si amang sa tabi ni inang na ngayo'y hawak ang batok niya. Nais ko sanang sabihin kay amang ang tungkol sa librong pinabibili sa amim ngunit nag-aalinlangan ako. "May project po pala kami, amang." nakatayo ako sa pinto ng kusina habang nakatingin kay kassandra. Iyon ang sinabi niya matapos nitong tumabi kay amang. "Talaga? Tungkol saan iyon?" "Group project iyon, medyo magastos nga lang kaya kailangan ko ng limang daan.." tumango si amang sa sinabing iyon ni kassandra. Agaran din niyang kinuha ang kanyang bag kung saan naroon ang mga kita niya sa pamamasada. "Galingan mo sa pag-aaral, baka sa susunod pang apat na taon ay magkaroon na ako ng nurse na anak." Nag-iwas na lamang ako ng tingin at walang imik na pumasok ng kusina. Hindi ko alam kung bakit umaasa pa ako na sasabihin sakin ni amang na darating din ang araw na magiging mahusay na architect ako. Natawa ako bago maluha sa samut-saring emosyon na aking nararamdaman. ********* to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD