Huh? Feeling ko lang ba? O, talagang ang weird ng mga tao sa paligid ko today? Kunot ang noong naisip ni Louise habang pinagmamasdan niya ang mga kaibigan na abala sa kaniya-kaniyang gawain sa Angel's Club headquarters. She find it weird kasi kahit anong patawa niya at daldal sa mga ito ay parang wala lang sa mga ito. Except of Anna na hindi napigilang tumawa sa joke ni Louise pero balik din agad sa pagkaseryoso sa ginagawa nito sa laptop. Sinubukan niya rin na makigulo sa mga lalaking members na nag-aayos ng mga stocks na groceries na ire-repack nila para ipamigay sa mga orphanage. Pero kagaya ng mga babae na members at mga kaibigan niya ay tipid na ngumiti lang sa kanya ang mga ito saka seryosong ipinagpatuloy ang mga ginagawa nila. At ang mas weird ay hindi nagalit si Zoe nang tuks

