Goodbye America and Welcome back to the Philippines ang peg nina James at Louise. Hindi na sila nagpasundo sa mga kaibigan dahil they decided na dumiretso muna sa Angel's Club headquarters bago umuwi sa kani-kanilang bahay. At hindi nila inaasahan ang madadatnan. "Welcome back, Louise and James!!!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito, with matching saboy pa ng mga confetti sa dalawa. "Wow!" Shock na react nina James at Louise. "Baka sabihin niyo hindi namin kayo pinaghandaan, eh. Here, nag-bake pa kami ng cake para sa inyo," Zoe said, hawak ang isang cake. "Uy, 'te! Binili natin iyan. Hindi tayo ang nag-bake niyan, ano!" pambubuko agad ni Mimi. "Bunganga mo talaga, no?" hindi maipinta ang mukhang baling ni Zoe kay Mimi. "Kayo talaga! 'Yan ang na-miss ko, eh. Group hug nga tayo!" Louise

