"Is this for real? Magdi-date tayo na tayo lang talagang dalawa? As in hindi kasama ang pinsan mo? Walang asungot?" hindi makapaniwala at sunod sunod na tanong ni Louise sa boyfriend ng ayain siya nitong lumabas. "Yes, for real, hon. Tayong dalawa lang ang lalabas. Para naman makapag-date tayo, ng tayo lang bago tayo bumalik sa Pinas. Kaya naman, mag-ayos ka na, okay? Hintayin kita sa baba," nakangiting sagot ni James sa girlfriend. "Eee!!! Yes! Masosolo rin kita sa date natin. Wait! Mag-aayos na ko!" Nagmamadaling hinagilap ni Louise ang mga gamit niya. "Okay. I'll go ahead. Take your time, hon. Easy, 'wag masyadong excited." Natatawang sabi ni James habang palabas ng pinto. "Siyempre excited ako, no! Magbihis ka na rin, dali!" pagmamadali ni Louise sa binata. Natatawa na lang na tu

