"Huwag mong sabihin na magpapaapekto ka sa mga pinagsasabi ng Paminta na 'yon?" mataray na tanong ni Zoe kay Louise. Kasalukuyan niya kasing kausap ang mga kaibigan thru video call. At nai-kwento na niya sa mga ito ang nangyari sa party. "Oo nga naman, Louise. Hindi ka nagpakahirap magpapayat at umiwas sa mga Bad influence mong mga kaibigan, para lang magpatalo sa Pepper na 'yon," sabi naman sa kanya ni Maricar. "At tsaka ikaw ang mahal ni James. Kahit maglupasay pa siya sa harapan ni James, wala siyang magagawa dahil ikaw ang mahal. Hindi siya!" halatang inis din na sabi naman ni Mimi. "Tama sila. Kaya cheer up na, okay? Hindi naman hinayaan ni James na masira niya ng tuluyan ang gabi niyo 'di ba?" console ni Anna sa kaibigan. Napahinga ng malalim si Louise. "Tama kayo. Ipinagtanggo

