New year's eve. At napagdesisyunan ng lahat ng kamag-anak nina James na sa hotel ganapin ang New year's eve partyeunion ng pamilya nila. Kaya naman, Louise need to be in at best. Dahil bukod sa gusto niyang makuha ang loob ng mga kamag-anak ni James, ayaw niya rin na mapahiya ang binata kapag ipinakilala na siya nito mamaya sa mga kamag-anak nito. Gabi pa ang party pero hapon pa lang ay naghahanda na siya para rito. "Sa tingin niyo, okay na itong isusuot ko mamaya sa party?" tanong ni Louise sa ka-videocall na mga kaibigan. Habang ipinapakita sa mga ito ang isinukat na damit. "Hindi. Ang pangit!" walang gatol at walang emosyon na sagot ni Zoe. "Grabe siya! 'Wag kang makinig diyan kay Ate Zoe. Maganda 'yang dress mo. Bagay sayo," matinong sagot ni Anna. "Sigurado kayo?" naniniguradon

