"You really remind me of James Mom, hija," nakangiting sabi ni Mr. Cruz kay Louise. Nasa kusina sila at kasalukuyan niya itong ipinagluluto. Dahil nami-miss na raw nito ang luto ng asawa. Pressured man na baka hindi niya mapantayan ang luto ng Mommy ni James, ay sinubukan pa rin ni Louise para mapasaya ang future Father-in-law niya. Siyempre wala na siyang balak pakawalan pa si James. "Siguro po sobrang galing magluto ng asawa niyo, ano?" tanong dito ni Louise. "Yes, she's the best in cooking for me," with so much love na sabi ni Mr. Cruz. Halatang mahal na mahal pa rin nito ang asawa kahit matagal na itong wala. "Naku! Baka po hindi ko mapantayan ang galing niya. Kaya sa ganda na lang po siguro kami magkatulad," idinaan na lang ni Louise sa biro ang kaba. Pinagdadasal niya na lang na

