Na-mesmerize si Louise sa boses ni James. "Grabe lumipad na yata sa kalawakan ang utak ng babaeng ito," mahinang sabi ni Mimi. "Sinabi mo pa. Hello! Louise, nasa earth ka pa ba?" bulong ni Anna sa tenga mismo nito. "Ano ba! 'Wag kayong magulo riyan!" Hindi ito natinag sa pagtitig kay James. "Naku! baka matunaw na siya niyan sa titig mo, ha," pabulong din na sabi ni Maricar. "Nakaka-in love naman kasi ang boses niya, eh. Ump!" natakpan bigla ni Louise ang bibig niya sa nasabi niya. Buti na lang hindi narinig ng iba lalo na ni James. Tumawa naman ng mahina 'yung tatlo. "Okay. Tama na. Baka may masyado nang ma-in love sayo," Si Zoe sabay paikot ulit ng bote. Kontrabida talaga 'to! Gusto ko pang marinig kumanta si James, eh! Maktol ni Louise sa isip niya. "Oo nga. Nai-inlove na

