Chapter 15: Torture na Diet

1461 Words

"Susuko ka ba o lalaban?" Ayan ang bungad ni Zoe ng magkita-kita sila kinabukasan. "Anong sinasabi mo riyan, Te?" nagtatakang tanong ni Louise. "Ang slow lang?" Si Mimi. "Lalaban ka ba raw sa Pepper na 'yon o susuko na kay Papa James," paliwanag ni Anna. "Tsk! Ano namang laban ko sa Pepper na 'yon?" nakasimangot na tanong ni Louise sa mga kaibigan. "Wala!" walang gatol na sabi ni Zoe. "Ha!Ha! Ang hard mo naman, Sis!" hindi napigilang tumawa ni Maricar. "Wala naman talaga, Te. Katawan pa lang at kutis, eh," pang-aasar pa ni Mimi. "Makapagsalita naman, 'to. Akala mo siya payat," bawi naman ni Louise kay Mimi. "Atleast hindi mo ko kasing laki," banat pa ulit ni Mimi. "Tse!" "Ha!Ha! Bagay sa inyong dalawa 'yung naisip ni Ate Zoe," Si Anna. "Ano na namang naisip mo, Te?" tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD