CECIL “This project is a vital step towards easing traffic congestion and enhancing connectivity across Metro Manila…” Nakangiti ako habang pinapakinggan ang pagsasalita ng government official dito sa ginaganap naming groundbreaking ceremony para sa bagong project na gagawin ko. Sa totoo lang ay kabado ako dahil ito ang kauna-unahang malaking project na gagawin ko kasama ang Mijares Trine. Pero dahil masyadong supportive si Jonas ay nakakalimutan ko ang kaba at napapalitan ng excitement. Hindi ganun karami ang umattend sa groundbreaking ceremony pero nakakakaba pa rin dahil sa presensya ng media. Nang natapos ang ceremony ay hindi rin kami agad nagtagal sa site at bumalik na sa Trine. Alam kong busy rin si Jonas sa project niya pero sinamahan niya pa rin ako ngayong araw kaya hindi ma

