CECIL “Jonas!” Mariing napamura ako nang bumitaw si Jonas sa hawak ko at saka mabilis ang mga hakbang na sinugod si Kross at sinapak! “Oh, my God!” Halos sabay kaming napasapo ni Orla sa bibig matapos suntukin ni Jonas si Kross! May dugo ang gilid ng labi niya kaya agad kong nilapitan si Jonas para awatin! “I gave you six fūcking months to get married! January 1 ka pa talaga nagpakasal, huh? Gusto mo bang buong taon na putok ang labi mo sa akin?” Gigil na bulalas ni Jonas. Kinagat ko ang ibabang labi at hindi sumubok na awatin siya. Nangako ako sa kanya na hahayaan ko siyang suntukin si Kross pero hindi ko akalain na ngayon mismo niya susuntukin kahit kakarating lang nila galing sa airport! Nang mapatingin ako kay Orla ay tumaas ang kilay ko nang hindi niya man lang nilapitan si Kros

