CECIL Kanina pa ako napapalingon kay Jonas. Birthday ni Mommy Suzy kaya pupunta kami sa Cordova Farm Hills dahil doon siya mag cecelebrate ng birthday. “What’s with that stare? May gusto ka bang sabihin?” tanong niya nang sa wakas ay napansin ang ginagawa kong paninitig. Humalukipkip ako at tumingin sa kanya. “Is anything gonna happen today except for Mommy Suzy’s birthday?” Hindi na nakatiis na tanong ko. Noong nakaraan ko pa nakikita si Kross na nakikipag usap sa kanya ng palihim kaya malakas ang kutob ko may iba pang mangyayari ngayon bukod sa birthday ni Mommy! “I’m not telling you anything, Cecil. Stop asking, please?” Sambit niya. Hindi ko na tuloy napigilan ang tawa ko kaya kunot ang noo na nilingon ako ni Jonas! “Hindi ka talaga pwedeng maglihim sa akin, Jo. Kilalang-kilala ki

