JONAS “Kung balak mong pakasalan agad si Orla, you still have six months to do that, Kross. Baka sa susunod na taon ka pa mag decide kung kailan ko papakasalan si Cecil? Babasagin ko mukha mo.” Tiningnan ko ng mariin si Kross. Nalaman ko kay Cecil na balak na niyang mag propose kay Orla pagkatapos nitong mag-take ng board exams. Kakatapos pa lang na magpakasal ni Kuya Apollo kaya hindi pa ako pwedeng magpakasal ngayong taon. Kung hindi pa siya magpapakasal ngayong taon ay siguradong makikipag unahan na naman sila sa amin ni Cecil kaya ngayon pa lang ay pinapaalalahanan ko na siya. “Depende kasi kay Orla kung gusto na niyang magpakasal agad–” “Then don’t get married until next year!” Mariing bulalas ko at saka pinakita sa kanya ang nakakuyom na kamao ko. “Or else you’re gonna talk to my

