CECIL Pagdating namin sa Cresta De Gallo ay agad na nagtayo ng tent ang mga boys. Ako, si Orla at si Thea ay inuna ang mag picture sa paligid. Kasama rin kasi ang pagkuha ng pictures at videos para sa documentary ng gagawin naming team building. Ang ilang activities na dapat sana ay gagawin namin dito kagaya ng snorkeling ay hindi available kaya nag-suggest ng ibang activity si Thea. “Halos lahat naman tayo marunong mag volleyball ‘di ba?” tanong niya. Tumango ako kaya sinama na niya yon sa isa sa mga gagawin naming activity dito. “Include raft racing,” sambit ni Orla at saka tinuro ang isang grupo ng mga kababaihan na malapit ang tent sa amin. “Masaya yan!” Nakangising sambit ko. Nang natapos ang boys sa pagtayo sa mga tent ay kumain na muna kami ng lunch. Dahil first day pa lang nam

