CECIL Nang nasa Bonbon Beach na kami ay may mga mangilan-ngilan na rin na tao na mukhang nauna na sa amin dito. Napangiti agad ako nang matanaw ang karagatan. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakapunta sa beach na nag-enjoy talaga ako. Noong birthday ko ay hindi ako nag-enjoy dahil kasama ko sina Mommy at Daddy. Mas priority kasi nila ang makausap ang mga possible investors kesa ang mag enjoy noong birthday ko. Madalas ay mga kaklase at kaibigan ko lang ang nakakasama ko sa pagpunta sa mga beaches dahil palagi naman na wala dito sa Pilipinas sina Mommy. “Jo, ibaba mo na ‘ko! Bilis!” Naiinip na utos ko sa kanya dahil kahit nakarating na kami dito ay mukhang ayaw niya pa rin akong ibaba! “Alright. But don’t run, Cecil… f**k! Ang tigas ng ulo!” Pagkababa na pagkababa sa akin

