CECIL “Gusto ko sanang mag swimming!” Tiningala ko si Jonas habang naglalakad na kami pabalik sa hotel. Tumingin naman siya sa akin at saka nanliit ang mga mata. “Masyadong maraming tao sa beach. Sa hotel ka na lang mag swimming,” sambit niya. Kumunot ang noo ko at saka tinitigan siya. “Sure kang papayag ka na mag swimming ako mamaya sa hotel, huh, Jonas?” Hamon ko. Masyado siyang conservative pagdating sa akin kaya parang ayaw kong maniwala na papayag siyang mag swimming ako sa hotel mamaya! “I said it already, Cecil,” sambit niya. Ngiting-ngiti na nagpatuloy ako sa paglalakad. May nadaanan kami na nagtitinda ng barbeque sa daan kaya nagyaya si Kross doon. Pero paglapit namin ay hindi lang barbeque ang mga tinda kundi may iba’t-iba pa na nakalagay sa stick. “Is this what skewers lo

