Keehana “A-Al,” naisambit ko nang lapitan nito kami ng mga kapatid ko. Binuhat nito si Lanie na humihikbi bago balingan ang kasambahay niya na halatang natakot. “I said, leave! Leave my house!” bulyaw nito sa babae na napaiyak bigla. Natulala ako sa lalaki at marahang napalunok. Kita at ramdam ko ang galit nito sa kasambahay niya kaya naman nakaramdam ako ng pagkabahala. “Al,” pukaw ko rito at humawak sa braso nito ngunit hindi niya ako pinansin. Nang umalis ang babae na umiiyak ay tinuyo nito ang luhaang mukha ng kapatid ko bago ako balingan. “I’ll talk to you later, sweetheart. For now, continue what you are doing in the kitchen, hmm?” Wala sa sariling tumango ako rito at hinayaan itong halikan ako sa noo. Inakay ako nito papasok sa kusina bago ito magtungo sa kung saan, bitbit

