bc

Love and Obsession

book_age18+
541
FOLLOW
2.2K
READ
dark
submissive
powerful
police
student
bxg
realistic earth
first love
mpreg
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

HIS LOVE, HIS OBSESSION

Keehana Louise and Alfonso Montehermoso

Pinaniwala si Keehana Louise na isang negosyante lamang ang lalaking aksidente niyang nakuha ang buong atensiyon. Ang hindi niya alam, nagmamanman na pala ito sa ina niya na wanted na sa lugar nila upang dakpin. Ngunit hindi lang ang ina niya ang gustong bantayan ng pulis, dahil pati siya ay tinrabaho nito. Alam ng lalaki ang kahinaan niya kung kaya't sinilaw siya nito sa karangyaan, hanggang sa hindi niya na namamalayan na ang buhay na tinatahak niya ay papunta na pala sa kapahamakan.

Papaano pa nga ba siya makakaalis sa bisig nito kung markado na siya nito at nagbunga na ang pagpapa-uto niya rito? Papaano niya pa maisasalba ang sarili niyang ina na ayaw niyang papanagutin sa batas, kung ang lalaking umangkin sa kaniya ay isa palang alagad ng batas?

WARNING: Mature content. Read at your own risk.

NOTE: You can read the full story of Love and Obsession on n*****h, StoryOn, and f*****l.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana "KAKAIN NA po ba tayo, Ate? Uy!" Napaigtad ako nang may humampas sa balikat ko. Nilingon ko iyon. "Tania naman, masakit kaya," reklamo ko. Totoo naman. Mabigat kasi ang kamay niya. "Lah! Ngayon ka pa po nagreklamo! Tumayo ka na po kasi riyan, Ate! Gutom na ako, e!" reklamo nito at dumapo pa ang kamay sa tiyan nito. Tsk. Iba talaga ang ugali ng kapatid kong ito. "Oo na, sandali lamang," sambit ko at hindi na tumingin pa rito. Ipapasa ko na mamaya ang proyekto namin, patapos na rin naman ako. At saka may exam pa kami mamaya. Kailangan ko pang mag-review nito... "Mama!" Napapikit ako nang may tumili sa likuran ko. Si Melanie Louise na pinakabunso sa aming magkakapatid, limang taong gulang pa lamang. Ako ang tinatawag niyang Mama dahil malapit talaga kami sa isa't isa. At isa pa ay hindi na siya naaalagaan ni Mama nang maayos minsan dahil sa trabaho nito sa bar. At gustong-gusto ko rin namang tinatawag niya akong Mama. Napahinga ako nang malalim at saka siya binalingan. "Lanie, gusto mo ng milk?" paglalambing ko sa kaniya nang pagpantayin ko ang mukha namin. Tumango ito at yumakap sa leeg ko na ikinatawa ko. Dumeretso ako sa kusina namin na hindi kalakihan at konti na lang ay bibigay na. Napahinga akong muli nang malalim at pina-upo muna si Melanie sa tabi para makapagluto ako nang maayos. Nagugutom na rin kasi ako dahil hindi pa ako nag-aalmusal. May limang itlog pa naman na natitira at tamang-tama iyon para sa amin. Nag-init din ako ng tubig para sa gatas ni Melanie. Nang matapos ako sa pagluluto ay binalingan ko ng tingin si Melanie na nakatunghay lamang sa akin, habang may nakapaskil na maliit na ngiti sa labi. Tuloy ay nahawa ako sa ngiti nito. Si Lanie-ng bungi ay nakangiti... "Ang Mama ko talaga, napaka-ganda kahit saang anggulo!" pumapalakpak na anito. Ngumiti ako sa kaniya lalo at saka marahang pinisil ang pisngi nitong namumula. Nalahian kasi ito. Sa pagkakatanda ko ay isang Koreano ang lalaking nakabuntis kay Mama noon kay Melanie. "Talaga? Maganda ako?" ngingiti-ngiti ko ring tanong rito. Tumango ito na ikinaluwang ng ngiti ko. Napahinga ako. "Ang bait talaga ng baby ko!" Pinisil ko ang pisngi nito dahil sa ka-cute-an nito. "Mama, para po kayong angel. Tapos sexy pa. Gusto ko pong maging katulad ninyo paglaki ko po," inosenteng wika nito na ikinatawa ko. Hinaplos ko ang buhok niya na palagi kong ginagawa sa kanilang magkakapatid. Kasing kulay ng dilim sa gabi ang buhok nito, at makintab pa na tila pinahiran ng mantika. Tumawa akong muli. "Sige, sige. Tawagin mo na ang mga ate at kuya mo para makakain na." Hinalikan ko muna ito sa noo bago maghanda ng pinggan. Natawa pa ako nang marinig ko ang tili nito. Mayamaya lamang ay nakarinig na ako ng mga yabag papalapit dito. "Good morning, 'te!" sabay-sabay na bati ng mga maliliit kong kapatid. Bumati rin ako pabalik at sinenyasan sila na maghugas ng mga kamay. At pagkatapos ay sabay-sabay kaming naupo sa sahig. Wala naman kaming matinong lamesa kaya nagtitiis muna kami sa sahig. Ang pera ni Mama ay nagkakasya lamang para sa pagkain namin. Kaya minsan ay suma-side line ako dahil gusto kong mapaayos itong bahay namin. Napatigil ako sa pagsubo at pinagmasdan ang mga kapatid ko. Lima kaming lahat. Ako ang panganay at malapit na akong mag-twenty years old, pangalawa si Tania, labing-lima pa lamang siya. Sumunod naman ay si Owen, sampung taon. Si Nadine na pang-apat ay siyam na taong gulang. At ang panghuli ay si Melanie na limang taong gulang na. May dadagdag pa nga sa amin na isa. At nasa sinapupunan pa ni Mama. Iba-iba ang tatay namin. 'Yong iba kasi na foreigner ay pinangakuan si Mama na pakakasalan siya pero iniwan din naman pala nang magdalang-tao si Mama. Pero kahit na ganoon ay nagkakasundo pa rin kami ng mga kapatid ko dahil mahal na mahal namin ang isa't isa. Isang Danish ang tatay ko, ayon na rin kay Mama. Pagkatapos kasi nitong buntisin si Mama ay nawala na lamang ito bigla nang ipagtapat ni Mama na buntis na siya. Wala na rin namang kaso sa akin 'yon sapagkat wala na akong pakialam sa tatay ko. Basta ay masaya ako na kasama ko ang Mama ko na mapagmahal. At ang tungkol naman kay Lanie, dalawang buwan nang buntis ang Mama noon nang may mag-alok sa kaniya na babae na aaampunin daw nito si Lanie. Sasagutin daw ng babae ang pangangailangan ni Mama pati na ang bayad sa hospital, kapalit nito ay ang kapatid ko, si Melanie. Hindi ako pumayag noon dahil mas okay sa akin na sama-sama kami kahit mahirap lang kami, kaysa ipamigay ang walang muwang kong kapatid. Kaya ko namang maghanap-buhay, e, 'wag lang na may lumayo na isa sa amin. Mula noon ay inangkin ko nang anak ko si Lanie, wala naman daw problema kay Mama 'yon. Basta masaya ako-kami. At hindi ako nagsisisi sa desisyon kong 'yon dahil talagang masaya ako ngayon. "Mama, subuan ninyo po ako!" Nakangusong kumandong sa akin ang kapatid ko. Hinalikan ko muna siya sa pisngi at saka sinubuan ng pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna sila saglit, ako naman ay tinapos na ang gawain at nag-review, bago ko napagpasyahang maligo. Maaga ang pasok ko ngayon. Alas ocho ang pasok ko, maaga lang talagang nagigising ang mga kapatid ko para sabay-sabay kaming kumain... "ASIKASUHIN MO mamaya ang mga kapatid mo, Tania, a? Naroon at nakapatong sa tabi ng kalan ang baon ninyo. Mag-iingat kayo rito habang wala ako at si Mama, ha?" Tinirintas ko ang buhok ko para hindi ito maka-sagabal mamaya sa school. May exam kasi kami mamaya at hindi ako maaaring maabala ng buhok ko. Isinukbit ko sa balikat ko ang bag ko. Pinagmasdan ko pa ang mga kapatid ko na naglalaro sa cellphone ko. Naghihiraman naman sila kaya walang problema sa akin 'yon. At saka mamaya pa ang pasok nila. Tanghali pa. Kaya kampante ako. "Opo, Ate. Ako na po ang bahala sa kanila," ani Tania habang ang atensiyon ay nasa cellphone. Dikit-dikit sila kaya naman natawa ako. Hinalikan ko muna sila sa ulo bago lumabas ng bahay. Bitbit ko pa ang bagong gawang proyekto ko na ipapasa mamaya. Nang makalabas ako ay agad akong nagpara ng tricycle. Medyo may kalayuan pa ang school namin mula rito sa bahay kaya mahuhuli ako sa klase kung hindi ako sasakay. Naupo ako at nagbayad agad para sa espesyal na sakay. Wala naman kasing sasakyan dito na ang biyahe ay madadaanan ang school ko dahil medyo tago iyon, kaya kailangan ko ang mag-espesyal. "Magandang umaga sa iyo, magandang dalagita sa aming lugar. Kumusta na, papasok ka na naman, a? Sipag talaga." Napaigtad ako sa nagsalita. Sinilip ko ang driver at napamaang ako nang makita kong si Oliver iyon, ang makulit na tricycle driver na palagi akong ginugulo, ngunit naging kaibigan ko naman. Anim na buwan na rin simula nang magkakilala kami kaya madalas ay kinukulit na ako nito. "U-Uy, ikaw pala iyan, Oliver. Magandang umaga rin sa 'yo. Oo, may pasok pa kasi kami ngayon, pero pagkatapos nitong exam namin ay wala na kami gaanong gagawin. Malapit na ang bakasiyon, e." Tumawa ito sa sinabi ko at pina-andar na ang tricycle. "Naku, mabuti ka pa ay nakakapag-aral. Ilang taon na lang ay magiging teacher ka na. Ako nga ay hindi ko pa rin alam kung paano ako makakatulong nang malaki kay ina. Kinukulang na kasi talaga ang kita ko rito sa pamamasada lalo't may sakit na si itay..." Nauunawaang tiningnan ko ito. At saka nginitian nang masuyo. "Kung may kakayahan lang ako na pautangin ka ay gagawin ko, kaso wala rin akong pera, e. Kung ang gusto mo naman ay makapag-aral, subukan mong humingi ng tulong kay gov. Montehermoso, iyong si Ma'am Kirsten. Balita ko ay marami iyong tinutulungan na mga tao na hindi nakakapag-aral. Nag-o-offer sila ng mga vocational course nang libre sa kahit na sino. Naku, sobrang bait ng mga Montehermoso-ng iyon!" masayang wika ko dahil talaga namang mababait ang pamilyang iyon. Sabi ni Mama noon ay nakita niya na raw nang personal si Ma'am Kirsten at napakabait daw talaga niyon, pati na ang asawa nitong dating hepe ng kapulisan namin dito. Ngunit palagi raw itong nasasangkot sa mga isyu, lalo na't ang pamilyang pinanggalingan nito ay dating mga namumuno rito sa probinsiya ng Iloilo, at pati sa Iloilo city. Sabi pa ni Mama ay talagang kurakot daw ang pamilyang pinanggalingan ng gobernadora, pero natapos na rin iyon nang makulong ang lahat ng may sala. At ang kinamamanghaan ko sa kuwento nila ay dahil ang mismong asawa nito ang nagpakulong sa mga kamag-anak ni gov, nagtulungan ang dalawa para matapos ang suliranin sa buhay nila. Kaya ngayon ay napaka-unlad at maganda na ang lugar namin, idagdag pa ang kapayapaan dito. "Talaga? Sige, susubok ako mamaya. Para naman hindi ako kahiya-hiya kapag magkasama tayo minsan," anito na ikinakunot ng noo ko. Bakit naman kahiya-hiya kapag magkasama kami? Wala namang problema roon, a. Napailing na lamang ako at iwinaksi iyon sa isipan. "Sige, good luck sa iyo mamaya, a? Ipagdarasal kita." Ngumiti ako na ikinangiti rin nito. "Salamat, Keehana-ng maganda." Tinawanan ko lamang ito... Nakarating ako sa iskuwelahan kaya nakahinga ako nang maluwag. Nagpaalam na ako kay Oliver at saka kumaripas ng takbo papasok. Agad akong pumasok sa room namin at naupo sa unahang bahagi. "Si Keehana, o! Keehana malandi!" Napaiwas ako ng tingin sa mga kaklase ko nang kantiyawan na naman ako ni Marco. Isa sa mga napakaraming bully rito. Nagtawanan silang lahat. "Lagot ka, Marco. Baka umiyak ang crush natin niyan!" Tumingin ako kay Randy nang sambitin niya 'yon. Nakangisi silang lahat sa akin kaya umiwas ulit ako ng tingin. Sila ang ka-grupo ni Marco na palaging nambubully sa akin. Marco, Randy, Carlo at Dany. Palibhasa ay nag-a-adik. "Kilabutan ka nga, Rand. Hindi ako napatol sa pokpok!" tatawa-tawang sambit nito kaya napatikhim ako na ikinatahimik nila. "Hindi rin ako napatol sa adik," nakasimangot kong ganti rito. Para kahit papaano ay mawala ang bigat sa dibdib ko. Nakakainis kasi ang mga pambubulas nila sa akin. Palagi na lang. Hindi ko naman inaano. "Woah!" Nang mapatingin ako sa kaniya ay nawala na ang ngiti niya. Nagtawanan na naman ang mga kaklase ko, tila tuwang-tuwa pa na may nag-aaway. Nilapitan niya ako at ambang susuntukin nang awatin siya ng tatlo niyang ka-tropa. "Par, babae 'yan," sambit ni Dany habang hinihila palayo 'yong adik na si Marco. Lahat sila ay adik pero mas malala ang tama nitong Marco na ito. Bahagya pa akong umatras at tinigasan ang ekspresyon, kahit pa aaminin kong kinabahan ako rito. Papaano na lang kung hindi ito naawat ng mga kaibigan niya? Ayoko namang masuntok sa mukha, ni ang ina ko nga ay hindi ako sinasaktan. "Sinabihan niya akong adik, par! Ang kapal ng mukha niya!" nanggagalaiti nitong sumbong kaya napasimangot akong muli. Binalingan ulit ako nito ng tingin. "Nakita mo na ba ako na gumagamit ng drugs, ha? Gaga kang babae ka, a!" "Nakita mo na rin ba akong lumandi, ha?" patol ko sa ka-abnormal-an nito. Akala ko ay papatulan pa ako nito, mabuti na lamang at dumating agad si Ma'am. Pinasa naming lahat ang proyekto para sa una naming guro at saka nag-exam na. Dalawang araw ang exam namin dito at ito ang unang araw namin. Pagkatapos nito ay wala na kaming gagawin masiyado kaya makakapagpahinga na rin kami. Hanggang sa matapos ang oras namin ay panay ang tingin sa akin nang masama ni Marco. Hindi ko na lamang siya pinansin at baka lumala pa ang galit niya sa akin. Ewan ko ba riyan sa kanila kung saan nila napulot ang pang-asar nila sa akin na pokpok at malandi. E, hindi naman ako nagpu-puta. Oo't alam ko na iyon ang trabaho ni Mama, pero hindi naman ibig sabihin niyon ay ganoon din ako. Napailing tuloy ako. Ang tatanda na nila pero ganoon pa rin ang asal nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
189.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
41.2K
bc

Daddy Granpa

read
279.9K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
52.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
249.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook