Kabanata 25

3108 Words

Keehana Tulad ng sabi ni Al, pagsapit ng Linggo ay inaya kami nitong magtungo sa dati naming bahay ng mga kapatid ko. Isinama namin si Melanie na panay ang lambitin sa leeg ko at kay Al. Namimilog na ang katawan nito dahil sagana sa pagkain lagi. Puro laro lang ang inaatupag. “Pupunta po tayo sa bahay namin, Kuya?” tinig ng paslit na nakaupo sa likod. Kay gara ng suot nitong bestida na binili pa ni Al sa aking amo—sa kaniyang kapatid. Minsan, nakakatakot isipin na ang laki na ng nagastos nito para lamang sa aming magkakapatid. Mula sa mga gamit, pagkain, hanggang sa mga gadget. ’Yong mga bagay noon na kay hirap makamtan, tipong kailangan pa naming maghirap nang husto bago makuha, ngayon ay nakukuha namin sa isang kisap ng mga mata. Kung sakaling naging isa akong mukhang pera o gol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD