Kabanata 16

2275 Words
HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Napamaang na lamang ako rito, ngunit bumaba pa rin ng sasakyan. Suot-suot ko ang sumbrerong itim upang kahit papaano ay maitago ko ang sarili. Hinawakan ko ang mga kamay ng bata pagbaba namin ng sasakyan at pumasok sa school. Takaw masiyado ng atensiyon ang pagpasok namin dahil sa lalaking kasama namin. Siguro ay dahil sa tangkad nito at alindog. Hindi ko rin sila masisisi. Inihanda ko ang mga dokumento na dala ko at in-enroll silang lahat doon. Napagpasyahan ko na ring ipasok doon si Melanie na nakapagtapos na ng kinder noon, ngunit dala ng kahirapan ay hindi nito naituloy agad sa elementarya. Tuloy ay tuwang-tuwa ang bata na buhat-buhat ni Al. Napangiti na lamang ako dahil sa tuwa nito. Matapos naming i-enroll ang mga bata ay nagtaka ako nang i-deretso kami ng lalaki sa isang restaurant na wala gaanong tao. Nang ilibot ko ang tingin ay halatang mamahalin. Nahigit ko tuloy ang hininga at tinangkang pigilin ang lalaki, ngunit isang estrangherong lalaki ang lumapit sa amin na naging dahilan ng pagkatigil ko. “Long time no see, bro. Ilang buwan lang tayong hindi nagkita, pamilyado ka na,” birong bungad nito kay Al na tinawanan lamang ng huli. Ramdam ko ang bahagyang paghigpit ng hawak sa akin ni Al sa kamay na ikina-angat ko rito ng tingin. “Hindi pa ako pamilyado pero malapit-lapit na, Leonel,” ngising anito bago ako sulyapan. “By the way, she’s Keehana. Keehana, si Leonel. One of my friends and the owner of this restaurant,” dagdag nito kaya nahihiyang ngumiti ako sa lalaking kaibigan nito. Matapos naming magbatian ay pinaupo kami nito sa upuan at inabutan ng menu. Pinapili kami roon ni Al habang kausap nito ang kaibigan. “So, kumusta ang buhay natin, colonel?” “Heto, masayang-masaya at nakukuha ko na ang mga gusto ko.” Dinig ko ang mahinang halakhak ng lalaking Leonel ang pangalan. “Good for you, pare. Sana lang ay hindi ka gumagawa ng kalokohan sa kaniya. By the way, balak mo na bang dagdagan agad ang mga apo nina Tita at Tito?” Nag-angat ako ng tingin kay Al matapos makapili upang sabihin sana rito. Pero hindi ko alam kung bakit nakatitig na naman ito sa mukha ko habang naglalaro ang kakaibang ngisi sa labi. “Kung puwede, bakit hindi? But you know what, it takes time. Hindi ko naman maaaring sunggaban at lapain agad at paiyakin, baka matodas ako nito ng batas,” anito na hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila. Huminga na lamang ako nang malalim at binalingan ang mga kapatid ko na namimili ng kakainin nila. Matapos nilang makapili ay in-order iyon ni Al kaya nagpasalamat ako rito. Binalingan ko na lamang ang salaming pader ng restaurant habang naghihintay. Padilim na rin ang paligid na ikinahinga ko nang malalim. Sa hindi inaasahan ay sumagi bigla sa isip ko sina Mama at Oliver. Dahan-dahan akong natigilan dahil tiyak na hinahanap at nagtataka na iyong kaibigan ko kung bakit bigla na lamang akong naglaho sa lugar namin. Hindi ko rin alam kung nasaan na ngayon si Mama at wala pa ring paramdam. Sana lamang ay maging maayos ang panganganak niya. Pagdating ng mga pagkain ay nilantakan namin iyon. Nag-share lamang ng pagkain si Lanie at Al dahil hindi naman mauubos ng bata ang pagkain. Tila ba tinunaw ng tanawing iyon ang puso ko, dahilan upang mag-iwas ako ng tingin sa lalaki. Pansin ko pa na napapalapit na ang loob nilang dalawa. Kahit pa ang dalawa kong kapatid na sina Tania at Nadine ay malapit na rin sa kaniya, maliban kay Owen na ayaw sa lalaki. Iyon lamang ang ginawa namin hanggang sa dumilim nang tuluyan ang paligid. Pag-uwi sa bahay ni Al ay agad akong nakatulog sa kuwarto. Nagising na lamang ako nang hating-gabi at nag-iisa sa madilim na kuwarto. Agad akong naglinis ng sarili bago bumaba upang maglibang. Wala akong nadatnang tao sa madilim na sala at kusina, kaya bumalik ako sa itaas upang maghanap ng kasama. Tulog na tulog ang mga kapatid ko nang abutan ko sa kuwarto ng mga ito kaya umalis na lamang ako roon upang hanapin si Al. Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng isang pinto na hindi ko alam kung para saan. Sinubukan kong kumatok ngunit walang tumugon. Pinagmasdan ko iyon bago dahan-dahang ipinihit ang seradura. Medyo madilim din ang loob ng kuwarto, ngunit laking tuwa ko nang masumpungan doon ang lalaki na kaharap ang laptop nito at tulala. Bahagya itong nakagilid sa akin kung kaya’t hindi agad ako nito nakita, o sadyang tutok lang talaga ito masyado sa screen ng laptop niya kaya hindi niya napapansin ang presensiya ko? Lihim akong napalunok at kunot-noong pinagmasdan ang lalaki na nakasandal sa upuan nito at tila tuliro ang isip. Panay ang himas nito sa panga, minsa’y sa labi ngunit ang mga mata ay walang emosiyon. Aaminin kong nangilabot agad ako sa hitsura nito. Sinilip ko ang screen ng laptop nito at lalong napakunot ang noo. Ilang segundo pa ang nagdaan bago ko napagtanto kung sino ang tinititigan nito. Agad akong napasinghap... Nanlaki na lamang lalo ang mga mata ko nang mapatingin ito sa akin. Kita ko kung paano ito matigilan, saka agad na kinalikot ang laptop bago tumayo. “Keehana sweetheart . . .” “A-Ano iyon?” pagtatanong ko rito kahit na alam ko namang litrato ko ang tinititigan nito kanina. Tila pa ako nanghina at nanginig nang hablutin nito ang pulso ko at hinila ako papasok sa loob. Natigalgal ako sa gara ng opisina nito. Nagkalat pa ang mga papeles nito sa mesang nasa tabi. “Hmm, kagigising mo lang?” tila nanlalambing na anito na ikinatigil ko sandali. Tiningala ko ang lalaki na para bang wala sa katinuan. Kakaiba ang klase ng tingin nito sa akin. Tingin na nagbibigay ng kilabot sa buo kong pagkatao. “A-Ah, oo. Tulog na kasi ang mga kapatid ko kaya naisipan ko na hanapin ka,” mahina kong turan. Napansin ko agad ang pag-angat ng sulok ng labi nito. Hinila ako nito paupo sa sofa na naroon, ngunit ang ikinabigla ko ay nang kandungin ako nito. “It’s so cute to know that you are looking for me, sweetheart,” tuwang anito bago dahan-dahang isinubsob ang mukha sa leeg ko. Awtomatikong nag-isang linya ang mga labi ko at nakaramdam ng kiliti sa ginawa nito. Amba ko pang itutulak ang ulo nito nang hablutin nito ang kamay ko at mariing niyakap. “Al . . .” Umalingawngaw ang mahinang halakhak nito kaya tila ako nanigas sa kinauupuan. “I really love your smell, my Keehana,” gigil nitong turan at inangat ang bibig sa gilid ng labi ko. “Puwede ba akong makahingi ulit ng halik mo?” dagdag pa nito kaya tila ako inatake sa puso. Halik na naman? Hindi ko ito tinangkang lingunin dahil alam ko na ang kahihinatnan namin kapag ginawa ko iyon. Sa pagkakataong iyon ay sinimangutan ko ito. “Ano ba ang mayroon sa mga labi ko at gustong-gusto mo ng halik?” “Masarap, matamis at nakaka-adik.” Ngumisi ito sa nakitang pamumutla ko. “Now, puwede mo na ba akong pagbigyan? Don’t worry, halik pa lang naman.” “Ayoko nga. Tanda mo na, e.” Marahan itong natawa at sininghot ang buhok ko. “Treinta pa lang naman, hmm,” bulong nito sa tainga ko, dahilan upang manayo ang mga balahibo ko. Nilingon ko ito nang mabilis, para lamang pagsisihan iyon dahil daglian nitong sinalubong ang mga labi ko ng halik. Pinigil nito ang mga kamay ko nang tangkain kong itulak ang mga kamay nitong nakayakap sa akin. Nang ipirmi ako nito ay bumigay na lamang ako rito bigla. Noong una ay hindi ko pa masundan ang galaw ng mga labi nito, ngunit kalauan ay nakasabay na rin ako at nakipaglaban dito. Nalasahan ko pa ang pait sa bibig nito na tila mula sa kape na ininom nito bago pa ako dumating dito. “A-Ahh . . .” Isang ungol ang umalpas sa bibig ko nang ipasok nito ang dila sa loob ko. Tila ba may hinahanap at ginagalugad. Halos sakupin pa ng bibig nito ang akin, kaya ramdam ko ang basang-basang palibot ng mga labi ko. Saka lamang ito tumigil nang halos kapusin na ako ng hininga. Habol-habol ko ang hangin nang magkahiwalay ang mga labi namin at agad na nag-iwas dito. Nahihiya ako sa ginawa kong pagtugon dito, ngunit hindi ko naman maitatanggi na nagustuhan ko ang tamis at lagkit ng halik nito. Tiyak na hindi na naman ako makatutulog nang maayos nito mamaya. Napatakip na lamang ako ng mukha na ikinatawa nito nang mahina. Nagawa pa nitong yakapin ang baywang ko bago ako sapilitang ipaharap dito. Hinayaan ko ito na punasan ang bibig kong binasa niya ng laway. Ni hindi ko nagawang umimik habang nakatingin sa seryosong mukha nito, lalo na sa mga mata nito. Naroon ang kislap na tila ba masaya ito at doon lamang niya ikinikimkim ang nararamdaman. Marahan akong lumunok at umayos ng upo sa kandungan nito. Tumikhim pa ako bago harapin ang laptop nito na hanggang ngayon ay nakabukas. “Al, ahm . . .” Bahagya akong natigilan dahil sa balak kong itanong. Nakakahiya ngunit nahihiwagaan ako kung bakit nito tinititigan ang litrato ko na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Nakasuot pa ako niyon ng uniporme ko sa school habang nasa bahay. Naalala ko pa nga na nag-selfie ako sa luma kong phone bago pumasok sa school noon, kaya papaanong napunta iyon sa kaniya? “Hmm?” Nilingon ko ang lalaki na matiim na ang tingin sa akin. Tila pa ako mas lalong natuyuan ng laway dahil sa nakakakaba nitong tingin. “A-Ah, ano kasi. B-Bakit nasa iyo ang litrato ko? Iyong . . . Iyong tinititigan mo kanina,” halos pabulong kong tanong. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil doon at sa pagtahimik nito. Ilang segundo ako nitong tinitigan kaya naman lalo akong nalunod sa kahihiyan. Hinampas ko ang dibdib nito nang mahina at sumimangot. “Huwag na nga lang. Burahin mo na lang iyong litrato ko at nakakahiya ang hitsura ko roon,” sabi ko na lamang bago inilihis ang tingin. “Ayoko.” Muli ko itong nilingon at sinimangutan. Ano ba ang mayroon sa litrato ko? “Bakit naman? Ano ang gagawin mo roon? At saan mo ba iyon kinuha? Sa luma kong phone?” sunod-sunod kong tanong dito na umangat ang sulok ng labi at lalo akong hinapit. “Tititigan ko palagi. Pangtanggal ng stress sa trabaho,” tugon nito na hindi naman sinagot ang huling dalawang tanong ko. At ano raw? Tititigan niya palagi? Hibang ba siya? Nangunot ang noo ko rito. “Saan ka ba nagtatrabaho?” nahihiwagaang tanong ko. Ngunit imbis na sumagot ay tumawa lamang ito at kinalikot ang laptop. “Saan mo pala nais ipagpatuloy ang pag-aaral mo?” mayamaya ay tanong nito na ikinatigil ko. Saan nga ba ako mag-aaral ngayon? Hindi ko rin alam. Ang mamahal naman kasi ng tuition fee. ’Yong huling paaralan na pinasukan ko ay mas mura, nakakaya ko pang hulog-hulugan kada-buwan. Sa iba ay hindi ko na alam. Dismayado akong tumungo at napakagat ng ibabang labi. “A-Ano, hahanap muna ako ng mas murang tuition fee at mag-iipon habang wala pang pasok.” “Ayaw mo bang ako na lang ang mag-sponsor sa pag-aaral mo?” ngiting tanong nito kaya agad akong umiling nang marahas. “Hindi na. Hindi mo naman responsibilidad iyon.” Napahinga ako nang malalim at pinagmasdan ang ginagawa nito sa laptop. “Al, gusto kong mag-work muna habang bakasiyon.” Inihinto nito ang palabas na dokumentaryo sa laptop nito bago pa magsimula. Ipinaharap ako nito na ikinakagat ko ng ibabang labi. “Alright, if that’s what you want, hahayaan kita. Kung nais mo ay ipakaka-usap kita sa kakilala ko na ipasok ka dahil malaki rin ang sahod doon,” kalmadong anito na ikinamilog ng mga mata ko. Napa-awang ang aking mga labi. “T-Talaga? Saan naman?” Ayos din iyon. At least ay hindi na ako mahihirapan sa paghahanap. “Sa siyudad. Ihahatid na lang kita araw-araw. Anyway, pamilyar ka sa Sew Sweet? Gumagawa sila ng mga bestida, gown at heels doon. Madali lang naman ang mga gawain doon kaya kung nais mo ay ipapasok kita.” Lalong umawang ang aking bibig sa narinig. “S-Sige, salamat, Al,” tuwang sambit ko. Ngunit nang may mapagtanto ako ay dagliang nawala ang masayang ngiti na iyon. Agad nito iyong napansin kaya sinapo nito nang marahan ang pisngi ko. “Why?” Kagat-labi ko itong tinitigan sa mga mata. “Papaano kung . . . Papaano kung makilala ako ng mga nagtatrabaho roon? Baka insultuhin nila ako dahil sa nangya—” Napatigil ako sa pagsasalita nang halikan nito ang mga labi ko nang mariin. Lumayo rin naman agad ito bago ko pa maitulak at ngumisi sa akin. “Ako na ang bahala sa bagay na iyan dahil walang sino man ang makakapagsalita ng masama sa iyo kapag sinabi ko. Ako ang makakalaban nila,” anito na tila ba may kasiguraduhan. Sa hindi sinasadya ay natulala ako sa nandilim nitong mukha. Hindi ko alam kung malamig lang ba talaga roon sa loob ng opisina niya o sadyang nangilabot talaga ako. “Kakausapin ko bukas ang kakilala ko para makapasok ka na agad. Mainam na rin iyon para hindi ka mabagot dito sa bahay. Ang mga bata ay maiiwan dito at ang mga katulong na ang bahala muna sa kanila. Ako rin ang susundo sa iyo araw-araw at wala kang ibang sasakyan kundi ang kotse ko lang, hmm?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD