Iminulat ni Celina ang mata sa makukulit na yugyog sa kanya, gusto niya pa sana matulog subalit talagang ayaw siya tigilan ng makukulit na pag-uga. "Mama gising na po, almusal na!" saad ng isang maliit na boses. Nagtulogtulugan muna sandali si Celina, ilang saglit pa at umuuga na ang kama dahil sa makukulit na pag-talon dito. "Bulaga!!" masayang paggulat ni Celina. "Aaahhh," sigaw ng isang bata sabay napaatras. "Eeehhh" sigaw pa ng isa na napahagikgik pa. Dali-daling yumakap ang dalawang bata kay Celina, gumanti naman siya dito ng pagakap, tumitili pa ang mga ito habang nakikipag kilitian sa kanya. "Oh! Tama na yan, kakain na tayo," saad naman ng isang malaking tinig sa kanila. "Yay!" sigaw ng dalawang paslit sabay patakbong lumabas sa kuwarto. "Good morning Luke" masaya niyang ba

