Ibang klaseng hinahon ang nararamdaman ni Celina habang nakahiga sa kanyang kama, para siyang ibong nakalaya sa kulungan, laking pasalamat niya talaga at nandyan si Lucy para saluhin sila. Natutulog na din si Lucien sa kuwarto ng magiging baby ni Lucy, ito na ang nagprisinta na doon na lang muna si Lucien, tutal matagal pa naman daw bago lumabas ang anak nito, napakalaki naman kasi talaga ng apartment na inupahan ni Lucy, may sarili din nga na kuwarto pati ang ninang Isme niya. Masaya niyang inakap ang kanyang unan, napaisip tuloy siya kung noon pa sana siya pumayag sa gusto ng kaibigan hindi niya na sana naranasan ang mga pighating iyon. Napatingin na lang siya sa bintana nang mapansing nagsisimula ng umulan, napatayo siya sa higaan ng biglang kumulog. Dali-dali siyang tumayo at kinuha

