Pilit na lamang isinasantabi ni Celina ang mga kaguluhan sa kanyang isipan, naroon kasi ang parte kung saan kailangan niyang mas maging tutok sa kanyang pag-aaral. Sa loob ng ilang araw pakasimula ng klase ay palagi siyang pumapasok ng maaga, upang makaiwas sa binata dahil alam niyang hanggang ng mga oras na iyon ay wala pa rin siyang kasiguraduhan sa sarili. “Lina, papasok ka na?” pansin ng kanyang ninang nang makita siyang naka-uniporme. “Opo.” Ngiting baling niya dito sabay lapit upang humalik. “Ang aga mo naman, nag-almusal ka na ba?” maingat na haplos ni ninang Isme sa pisngi niya. Napabaling siya sa mga taong naroon, mukhang naghahanda pa lamang ng almusal ang ilan sa mga katulong at abala din ang kanyang ninang sa pag-uutos ng mga dapat lutuin. “Tapos na po ninang.” Ngiting

