Kakalabas pa lamang ni Celina ay nabatid niya na kaagad ang pagkakagulo sa kusina, naroon ang palitan ng bulungan ng mga naroon pati na rin ang panaka-nakang pagsilip ng ilan sa mga kasambahay sa may pintuan patungo sa dining area ng mansyon. “Ano po nangyayari ate Melinda?” Tapik ni Celina dito nang makalapit. Nadidinig niya ang malalakas na sigawan mula sa doon, subalit hindi niya mawari kung ano ang dahilan ng lahat. “Nag aaway nanaman si senyor Leandro at senyorito Vincent,” bulong nito. Ganoon na lamang ang kaba ni Celina ng mga sandaling iyon, sa tagal niyang nananatili doon, minsan niya lang madatnan na nagtatalo ang mag-ama ngunit base sa lakas ng pagpapalitan ng mga salita ng mga ito ay batid niyang malalim ang puno’t dulo noon. “Ano pong dahilan?” Baling na lang niya muli sa

