Doc. Caleb POV Kada bisita namin sa aming mga apo ay sinisigurado kong may bago akong ituturo. Makukulit man ang mga ito pero nakatuwa sila. Sayang at wala sila sa poder namin sa probinsya. Hindi pa nakakalapag ang chopper ay muntik na akong mapaihi sa takot. "Baby patayin mo ang chopperrrr!" Sigaw ko dahil si Sha ay naka lambitin na sa mga wings ng chopper. Kahit ang asawa ko ay napamura. Dali-dali akong lumabas at kinuha siyang nakalambitin. Agad kong tinignan ang kanyang mga palad kung may sugat dahil sharp ang mga blades ng chopper pero wala naman akong nakitang sugat. Napailing nalang ako dahil para wala lang sa kanya. Kinagabihan habang nasa kubo kami ay napag-usapan naming mag-asawa na kunin na si Sha dito. Para sa amin ay mas magandang nasa lungsod siya. Kung sasama siya sa ami

