Lala's POV Kami lang dalawa ng panganay namin sa bahay, hindi na kubo dahil lumaki ang aming pamilya at kailangan na hindi namin sila kasamang matulog lalo na at anim na taong gulang ang walo at si Sha naman ay katorse na. Tinuturuan ko siya kung paano gumawa ng pasador at paano labhan. Dumating na kasi ang unang kanyang buwanang dalaw. May dalaga na kami ng mga mga asawa ko. Noong sampung taong gulang si Sha ay ikinasal na kami at ngayon ay nadito parin kami sa tribo dahil mahirap nang iwan. "Ayan anak, dalaga ka na. Dapat maging pino na ang kilos mo at huwag ka nang makipaghabulan pa sa mga kapatid mo. Alagaan mo yang balat mo lalo na ang iyong mukha." Parang nagtatanong ang kanyang mukha kaya mas ipinaliwanag kong mabuti kung bakit alagaan na niyang mabuti ang kanyang sarili. "Babe,

