"Bihis na bihis bez ah? San ang punta mo?" Tanong ni Belen sa akin habang nagpapakain sa anak nito. "Tumawag yung agency na inapplyan ko abroad..for medical na daw ako bez." Excited na talaga akong makaalis ng bansa. Dalawang buwan ang inantay ko para lamang makahanap ng trabaho sa Japan. "Wow! Ha? Nagmahal. Nasaktan. Nag-abroad ang peg mo bez. Pero okay na rin yan para distracted ka. Kesa naman umiiyak ka gabi-gabi dahil sa lalaking iyon!" Tumataas na naman ang kilay ni Belen kapag napag-uusapan ang lalaking iyon. "Huwag natin siyang pag-usapan at baka hindi tayo matapos sa pag-aalmusal." Kumuha ako ng toasted bread at peanut butter na nakahain sa mesa. Nagsalin ako ng kape sa aking tasa. Napasimangot ako ng maamoy ang aroma nito. "Yan lang kakainin mo? May sinangag at pritong itlog

